Chapter 8: Meet the Park Family

13 1 0
                                    

This is it, mamayang gabi ma-memeet ko na family ni Kion. Medyo kinakabahan ako, di ko kasi alam kung anong irereact nila. Bata pa lang kasi kami Kion baka sabihin ng mga magulang niya wag muna. Para hindi ako mastress, pinapunta ko dito si Wendy inaya ko siya mag movie marathon dito sa bahay. Ikwekwento ko na rin sa kanya lahat para makahinga ako ng maluwag.

Kion's Pov:
Ipapakilala ko na si Soo Hyun sa family ko, medyo excited na ko. Kimatok ako sa kwarto ni Kuya para sabihin sa kanya
"Kuya! Pwede may sasabihin ako sayo?"
Umupo ako sa tabi ni kuya
"Sige bro, ano yon?"
"Kuya kasi... nililigawan ko na si Soo Hyun.. mamaya kasama siya sa dinner para mapakilala ko na rin kayna Daddy."
Paliwanag ko.
Hindi kaagad nakasagot si Kuya kaagad agad, parang naguguluhan siya.
"Kuya May problema ba?"
"Ay,. wala.. may sumagi lang sa isip ko. Well, congrats bro. Wag mong papaiyakin si Soo Hyun ha. Lagot ka sakin." Banta ko
"Oo kuya promise yan!"

Kyan's Pov:
Sa pag kakaalam ko nakwento sakin ni Mommy yung issue ni Soo Hyun sa first love niya, childhood sweetheart daw sila nung lalaki. Si Mommy at Omma ni Soo Hyun magkaibigan nagkakilala na pala sila bago ko makilala si Soo Hyun, Nag kakilala daw sila sa Mall tas habang tumatagal napalapit sila sa isat isa. Paano ko ito maeexplaine kay Kion at kay Soo Hyun. Malaking gulo 'to.

Soo Hyun's Pov:
Nan dito na si Wendy sa bahay may dala pa siyang chips baka daw kasi kulangin.
Habang inaayos ko yung DVD player, biglang nag salita si Wendy. "Alam mo, ang tahimik ko. Ngitian mo lang ako sa pintuan at binati tapos di ka na umimik jan. May problema ka ba?"
"Haayy, meron nga... di ko kasi maexplaine e." sagot ko
"Ano ba yun? dali na sabihin mo na tayo lang nan dito" suyo niya sakin
Inilagay ko muna yung CD bago ako ukupo sa sofa.
"Ganto kasi yon Wendy, nanliligaw na kasi si Kion sakin and ito pa.." kinuha ko yung laptop ko at ipinakita yung picture sa kanya "Ito lalaking ito, kilala ko siya.. matagal ko siya kilala pero, nakalimutan ko lang kung ano meron kami. Nalala mo yung issue nito tungkol dun sa niyakap niya sa MV nila yun pala nagdadate sila? nagalit ako non, as in parang gusto ko siya sampalin. Tas parang ang kirot ng puso ko... Wendy, may something e. Parang may namamagitan samin pero, di ko maalala kung ano..." paliwanag ko sa kanya.
"Ay teh' Kim Tae Hyung totoong name niya, 22 na yan ngayon maknae din siya kasama ni jungkook. " Dagdag niya
"Oo alam ko , pero wala ka na bang alam about kay TaeHyung?" tanong ko
"Bhe, wala na e..."
"Sa nga magulang niya wala ka bang info. tungkol sa kanila?"
"Wala rin..pero may kapatid siya lalaki at babae."
"May kapatid siya? anong pangalan?"
"Ay wala nga akong makita kung anong pangalan ng mga kapatid niya e."
"Wendy, tulungan mo ko sa pag kuha ng info. about sa kanya kasi.. curious na ko." ani ko kay Wendy.
"Oh sige, ichachat na lang kita pag may nakuha na ko."
"Salamat! Sige, manood na tayo"
Sana mahanap ko kung sino talaga itong Kim Taehyung na ito. Kating kati na ko na malaman buong pagkatao niya. Someday malalaman ko rin ang punot dulo. Biglang may kumatok sa pinto
"Tuloy!" Sigaw ko.
"Ayy kuya ikaw pala anong ginagawa mo dito?" Sabi ng pagkakita ko si kuya pala.
"Bakit di ka nag reready? Diba may dinner kayo ni Kion ngayon? Mag ayos ka na baka kung kailan ka alis chaka mag aayos ng gamit mo" saway sakin ni kuya
"Sige kuya, tatapusin lang namin yung movie. Ayytt, kuya si Wendy pala bestfriend ko"
"Hello po! Nice meeting you!" Bati ni Wendy.
"Hi Jin nga pala! Sige nood lang kayo jaan! Chaka Wendy dito ka na rin mag tanghalian" aya ni Kuya
"Ayy di na po okay lang po" sagot ni Wendy
"Hindi sige okay lang para mapakilala kita Kay Appa di ka pa kasi kilala niya"
Sabi ko kay wendy
"Ahh osige.."
"Sige manood na kayo" sabay sarado ng pinto.
"Pogi ng kuya mo teh swerte mo shems!"
Di ko inakalang sasabihin yon ni Wendy.
"Ikaw ha umiiral na naman yang ka landian mo manood na tayo!" Saway ko
"Di ako malandi its compliment you know" sagot niya.
"Hayysttt Hajima Wendy jeebaaall??!"
Saway ko ulit sa kanya.
"Arraseo... 😒" nakapoker face na siya.
Ipinagpatuloy namin ni Wendy yung panonood ng movie. Masarap din kasama siya kasama kahit papano lahat ng mga sitwasyon ko naiintindihan niya agad. At ito ang Top 1 sa pag stalk ng kung ano anong bagay ka sakanya ako nag patuloy.
Maya maya tinawag na kami ni Kuya para kumain, agad naman kaming bumaba. Ipinakilala ko si Wendy kay Appa, napaka pilyo ng tatay ko talaga nakaasar kay Kuya at kay Wendy ito naman si Wendy kilig to the bones. Tinapik ko siya para tumigil siya baka kasi mahimatay to sa kilig pag di napigilan. Tapos na kaming kumain ng tanungin ni Appa about dun sa dinner namin ni Kion,
"Tuloy po yun, nagayos na po ako ng gamit kanina." Sagot ko
"Good, Soo Hyung pinapalahanan kita ha? Wag ka munang bibigay kay Kion 18 ka palang di pa ito ang right age para pumasok ka sa isang relasyon. Arraseo??" Pagpapaalala niya sakin
"Ne, appa... 😀😓" ngumiti na lang ako kanya. Gosh, pag si Appa ang nagsesermon lagi akong natatakot tumatagos hangang spinal cord ko. Hayy wala strict sila and i respect that.
Tapos na kaming kumain niligpit na ng maid yung mga plato. Umakyat kami ulit sa taas para kunin yung bag ni Wendy
"Bhe ha, wag kakalimutan yung bilin ko sayo jebal? Ito lang matutulong mo sakin. Ha?"
"Oo sige!" Sagot niya
"Salamat ha? Osige na baka hinahanap ka na sa inyo. Ingat ka ha?"
"Salamat din bye!"

Story of a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon