Lyra's POV
Another day! Kinukutuban ako ah! Echos. Pero, yes! Tapos na yung exam :D
*School*
Nandito na ako sa school ngayon! Kami pa lang ni Joy yung nasa room. Nagkuwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Parang ngayon lang nagkita. Ganyan kami eh. Pero magkasama lang kami sa bahay. Next time ko na sasabihin kung bakit. Hintayin natin ang tamang pagkakataon XD
-After 54325436574654 years XD-
-After ilang minutes-
"Finally, you're here!"-sigaw ko kay Thea.
Siya kasi nauuna sakin lagi. Ewan ko lang ngayon.
"Hehe, atleast hindi ako nalate, diba? Naunahan ko pa rin si Phau (pronounced as Pau)"-sabi ni Thea which is true. Si Phauline kasi laging nahuhuli na pumasok sa Crazy Fours. Kung hindi siya, si Angel.
"Lyra, narinig mo ba yung sinabi ko?"-Thea
Ay, may sinabi ba si Thea? Wala kong narinig eh. May deep thought ako eh. Ano daw? XD
"Huh? Ano ba yun?"- tanong ko.
"Wala, sabi ko nandiyan na si Rayne."-Thea
Si Rayne? OH.MY.GHAAD! Hindi na talaga ko nagsawa sa pagmumukha ni baby Rayne! Haha. Madami talaga akong tawag sa lalaking yun. Eh mahal ko nga kasi diba? :"> XD
"Hoy Lyra! Nakatulala ka na naman kay Rayne. Ganun ba talaga siya kagwapo? Ganun ka ba talaga kaadik sa kanya?"-Thea
Oo! Ganun ako kaadik sa kanya! Mahal na mahal ko yun eh :3 Okay, ang OA ko.
"Siguro. Haha. Hindi ba halata, Thea? Naku naman" sagot ko kay Thea then tumawa. Ako yung tumawa ah. Natawa nga din si Thea eh. Nakakatawa ata tawa ko? XD
Ewan ko ba dun. Hindi ba talaga niya mahalata? Hindi ba talaga nila mahalata na mahal ko talaga si Rayne? Bahala na nga.
*Fast Forward*
Chemistry Subject~
Nagdidiscuss yung chemistry teacher namin which is our class adviser din. Syempre, nakikinig ako. Kahit na hindi ko masyado magets 'tong subject na 'to.
Kasalukuyang nagdidiscuss si Ma'am nang ..
"Ms.Valencio & Ms.delos Reyes, are you listening? Why are you talking during my class?"-galit na sabi ni Ma'am. Lagot na. Mukhang may hindi magandang mangyayari ah. Tahimik kasi kami lahat. Seryosong nakikinig kay Ma'am then voila! Dumaldal.
"I should change your seating arrangement."-Ma'am
o///O OH God, siya naman po seatmate ko, please? Thanks po ♥♥
Yun na nga, inayos na ni Ma'am yung seating arrangement.
Magkatabi na nga sila Joy and Paul eh. One seat lang din pagitan nila Daniel and Joy. Si Chelle naman, katabi niya si Clark. Okay? Kamusta naman seating arrangement namin? Haha.
Oh by the way, one seat lang pagitan namin ni Sharmaine. Wala pang nakaupo between our seats eh.
Napatingin ako kay Paul. He's talking with our adviser.
Then suddenly ,
"Mr. Jimenez, sit between Ms.Valencio&Ms.Sanchez."-Ma'am
Ayanobayan. Katabi niya si---
SHARMAINE AND AKO?! OH NO!!
Masaya naman. Pero ako, Rayne and Sharmaine? OH.MY.GHAD,
"Oww, LOVE TRIANGLE!"-biglang sigaw ni Julie nung naupo na si Rayne.
Lyra, ingat sa mga galaw mo T///T
Patay tayo nito. Ay mali. AKO lang pala T_T
Edi lalo silang magiging close nito? NO WAY!
