Lyra's POV
Hayy. Don't tell me, for this whole school year, ganto kami? Huwag naman sana. Kyaaaaa! Hindi ko kaya yun ah. Alam niyo ba kung bakit? Well, ganito kasi yun ...
******************************
Second day na ng pagiging mag-seatmate namin. Mag-uusap na kaya kami? Hayy. Parang sakin lang talaga kasi siya snob eh. #MedyoMasakit . :((
On the way to school na ako ngayon. And as usual, I'm with my cousin. Sumabay din sa amin si Julie.
"Lyra, hindi ba talaga kayo nag-uusap?" tanong ni Julie.
"Hindi talaga eh. Ewan ko ba dun. Allergic ata sa akin." sagot ko. Yun naman kasi talaga yung totoo eh. Ano ba kasi talagang problema ni Rayne sa akin? Hindi ko naman kasi sadyang mahulog sa kanya eh. Hindi ko sinadyang mainlove sa kanya. Pero, ano ba kasi talaga yun?
"Baka naman nahihiya sayo."-Joy
Ayun. Hindi na talaga nawala 'yang word na 'hiya' na yan.
Bakit naman siya mahihiya? Ayaw niya ba na may nagkakagusto sa kanya? Eh bakit si Mary, close niya? Si Sharmaine? Ganun? Sa akin lang may hiya?
"Lyra,eh pano kung ikaw na lang kaya kumausap? What I mean is, ikaw yung maunang kumausap. Baka sagutin or mag-respond naman siya sa sasabihin mo."-Joy
Ako?! I swear, wala akong lakas ng loob na kausapin siya. Nakakahiya kaya. Promise. Kinakabahan din kasi ako eh.
"Bahala na." bulong ko na sakto lang para marinig nila.
-School
Kanina pa kami dito sa room. Actually, ako lang. Kanina pa ako dito sa room with some of my classmates. Nasa labas sila Joy and Julie eh.
Nakakainis nga eh. Wala pa kasi si---
"Lyra! Naunahan mo na naman ako. Napapaaga ah. Haha."-Thea
Ayan. Ayan yung hinihintay ko every morning aside from Rayne. Hindi naman sa pagmamayabang. Echoz. Pero madalas, or lagi kami ni Thea yung nauuna kila Phauline and Angel.
"Hindi ka na nasanay. I mean, syempre katabi siya, kaya ganun."-me
Alam niya na yun. Kayo? Alam niyo na rin ba? Kasi nga diba, seatmate ko si Mr.Snob. :">
"Hay naku Lyra. Kung ayaw niya sayo, hayaan mo siya. Sinayang niya lang yung tulad mo."-Angel
Tulad ko? Tulad kong tapat magmahal?
Sobra pa nga yung pagmamahal na binibigay ko eh.
Biruin mo, hindi naman kami pero ganun. Hindi naman kami pero ganun ko siya kamahal. Hindi ko naman maiwasang mahalin siya.
"Naks naman Angel. Yan din ba gawain mo kay Sir Kevs?"-Phau
Oo nga pala. si Sir Kevs/Sir Kevin, english teacher namin, gustuhin ng mga estudyante samin. Crush ni Angel. Ay, let me rephrase it. Mahal ni Angel. Ewan ko ba. Lahat ng gusto/mahal ng crazy fours, hearthrob. Hey, we exist.
Nagsipasukan na yung mga classmate namin.
Pumasok na rin si Rayne. Nagbell na pala.
Hay naku Rayne, please notice me.
Napakadaya mo naman kasi eh.
Kapag naging close tayo? Naku sobrang saya ko na nun.
Okay na kasi yun eh. Pero bakit pati closeness lang between me and you (Rayne), pinagkait pa?