Chapter 27

59 2 2
                                    

Jameson

"Jameson?" pabulong kong wika subalit sapat iyon para marinig ni Isaac.

Bahagyang humakbang si Isaac upang pumagitna sa aming dalawa.

"Sinusundan mo ba kami?" Bakas sa tono nya ang pagkairita.

"A-ah h-hin-di sa ganon, wala akong balak na masama. Gusto ko lang makausap si Tara, nakita ko kasing isinakay mo sya kaya sinundan ko kayo."

"At bakit mo naman sya kakausapin?" nakapamulsa nyang tanong.

"Gusto ko lang sana humingi ng tawad sa nangyari."

"Hindi na kailangan dahil hindi ka  naman nya patatawarin kaya umalis ka na. Ayoko na ring makita yang mukha mo dahil kung hindi- aray!" Hinampas ko sya sa likod.

"Tumigil ka nga Isaac," pabulong kong wika sa kanya.

"Totoo naman yong sinabi ko walang kapatawaran yong ginawa nya sayo."

"Isip bata."

"Ano?"

"Dyan ka lang mag uusap lang kami."

"H-hindi p-"

Tinitigan ko sya ng masama kaya hindi na nito natuloy ang mga ibang sasabihin.

Wala syang nagawa kundi mag intay sa motor habang kami ni Jameson ay bahagyang lumayo sa kanya.

"Una sa lahat gusto kong humingi ulit ng tawad sayo Tara," panimula nito. "Alam ko na hindi sapat yong sorry  sa lahat ng mga nagawa ko sayo. Kung hindi dahil sa akin hindi manganganib ang buhay nyo ni Isaac. Habang buhay kong pagsisihan yong ginawa ko sayo."

Yumuko ito at hinawakan ang kabilang kamay.

"Pasensya ka na kung inistorbo kita gusto ko lang magpasalamat sayo, sa kabila ng mga nagawa kong kasalanan pinatawad mo pa rin ako. Nagpapasalamat ako kasi imbes na ma-expel ako sa school pinayagan akong mag drop out na lang. Nagpapasalamat din ako dahil hindi nadamay si Samantha sa kasalanan ko. Alam ko na unfair yon sa part mo pero nagawa mo pa ring ilihim sa lahat yong totoong nangyari. Walang kapatawaran yong nagawa ko pero tatanawin kong yong malaking utang na loob."

"Anong plano mo?"

"Uuwi na muna ako sa lola ko  sa Pangasinan, doon magsisimula ulit."

"Paano na si Samantha?" Malalim na bungtong hininga ang sinagot nya sa akin. "Nabalitaan mo na ba na pupunta ng syang Italy?"

Malungkot itong ngumiti.

"Masaya ako para sa kanya, alam ko na may magandang kinabukasan sya doon. Makakakilala sya ng taong magpapasaya sa kanya yong taong hindi sya sasaktan." Tumingala sya sa langit saka ngumiti.

Sa likod ng mga ngiti mababakas pa rin ang lungkot at sakit na nararamdaman nya. Mali man ang paraan ng pagmamahal ni Jameson para kay Samantha pero nakikita ko ang sinseridad nya para dito. Sana maging aral sa kanila ang lahat ng mga nangyari. Hindi masamang magmahal subalit hindi iyon sapat na dahilan para gumawa ng bagay na makakasama sa kapwa.

Naalala ko yong nangyari kahapon nong araw na nagpaalam sa akin si Samantha.

"Tara, pasensya na sa istorbo, nandito ako para sana magpaalam sayo. Alam ko na hindi naging maganda yong mga nangyari sa atin kaya humihingi ako ng tawad. Ako ang puno't dulo ng lahat ng mga nangyari. Hindi ako nakuntento kung anong meron ako, hindi ko nilawakan ang pag iisip ko. Masyado akong naging duwag para harapin ang katotohanan kaya hindi ko nagawang ipakita sa kay mommy ang halaga ko dahil doon nakagawa ako at si Jameson ng malaking kasalanan. Ako ang dapat sisihin sa lahat ng mga nangyari, nagawa nya ang lahat ng iyon dahil sa akin. Humihingi ako ng tawad para sa lahat ng mga nagawa nya. Nagpapasalamat din ako kung hindi dahil saiyo hindi sya magkakaroon ng isa pang chance para maitama lahat ng mga pagkakamali nya. Nagpapasalamat ako dahil naging malawak ang pag unawa mo Tara. Salamat at patawad."