Eh pano ko nga pala magiging close si Rayne?
Tsk. Tsk. Tsk.
Natapos na yung class hours nang ..
may awkward atmosphere samin.
SAMIN LANG NI RAYNE.
SILENCE. Silence. Laging may silence. Ano daw?
Eh basta, walang nag-uusap samin. Ay mali, wala akong kausap! Kamusta naman yun diba? Mawawala ata pagiging medyo madaldal ko . Hoho :3
Free time namin ngayon. 20 minutes lang.
"Rayne! Asdkhagskdandjhiyikavbahkuy?" tanong ni Sharmaine kay Rayne. Eh sa hindi ko naintindihan eh. Bahala sila.
UWIAN
"Oh Mae, baka magka-stiff neck ka niyan ah. Ay kayo pala ni Sharmaine." sabi ni Joy then tumawa. Oh-kay.
By the way, I'm with Joy, Julie and Sharmaine. Ganto talaga minsan, sila kasabay ko umuwi.
"Oo nga naman. Tignan niyo kasi si Rayne. Wala tuloy kausap." biglang singit ni Julie.
"Si Rayne? Walang ka--" pinutol ni Sharmaine yung sasabihin ko. Dinugtungan ng bruha -.-"
"Kinakausap ko kaya siya."-Sharmaine
Tss. Oo na! Kinakausap mo na! Edi kayo na close =.=
"OO NA. Sabi ko nga diba? SIGE, BYE. Sasabay na lang ako kila Thea." inis na sabi ko. Eh pano ba naman kasi diba? Tss. Lagi ba naman akong iniinggit. Naiinggit ako kasi close sila, K? :[
Airene's POV
Hi everyone! Alam ko namang hindi niyo pa ako kilala kaya I'll introduce myself. Well, well, well. I'm Airene Dominique. 4th year student. Friend of Lyra Mae Sanchez. Yun lang, nagpakilala lang ako. Haha ^_____^V Halos bagong kakilala ko pa lang si Lyra. Alam niyo ba kung sa'n kami nagkakilala?
*Flashback*
Nagpapractice yung Glee Club ngayon. Actually hindi lahat ng members nun. Yung gusto lang mag-choir. May first friday mass kasi kami ngayon.
"Ate Airene!" huh sino yun? May sumigaw eh.
Ahh. Si Sharmaine pala. Glee Club din yan. Tapos kasama niya yung mga kaibigan/classmate niya.
"Ui Sharmaine! Pakilala mo naman ako diyan! Hi Ate! ^____^V " sabi nung isang girl. Ang cute niya *w*
"Uhh, Hi! Ako nga pala si Airene Dominique. How about you? :D" me
Syempre friendly din naman ako. Lalo na sa mga cute na nilalang! Haha.
"Lyra Mae Sanchez is the name." sagot niya then ngumiti ulit.
Aba'y masiyahin!
Then we continued practicing.
*End of Flashback*
So ayun nga yung dahilan. Hanggang sa naging close na rin kami. Ang cute nung boses niya! Lalo na pag kumakanta. Kakainlove. Nakaka-tibo nang wala sa oras. Hahaha! Pero may pagka-snobbish siya. Hindi naman sa mapili siya sa friends niya, dipende ata sa mood niya? Parang nasa good mood kasi siya nung first time na nagkakilala kami eh.
END OF AIRENE'S POV
END OF CHAPTER 6
AUTHOR'S NOTE: OH.MY.GHAD. Haha! Akala ko walang papansin ng story ko, AKALA ko ang pala. By the way, sorry po kung hindi ako nakapag-update kahapon. Busy lang po talaga. Pero thank you po sa mga nagbasa. Yung mga nag-vote. Pati na rin yung mga nag comment. Like RIELLEity and princess_nobody. Tehee~ That's all :D Subaybayan niyo lang po story ko. Haha. Thanks <3 <3 loveyou~ XD Thanks po sa pagbasa! Wait lang po kayo sa next update <3