Tanong

37 2 0
                                    

"Tanggap mo na?" tanong niya.

"Ang alin?" tanong ko pabalik.

Ngunit hindi ka sumagot bagkus ay ngumiti ka lang. Tumalikod ka at naglakad palayo. Ako'y iniwan. Iniwanan mo ako ng tanong sa aking isipan. Tanggap ko na?
Ako talaga ay napatigil at napaisip sa tanong mong iyan. Pilit ko mang iwaksi sa isip ko ang tanong mo ngunit parang namang surot ito na maya't-maya ay bumabalik-balik sa aking isipan. Ano nga ba ang sagot sa tanong yan? Tanggap ko nga ba talaga? Oo? Siguro? Hindi? Mga sagot ko na walang kasiguraduhan, walang patutunguhan. Ay ewan, hindi ko alam ang sagot sa tanong mo na iyan. Hindi nga ba? Marahil ay alam ko na pero pilit kong itinataboy sa isip ko pinipilit kong kinakalimutan, pinipilit kong wag isipin. Ayaw kong sagutin kasi ayaw kong tanggapin. Ayaw kong tanggapin dahil ayaw kong paniwalaan. Isang katotohanan ang pilit kong ikinukbli, kasi masakit ang katotohanang iyon. Ayaw kong buksan ang isipan ko sa realidad. Na sa hinaba-haba ng panahong nagdaan hindi ko pa rin pala tanggap ang katotohanang 'yon. Ang katotohanang na sa mundong 'to meron nalang ikaw at ako ngunit wala nang tayo.

Mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon