Chapter 8

158 3 0
                                    

Exam

"Oh Tara nandyan ka napala hindi ko napansin ang pagpasok mo," wika ni Alice subalit ang atensyon ko ay nasa nakasulat sa papel . Naglakad ito palapit sa akin.

"Ok ka lang ba? Anong......" hindi na nito natapos ang sinasabi dahil mabilis kong tinungo ang pinto.

"Uy Tara saan ka pupunta? Malapit ng magsimula ang exam"

Tawag sa akin Alice bago ako tuluyang makalabas ng room.

Tinakbo ko ang daan papuntang teachers office kailangan ko kasing makabalik agad bago magsimula ang exam. Pagdating ko doon wala ng teacher, siguro papunta na sila sa kani- kanilang room. Noong una nag alangan akong pumasok ngunit nagdesisyon din akong tumuloy, gusto kong matiyak kung totoo nga yong nakasulat sa papel.

"Sa teachers office naroon ang hinahanap mo,"

Iyon ang nakasulat sa papel.

Pagdating ko sa tapat ng table ni ma'am Rosana nakita ko agad ang hinahanap ko. Tama nga ang nakasulat sa papel, nandito nga ang kwentas.

Pero paano to napunta rito? Saka sino naman ang gagawa non?

Nakakapagtaka pwede naman nyang ibigay iyon sa akin ng personal o di kaya ay ilagay doon sa ilalim ng table ko pero bakit dito pa?

Whatever! Ang mahalaga nahanap ko na yong kwentas. Dinampot ko iyon at inilagay sa bulsa.

Muntik na akong di makaabot sa exam mabuti na lang at napaaga ako ng 2 minutes kung hindi baka hindi na ako makapag take. Nilingon ko si Alice at nakita ko itong nakatingin sa akin, bakas sa mukha nya ang pagtataka pero agad din iyong napalitan ng ngiti. Tumango ako sa kanya, bumulong ako sa hangin ng goodluck. Alam kong ito ang pinakamahirap na part para sa kanya. Sana makatulong yong pagrereview ko sa kanya.

Ni- scan ko muna ang bawat pages ng test at napangiti ako, mabuti na lang at nakapagreview ako bago mangyari ang insidente. Walang kahirap hirap kong nasagutan ang mga tanong. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik, sa wakas konti na lang makakahinga na ako ng maayos.

"Para sa akin ito na ang pinaka mahirap na part bilang studyante, naubos ang lakas ko kaya kailangan kong kumain ng marami." Parang lantang gulay si Alice habang nakasandal ito sa upuan.

Tulad ni Alice marami rin ang na stress sa test kaya nilalaan na lang nila sa pagkain. Ang iba naman ay hindi pa rin sumusuko at nag aaral pa rin habang kumakain.

"Di nga halata ang dami mong inorder. Akala ko ba diet ka na?"

"Anong diet? Walang diet - diet, di na yon uso lalo na kapag nadidrain yong utak ko." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya. "Buti ka pa di mo ramdam yong exam." Imbes na sumagot nilagyan ko ng isda ang plato nya. Kahit man lang dito gusto ko syang suportahan.

"Kumain ka ng kumain para magka energy ka." Napangiti ito.

"Narinig nyo ba ang usap usapan? may nagnakaw daw ng copy ng test questioners sa teachers office?" dinig ko mula sa pwesto namin ang pag uusap ng ilang mga studyante sa canteen. Break time na at dalawang test na lang pwede na kaming umuwi.

"Grabeh no, sino naman kaya ang may lakas ng loob gumawa non?"

"Baka gusto maging number one"

"Eh sa tingin mo naman may makakatalo sa spot ni Tara Marie? Sa loob ng tatlong taon wala pang nakakaagaw ng pwesto nya sa bulletin."

"Narinig mo yon best? Alam ng mga studyante rito na ikaw nanaman ang magiging number one sa bulletin." Ang tinutukoy nya ay ang overall ranking.

"Tss, hindi naman mahalaga sa akin kung sino ang number one sa bulletin. Masagutan ko ng tama ang tanong sa exam yon ang mas maghalaga.

"Kung naging kasing talino mo rin sana ako di sana hindi ako nahihirapan sa mga exam. Ano bang dapat kong gawin para maging katulad mo?"

"Kapag isinapuso at isinaisip mo lang ang pag aaral magagawa mo rin yon."

"Iniisip ko pa lang parang ang hirap na, lalo na kapag isinaisip ko pa. Ngayon pa nga lang drain na ang utak ko baka pag ginawa ko yon sa hospital na ako mag ti-test." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. "Best san ka nga pala nagpunta kanina, muntik ka na tuloy di umabot sa test alam mo naman na mahigpit si ma'am Dimaculangan." Sinabi ko rito ang tungkol sa sulat na nakuha ko at kung saan ko natagpuan ang kwentas.

"Weird paano yon mapupunta sa table ni ma'am Rosana?" Kahit si Alice nawewerduhan din.

"Yon din ang naisip ko nong una, nawala yon sa cr ng mga babae kaya paano yon mapupunta sa table ni ma'am, unless kung may nag lagay nito roon." Ipinagkibit balikat ko na lang yon.

"Kung may naglagay man roon, sino? Sino ang pwedeng gumawa non. Saka bakit naman doon pa nya ilalagay?"

"Ang tanong, ano ang motibo nya? Yon ang kailangan kong alamin."

"Tara." pauwi na ako ng masalubong ko si Isaac palabas ng cannex building. Marami pang studyante kaya marami rin ang matang nakatingin sa amin.

"Ano nanaman Isaac?" pansamantala akong tumigil sa paglalakad at hinarap ito.

"Pwede ba tayo mag usap?" Seryoso ang expression ng mukha nya kumpara noong mga nagdaang pag uusap namin.

"Para saan? Para ipagtanggol rin sa akin si Janella?" Masama pa rin ang loob ko sa nangyari. Naalala ko pa ang ginawa ni Lancel, ang pagkampi nya sa babaeng yon.

"Hindi iyon ang ipinunta ko." Hanggang ngayon hindi ko pa rin mabasa kung ano ang totoong Isaac.

"Please lang Isaac tigilan mo na ako, tahimik ang buhay ko noon at gusto kong manatiling tahimik yon hanggang makagraduate ako. Please! tigilan mo na ako, yong iba na lang, wag na ako." Tinalikuran ko ito, ayokong marinig ang kahit anong sasabihin nya dahil hindi na magbabago ang isip ko.

Tulad ng mga nagdaang araw, hindi na bago sa akin ang atensyon ng mga studyanteng nadaraanan ko tuwing umaga pero parang may kakaiba ngayon araw na ito. I mean oo madalas nila akong pag usapan sa tuwing dumaraan ako sa harap nila, pero iba ngayon. Para bang may nagawa akong napakalaking kasalanan.

"Grabe, hindi ko akalain na magagawa nya yon," wika ng isang babaeng nadaanan ko.

"Siguro hindi lang ngayon nya ginawa yon, malay ba natin kung ngayon lang sya nahuli."

Weird, anong meron? Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at hindi pinansin ang mga sinasabi nila.

Anong problema ng mga taong to, may nagawa ba akong kakaiba kahapon? Binalikan ko ang lahat nga mga nangyari kahapon pero wala naman kakaiba maliban sa sandaling pag uusap namin ni Isaac. Hindi naman siguro iyon yong reason, napaka babaw naman kung pati yon kailangan pa nilang i-chismis.

Pagdating ko sa harap ng Annex building nakita ko na si Alice na hindi maipinta ang mukha habang panay ang tingin nito sa paligid na parang may hinahanap.

"Alice," tawag ko rito. Apat na metro ang layo nya sa akin ngunit tumakbo na ito palapit na para bang napaka importante ng sasabihin.

"Tara." Huminga muna ito ng malalim bago muling nagsalita. "Kailangan mong makita yong nasa bulletin board." Kahit naguguluhan hindi ko na nagawang makapagtanong dahil hinatak na ako nito papasok.

Maaga pa pero dagsa na ang mga studyanteng nag uumpukan sa harap ng bulletin board. Ano naman kaya ang meron doon. Palapit pa lang ako pero dinig ko na ang bulungan ng mga studyante na parang ako ang pinag uusapan nila. Pilit kong isiniksik ang sarili sa kumpol ng mga tao. Parang natuyo ang dugo ko sa katawan ng makita ang nakapaskil roon. Lalo namang lumakas ang usap usapan kasabay ng kakaibang tinging ipinipukol nila sa akin.

LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon