Chapter 4: Ngiting Tagumpay

760 13 5
                                    

Lyra's POV

OH.MY.GOD. Exam na namin ngayon! Actually mamaya pa, nasa bahay pa ko eh. Pero papasok na. Nagreview na ko kagabi. Syempre naman! Kailangan yun. Para hindi ako magmukhang-bobo kay Raynebabes XD

"Mommy, aalis na po kami." sabi ko kay mommy. Oy ah, hindi naman sa mayaman kami na as in mayaman, nasanay lang talaga akong mommy yung tawag kay mother. Bakit kami? Only child lang ako. Pero nandito si Joy and yung kapatid niyang si Jhay sa bahay namin. Iba yung school ni Jhay, then si Joy nga, diba classmate ko? So ayun, sabay kami lagi.

"Oh, sige. Mag-ingat kayo."-Mommy

Nilapitan ko si mommy and kiniss sa cheeks. 

Then after that, umalis na kami ni Joy.

*School*

Nandito na kami sa school ngayon. Himala, hindi kami yung nauna, nandito na si Thea, classmate 1, classmate 2, classmate 3. Oh diba? Tsaka ko na sasabihin name nung iba kong classmate. Umupo na ko dun sa assigned seat sakin. One seat apart na lahat ngayon. Exam eh. Sa likod ako, sa harap si Rayne. Oh diba? Ang layo T____T

Pero .. Wala pa siya ngayon sa room. Yung assigned seat niya pa lang nakita ko. Pero okay na siguro yun! Para pwede akong sumulyap-sulyap sa kanya mamaya for inspiration <3 HAHAHA.        

Waa! Sana talaga pumasa ako sa mga exam! Emeghed, teka lang. Nasabi ko na ba sa inyo? Matalino si Thea. Siya pinaka-matalino sa Crazy Fours. Then si Rayne, MATALINO DIN. Pano ko yun matatalo? :3 Bahala na po.

*Fast Forward*

8:00am start ng exam namin. Pero dapat 7:00am nandito na kami sa school. Pero alam niyo bang 6:55am na? And wala pa si Rayne! Ghaad! I CAN'T KEEP CALM!

"Ui, papasok ba si Rayne?" tanong ko kay Daniel. Seatmate ko kasi yan ngayon. Best friend din ata ni Rayne. Hindi ko alam kung close friend lang ba or best friend lang eh.

"Hindi ko alam eh." sagot ni Daniel. Okay! Ano ba naman yan. Tropa tapos hindi alam kung papasok? Wag ganun.

RAYNE!! Pumasok ka!! Please? *w*

"Paul, papasok ba si Rayne?" tanong ko kay Paul.

"Oo, papasok yun. Hintayin mo lang." sagot ni Paul.

Diba nga, alam nila na may gusto ako sa kaibigan nilang si Rayne? Pero hindi ko alam kung sinabi na nila yun kay Rayne.

"Ui! Papasok ba si Rayne?" tanong ko kay John.

Kaibigan din yan ni Rayne. Basketball varsity player din just like Rayne, Paul & Clark. Si Daniel? Badminton varsity player yun eh.

"Hindi ko alam eh." sagot ni John.

Ghaad! Bakit hindi niyo alam?

Dumating na si Ma'am Adviser. Pinag-pray na kami. Nag-pray na din ng rosary. Oo nga pala, Parochial School kami.

Ghaad!!!! Wala pa rin si Rayne! Anong nangyari dun? Wala pa din yung kaservice niya na classmate namin. Si Mark. Pero?? Ohmygod. Pumasok ka na Rayne!!

After 6 minutes

YES! OHMYGOD! NANDITO NA SI RAYNE! NAPANGITI AKO BIGLA DUN AH.

Pero, okay what's with that stare?

Tumingin kasi bigla sakin sila Daniel,Paul,Clark,John,Joy&Julie nung pumasok na ng room si Rayne.

ANG GWAPO KAYA NI RAYNE! PERO BAKIT NILA KO TINITIGNAN ? :3

*Fast Forward*

Tapos na yung exam. Yehey!

"Ngiting tagumpay ah. Hahaha!" sabi ni Joy

"Huh? Bakit? Ay, bakit niyo nga pala ko tinignan kanina?" tanong ko kay Joy.

"Ngiting tagumpay kasi nung pumasok na si Rayne sa room, yung busangot mong mukha, nagkaron ng ngiti na abot tenga. HAHAHA. So, ayun na rin yung dahilan kung bakit ako tumingin." sagot ni Joy.

Hindi kami sabay ni Joy umuwi ngayon. Wala lang, gusto ko lang mapag-isa. Hindi ko rin kasama yung crazy fours. Ewan, nababaliw lang ako.

"Ngiting tagumpay ah! Hahaha" sabi ni John.

Nagulat naman ako dun! Nagkasalubong pala kami  John.

"Ngiting tagumpay! HAHAHA" sabi din ni Paul.

Biglang dumating eh.

Kanina nga rin pala, sinabi ni Daniel,

"Ayos ah, ngiting tagumpay." tapos biglang tumawa.

OKAY. NGITING TAGUMPAY! ^____________^v

 Pagkatapos sabihin sakin nila John yung ngiting tagumpay na yun, dumiretso na ko sa gate.

Sa labas ng gate, naabutan ko sila Thea. Hinintay pala ako. Kaibigan yan eh!

Si Riza? May service kasi yun. And bihira lang kami magkasama.

"Akala ko mag-isa na talaga ako uuwi. Hahaha." sabi ko sa Crazy Trios, Crazy Fours pag kasama ako.

"Sus, ikaw pa ba? Papayagan naming umuwi mag-isa? Parang di ka naman nasanay. Haha." sabi ni Angel

"Oo nga naman. Ikaw pang babae ka? HAHAHA" biglang singit ni Phauline

"Oo nga pala, ANG GANDA NG NGITING TAGUMPAY natin kanina ahh. Hahaha! Akala mo hindi namin nakita yun?" sabi ni Thea and biglang tumawa.

Pati ba naman sila? Naki-NGITING TAGUMPAY?

Okay! Oo nga, ako na may NGITING TAGUMPAY kanina. Akala ko kasi talaga hindi na siya papasok eh. "Akala ko lang pala" HAHAHA :D

 So ayun, natapos yung araw nang, puro NGITING TAGUMPAY yung napag-uusapan namin. Kahit sino sa close ko, sinabi yun eh. Kahit si Chelle. Kahit si Ian.

Pero buti na lang talaga pumasok si Rayne! Kapag nagkataon, wala akong inspirasyon sa test kung wala siya. Kaya buti na lang! Kaya ayun, nung nag eexam, medyo mabilis ako makatapos. Andun nga kasi si inspiration.

Wait, wait, wait, nasabi ko na ba sa inyo? ALAM NI MOMMY NA GUSTO KO SI RAYNE. HAHAHA! Ganun ako ka-open sa lahat. Kulang na nga lang pati kay Rayne sabihin ko na eh.

Si daddy? Ayun nasa abroad. Kaya bihira ko lang din makausap. Through text, skype or yahoo messenger lang. Si mommy nga, susunod dun kay daddy eh. After ilang days or weeks na lang.

END OF CHAPTER 4

AUTHOR'S NOTE: Aww, nagustuhan niyo po ba? Hoho. Sana po nagustuhan niyo <3 <3

Mr. SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon