<-------------- VOTE
STUDENT-TEACHER AFFAIR
Ngayon pupunta dito ang family ni chase to have dinner si manang at mama ang nag luto kasi hindi talaga maaasahan si mommy when it comes to cooking, hanggang cloth and clothes lang yan. :)
Ang dami nilang niluto, sabi ko naman tatlo lang sila kami naman 9 lang pero pag dumating yung girlfriend ni kuya, 10 na. Pero the food is too much pa rin, ayaw ko naman tanungin si mama, baka matarayan nanaman ako, pinalapit niya ako at pinatikim ng luto niya.. :9 ang saraaaap. bakit kaya hindi nag mana dito si mommy?
“ dadating din ang lolo't lola mo sa side ng daddy mo, alam mo ba? “ sabi ni mama.
O___O oh no? is she for real? di nga??
“mama? seryoso ka? bakit hindi naman sinabi sakin ni daddy? “ kung si mama mataray, pano pa kaya si lola? eh ubod ng katarayan yun eh. at tska.. yariii na ko dito. baka mapalo ako ng di oras. Si lola, dahil sinaunang tao, sinauna rin ang paniniwala, kelangan sa bahay mangliligaw ang isang lalaki, or kung lumalandi ang isang babae, kinukurot daw sa singit. kahit si mommy takot din dun. hala, baka makurot din ako ng di oras ah. nieta naman oh.
“nasan na si olivia?! Edwin?! nasan na ang mga tao dito?” nagulat ako sa narinig kong boses.
“patay, nanjan na po ang amazona. mama... “ huhu!
“ lola mo din yan, anong amazona? galangin mo!” edwin is the name of my father. pumasok sa kitchen si lola.
“ikaw bata ka. ka-bata bata mo pa eh, buntis ka na agad, nung kapanahunan namin hindi yan pede, oh kung talagang nabuntis, kasal agad. ikaw bata ka ikaw bata ka.” with matching kurot.. umiiwas naman ako. sakit ha!
“wala ka pang dalawang-pu buntis ka na agad, ano nalang sasabihin ng mga kamag-anak natin? machichismis yan sa buong baranggay. “ ang daming kurot eh, yung maliliit na kurot pa. ang sakit oh!
“ka-isa isa kitang apo. hay nako, dapat kasi sa amin nalang kayo nanirahan para napangaralan kita, na disiplina. Hindi ka sana ganyan, kung ano anong kalokohan ang pinag gagagawa. lumaki ka sanang disente, puro, magalang at malambing. hindi basagulera at mahaliparot!” aba, loko to ah. nako nako nako.. binaba ni mama yung sandok niya, narinig ko. medyo may kalakasan kasi eh. napatingin naman si lola.
“anong gusto mong ipahiwatig sa mga sinasabi mo? hindi namin tinuruan ang apo namin? hindi namin pinalaking maayos ganun ba? “ sabi ni mama.
“oo, kung pinalaki niyo siyang maayos, edi sana wala ito ngayon.” Sagot naman ni lola. nakaturo sa tyan ko.. nakooooooooooooooo talaga.
“pinalaki namin siyang maayos, mapag mahal, malambing, magalang. At pinakita namin na mahal namin siya, ipinaramdam namin na mahal namin siya, ikaw ba, kaya mong iparamdam yun?” battle of the grannies. this is exciting. napansin ko si mommy at david at tita, nandun sa may door papasok ng kitchen, nakikinig. natahimik sandali si lola..
“ maayos ba ang pagpapalaki dyan? tingnan mo, sa kalandian yan ang napala, nabuntis. syempre kaya kong iparamdam na mahal ko siya, apo ko siya, talagang mahal ko siya. Hindi ko hahayang may mangyari ng tulad nito sa kanya. “ sagot niya.
BINABASA MO ANG
STUDENT-TEACHER AFFAIR(COMPLETE)
HumorDating mag kasintahan sina Via at Chase nag hiwalay sila dahil mas pinili ni Chase ang kanyang profession kesa sa mahal niya matapos ang 4 na taon hindi nila alam na mag kikita ulit sila sa school na pinapasukan ni Via. Will it be a happy ending or...