Ngiti

38 2 0
                                    

Nang mukha mo ay aking masilayan isang napakagandang ngiti ang muling nagbalik sa aking mga labi. Ako'y iyong nilapitan. Kamay ko'y iyong hinawakan. Walang salitang mamutawi sa aking bibig kundi ngiti lamang. Nagsimula tayong maglalakad patungo sa lugar kung saan? Hindi ko alam, wala pakialam. Basta't kasama kita ok lang. Wala akong makita sa oras na iyon. Kundi ikaw lang talaga. Mahal masaya ako at ikaw aking nakasama. Salamat at kamay mo ay muli kong nahawakan. Init ng palad mo ay muli kong nadama. Sa paglalakad natin tayo ay biglang huminto, hinarap mo ako. Ngiti sa labi mo ay hindi pa rin napapalis. Mga ngiti mo sa akin ang patunay na ikaw ay totoo at hindi ilusyon lamang. Ako'y napapikit at hindi mapigilang lalong mapangiti. Inaalala ang bawat sandali. Ninanam bawat sandaling kasama ka. Sa pag-ihip ng malamig ng hangin ay siya ring pagdilat ng aking mga mata. Ngunit kadiliman ng paligid ay siyang agad na sumalubong sa akin. Sing itim na barakong kape na iniinom mo sa umaga. Wala akong makita. Presensiya mo ay 'di ko na dama. Init ng iyong palad ay 'di ko na maramdaman. Mahal nasaan ka? Tanong ko sa kawalan. Isang nakakabinging katahimikan ang tanging sagot ng kadiliman. Unti-unting bumigat ang aking pakiramdam. Tumulo ang masagang luha sa aking mga mata kasabay ng pagbigkas ko sa mga salitang..."Panaginip lang pala."

Mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon