Kanta

42 2 0
                                    

Ito na naman ako nakikinig ng kanta. Pinapakinggan bawat himig. Kinakabisado bawat salita.

Ito na naman ako nakikinig at unuulit-ulit ang kantang minsan akong binigyan ng saya. Binigyang kulay ang walang kakulay-kulay kong mundo. Ang kantang minsang binigyan ng ngiti ang mapupula kong labi. 

Ito na naman ako nakikinig sa kantang at paulit-ulit na sinasaktan ang sarili, masisi mo ba ako kung sa ganitong paraan maramdaman ko man lang, maalala ko kahit minsan ang saya at kung gaano naging makulay ang mundo ko.

Ito na naman ako nakikinig sa kantang paulit-ulit na dinudurog ang puso, sa mga alaala na hatid ng bawat salita. Sa mga alaalang alam kong mananatiling alaala nalang. 

Ito na naman ako nakikinig sa paborito mong kanta...

Mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon