Dalawang salita, anim na letra. Madaling sabihin, ngunit bakit sadyang kay hirap gawin. Ang daling bigkasin ng bibig ang dalawang salitang 'yan. Ang daling isipin di'ba. Ang hirap isakatuparan. Ngunit kailangang gawin. Alam kong hindi magiging madali ang bagong daan kong tatahakin, daan palayo sa alaala mong minsang binigyang saya ang buhay ko. Bawat hakbang ng aking paa palayo sa'yo ay isang kilong bigat ang nadarama. Mahal patawad kong pipiliin ko nang lumayo, pilitin ko mang manatili alam ko wala ng pag-asa ng tayo. Alam kong malayo pa ang lalakbayin ng pusong nasaktan, mahaba-haba pa ang oras na gugugulin makawala lang sa sakit dulot ng pagmamahal ko sa'yo mahal. Magiging mahirap to, sobra. Ngunit pipilitin kung kayanin dahil alam kong sa dulo ng paglalakbay kong ito ay muli akong makakangiti at sasayang muli.
P.S Magiging mahirap lang 'yan, kung hindi mo susubukan.
BINABASA MO ANG
Mga Salita
Acak"Mga salita na binuo ng aking makulit na isipan, ito'y na buo gamit ang mga letra mula sa alphabeto. Mga salita na binuo ko para lang sa'yo. Mga salita na sana ay balang araw mabigkas ko para marinig mo. Mga salita na sana'y hindi mananatiling sali...