Chapter 12

141 4 0
                                    

Weird

Nakakapanibago, kakaibang tingin ang ipinupukol sa akin ng mga studyante. Ibang iba sa nakasanayan ko noon. Hindi ko alam kung dahil kasama ko si Lancel o dahil napatunayang inosente ako at walang kasalanan. Ah basta may kakaiba ngayong araw na ito.

"Lancel sigurado ka bang pwede na akong pumasok? Baka naman isa to sa mga pantitrip mo."

Huminto si Lancel sa paglalakad kaya bumangga ako sa malapad nitong likod. Humarap sya sa akin kaya napaatras ako.

"Wala ka bang tiwala sa nag iisa mong kapatid?"

"Honestly, wala." Diretsahang sagot ko sa kanya.

"Ouch! Anyway bakit ka ba nahihiya kung wala ka naman kasalanan. Hindi ganyang klaseng Tara ang kilala ko. Si Tara na palaban. . . . . "

May point sya pakialam ko ba sa iisipin ng ibang tao. Saka ano ang mapapala ni Lancel kung pagtitripan nya ako. Mas may tiwala naman ako sa kanya keysa sa ibang tao pero mas may tiwala ako kay Alice keysa sa kanya. Speaking of my best friend Alice, bakit ba hindi ko sya matawagan mula kanina? Lagot sa akin yong babaeng yon.

". . . . matapang, walang paki sa iniisip ng ibang tao, walang puso at kaluluwa, maitim ang budhi."

"Anong mga pinagsasabi mo? Tumigil ka na nga matutuwa na sana ako dinugtungan mo pa ng kung anu ano. Ako walang puso at kaluluwa? Ano tingin mo sa akin, hindi tao?"

"Binibiro lang kita, kanina ka pa kasi nag iisip dyan, sumunod ka na lang sa akin ihahatid kita sa room mo."

"Hindi mo naman ako kailangan ihatid, para naman akong bata saka nagmumukha tuloy akong guilty."

"Kailangan, dahil nangako ako."

"Ha?"

"Basta, wag ka na ngang maraming tanong."

Hindi na ito muling nagsalita at nagpatuloy na sa paglakad kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod.

"Friend!!!!" nakangiting salubong sa akin ni Alice mula sa pinto ng classroom. Niyakap nya ako ng mahigpit at halos hindi na ako makahinga. Nakita ko ang kakaibang tinging ipinukol sa akin ng mga kaklase ko pero walang miski isang nagsalita.

Parang may kakaiba, pakiramdam ko may mali.

Nagpaalam na sa akin si Lancel, bumalik sa normal ang aura sa loob ng room na parang walang nangyari nitong mga nagdaang araw. Gusto ko sanang usisain si Alice pero dumating na ang subject teacher namin kaya ipinagpaliban ko muna ang pagtatanong.

Napansin ko ang paminsan minsan pagsulyap ng mga kaklase ko lalo na ang mga babae. Gusto kong hilahin ang oras para matapos na sa pagtuturo ng guro. Marami akong gustong itanong kay Alice.

"Ms. Ordonis," tawag sa akin ni Ma'am Diosana.

Napalingon rin sa akin ang ilang mga studyante.

"Ipinasasabi ni Ma'am Rosana na pumunta ka sa teacher office after ng klase natin kakausapin ka raw nya."

Nakarinig ako ng ilang mga bulong bulungan sa paligid ngunit agad din iyong sinaway ni ma'am.

Tulad ng sinabi ni ma'am Diosana pumunta akong teachers office pagkatapos ng klase namin sa kanya. Akala ko pa naman makakausap ko na si Alice mukhang naudlot pa yata. Swerte talaga ng babaeng yon, mamaya tatadtarin ko yon ng mga tanong.

"Ms. Ordonis, nagtataka ka siguro dahil kinansel ang suspension mo." Sa totoo lang oo, naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon.

"Yon nga po ang gusto kong itanong ma'am."

LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon