Hyiennie's POV
Nasa school kami ngayon nagtatawanan at kwentuhan 4hours kasi ung Break namin may meeting kasi ung mga teacher sabi nung isa naming kaklase ....
Naglalakad kami sa Hallway ng Biglang may tunawag kay Kenneth isang babae
Kenneth!! sigaw nung babaeng mukhang hipon
Casey!! sabi naman ni Kenneth sabay yumakap dun sa babaeng hipon psh... Bakit ganto ung nararamdaman ko parangtinutusok ung 'puso' ko
Long time No See ha... sabi nung hipon este Casey
Kailan ka pa nakabalik dito? Tanong ni Kenneth
Nagtinginan kami nila Cass si Enzo naman tinawag si Kenneth
Kenneth... tawag ni Enzo kay kenneth..Punta lang kami sa Cafeteria ha gusto niyo ba sumama? tanong ni Enzo
Nandto kami sa Cafeteria ngayon pinakilala kami ni Kenneth kay Casey sabi ni Kenneth siya daw ung dating nililigawan niya....Napatingin naman sakin tong sla Carlo ano meron? Pero nung narinig ko un para talagang natutusok ung puso ko tapos nung nakita kong nagtatawanan sila parang biglang umiiyak ung puso ko Bakit ganito?
Nagpaalam ako sakanila na magpupunta lang ako sa CR
Guys usap lang kayo ha punta lang ako sa CR... paalam ko sakanila...
****
Kenneth's POV
Nandito si Casey sa school sinabi pala nila Mommy kung san ako nagaaral kaya pinuntahan niya ako dito grabe anlaki ng pinagbago niya mas lalo siyang gumanda....Nagtatawanan kami ng biglang magpaalam si Hyienz na pupunta lang daw siya sa CR
Guys usap lang kayo ha magpupunta lang ako sa CR...sabi niya saka tumayo at lumabas ng Cafeteria...Mukhang may problema siya kasi malungkot siyang lumabas....Susundan ko sana kaso hindi ko naman pwedeng iwan si Casey kaya tinext ko nalang siya
To: Hyienz❤
Hyienz may problem ka ba?
Sent
Ilang minutes na ang nakalipas pero dipa din siya nabalik at nagrereply...
Pre una na kami ni Yna nagtext kasi si Manong nandyan na daw siya... paalam ni Carlo samin ni Enzo
Maya maya bumalik na si Hyienz nagkasalubong sila nila Yna
Ohh Hyiennie sabi nga pala ni Tita kailangan mong umuwi ng maaga... sabi ni Cass kaya kinuha ni Hyienz ung bag niya at nagpaalam na samin tapos sumunod na din sila Cass...
Naiwan kami ni Casey pero umuwi na din kami hinatid ko siya sakanila nandyan naman na si Manong ehh...
Nakauwi ako ng Bahay pero hindi pa din nagtetxt si Hyienz anong nangyari dun?
****
Hyienne's POV
Nakauwi na ako dumaretso agad ako sa kwarto ko naalala ko ung kanina di ko alam anong nangyayari sakin Umiiyak ako ngayon nasasaktan ung Puso ko...Tinatawagan ako ni Kenneth pero hindi ko sinasagot...
Anak may bisita ka dito sa baba... sigaw ni Mommy....Pagbaba ko nakita ko si Kenneth hindi ko siya pinapansin nagsasalita siya pero di ko siya kinakausap....
Nakalipas ang ilang minuto bigla siyang tumayo at nagpaalam kanila Mommy...Paglabas niya tumakbo agad ako sa kwarto at iyak ako ng iyak...
Nagtext si Cass
From: Cass
6:30pmHyiennie sama ka tonight pupunta kaming Clubhouse?
To: Cass
6:35pmSure what time? Daanan niyo nalang ako dito...
Sent...
Ilang minuto lang ang nakalipas nandito na sila kaya nagpunta na kami sa Clubhouse wala si Kenneth di ata nila niyaya....
Malungkot Ako hangang ngayon at nahalata ata ni Yna yon
Hyien may Problema ba? May Sakit ka ba? Kanina kapa ganyan sa Cafeteria ahh... tanong ni Yna
Huwag mong sabihing ------ di natuloy ni Cass ang sasabihin niya ng bigla akong magsalita
Na nagseselos ako? Hindi ako nagseselos...Naguguluhan lang ako sa sarili ko kasi bakit nung naguusap sila ni Casey nung nagyakap silang dalawa di ko alam bakit parang may tumutusok sa puso ko ang sakit di ko alam kung bakit ako nasasaktan... mangiyak ngiyak na sabi ko sakanila kaya niyakap nila ako....
Nagulat ako ng biglang dumating si Kenneth at Casey nakahawak si Casey sa Braso ni Kenneth....
Guys una 9pm na pala may klase pa tayo bukas Uwi na ako ha.... paalam ko sakanila...
*******
Casey(Kasi)ehh dumating pa si Casey hahaha....😂😂
#IFIWMB
PS: si Casey ung nasa Picture☝☝☝
Kwon Yuri a.k.a. Casey