"Walang taong perpekto ang mahalaga matututo tayo sa mga pagkakamali natin."

Bahagya syang ngumiti. "Gusto kong mag paalam sayo dahil pupunta na ako ng Italy para magpagamot. Salamat, dahil sayo nagkaroon ako ng lakas ng loob para harapin ang sarili ko. Nagawa kong iparating kay mommy lahat ng saloobin ko. Salamat dahil nagawa kong harapin yong problema ko.

"Kung aalis ka sino na ang makakasama ko sa mga competition?" biro ko sa kanya.

"Balang araw maghaharap din tayo at pag dumating ang araw na yon gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matalo ka."

Napangiti ako sa sinabi nya.

"Iintayin ko ang araw na yon Samantha. Hihintayin ko ang araw na muli tayong magkakaharap sa isang competition." Lumapit si Samantha at niyakap ako. "Alam na ba ni Jameson na aalis ka na?" Lumayo sya sa akin, bahagya syang yumuko.

"Oo nakapag usap na rin kami."

"Iiwan mo na ba sya?"

"Mahal ko si Jameson hindi ko kayang unti unti syang masira dahil sa akin. Mabait at maunawain sya alam ko na maiintindihan nya itong desisyon ko. May mga pag ibig na mananatili sa puso kahit hindi na magkasama. Hindi lahat ng pinagtagpo itinadhana, siguro nga mahal namin ang isa't isa pero hindi kami pwedeng magsama dahil darating ang araw magkakasakitan lang kami."

Yong ang huling pag uusap namin ni Samantha bago sya umalis. Sana mahanap na nya ang kapayapaan sa puso nya.

"Maswerte ka Tara," wika ni Jameson.

Bumalik ako sa realidad ng marining ang boses ni Jameson.

"Ha?"

"Dahil maraming nagmamahal sayo at handang protektahan ka."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kung alam mo lang kung gaano ka kasikat sa school ng hindi mo namamalayan."

Sikat sa school? Dahil ba kay Isaac?

Ngumiti sya sa akin. "Sa dami ng gustong manligaw sayo walang kahit isang naglakas ng loob lumapit maliban kay Isaac."

"Hindi kita maintindihan. Magkaiba ang level at status namin ni Lancel sa school. Hindi ako kagaya ng iniisip mo."

"Hindi ka ba nagtataka? Kahit sikat si Isaac hindi lumabas ang pangalan mo sa social media o maging sa school forum."

"Dahil sa Daddy ni Isaac?" Umiling ito.

"Hindi mo alam kung ano ang kayang nilang gawin, bago pa kumalat nalinis na nila. Takot na lang nilang magkalat ng balita."

"Nila? Sinong tinutukoy mo?"

Ang barkada ba ni Lancel ang tinutukoy nya?

"Akala ko nga hindi na ako sisikatan ng araw, laking pasalamat ko na lang at buhay pa ako ngayon." ngumiti sya sa akin. "Maswerte ka sa kanya." 

Tumingin ako sa direksyong tinitingnan nya. Seryosong nakatitig si Isaac sa pwesto namin, nakahalukipkip ang dalawa nyang kamay.

"Nararamdaman ko na mahal na mahal ka nya. Handa syang ibuwis ang buhay nya para sayo.

Si Isaac? Tama, iniligtas nya ako kahit alam nyang delikado, inako nya yong kasalanang ibinibentang sa akin para lang hindi masira ang pangalan ko. Ginawa nya ang lahat para malinis ang pangalan ko at para mahanap yong taong may masamang tangka sa akin.  Siguro nga matagal ko ng naramdaman yon pero palagi kong itinatanggi sa sarili ko. Marahil ay natatakot akong aminin sa sarili ko na may taong tunay na nagmamahal sa akin. Hindi ako kasing tapang ni Jameson na handang harapin lahat para sa pag ibig kahit ano pa ang maging resulta. Naging duwag ako para harapin ang katotohanan dahil nabubuhay ako sa kasinungalingan. 

"Pano Tara hanggang sa muling pagkikita." 

Inilahad nito ang kanang kamay sandali ko yong tiningnan bago ko ito inabot.

"Hanggang sa muli nating pagkikita," nakangiti kong wika.

Tila nabunutan ako ng tinik habang pinagmamasdan ko si Jameson na papalayo. Ito na siguro ang tamang panahon para harapin ko naman ang katotohanan.

To be continued. . .

By Sahara
Thank you!

LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon