Chapter 11: Lost

5 0 0
                                    

FLASHBACK:

Taehyung's Pov:

"Hi Damari" binati ko sya ng naka ngiti. Napansin kong parang matamlay at may malalim syang iniisip."Hello..." tamlay nitong sagot. "Gwenchanayeo..? Waeyo?" tanong ko. Agad naman syang ngumiti, "Wala to, pagod lang siguro." Naramdaman kong may mali pero, naisip ko na hindi na lang sya kulitin. Since elementary pa kami mag kasama ni Damari. Sabay kaming papasok sa school at sabay rin kaming uuwi, sabay din naming ginagawa mga gusto naming gawin. Simula non, ayoko ng mawala sya sa tabi ko. Sinabi ng mga magulang naming childhood sweetheart daw kami dahil, di kami mapaglayo. Di alam ni Damari na may gusto ako sa kanya, naisip ko kasi pag sinabi ko baka layuan nya ko. Everytime na nasa garden kami parati ko syang ginagawan ng bracelet na gawa sa santan flower. Bata pa kami iniisip ko na paano kaya pag lumaki na kaya kami magkikita pa kami? gagawan ko pa rin ba sya ng bracelet? makakasama ko ba sya mag lakad?  maalala nya pa ba kaya ako?. Niyakap ko siya ng sobrang higpit "Kung ano man ang iniisip mo, maayos mo rin yan" suyo ko sa kanya. Agad naman syang bumiglas ng tawa "Hahahaha! di naman ako malungkot! May iniisip lang pero di naman importante yun. Mabuti pa, bili na lang tayo ng ice cream!" aya naman nito. "Hahaha! sige para mawala na yang iniisip mo kanina pa ko di mapakali!". Tumayo ako at inabot ko kamay ko para tulungan syang tumayo at nagpaunahan pa kami sa pag labas ng gate.

Kinagabihan, nang maka kain na kami ng ice cream, umupo kami sa labas ng bahay nila. Tinignan ko siya... nakatingin sya sa langit, napatingin din ako. "Ang gaganda nila noh?" ani nito. "Oo ang gaganda nga nila.." sabay tumingin sa kanya. "Balang araw, sana maging katulad ako nila. Magiging bitwin ako sa mga taong malungkot ako yung magpapasaya sa kanila pag malungkot sila." dagdag nito. "Eh.. para mo naman kaming pinasasaya ah!? Tsaka mabait ka naman, maganda pa!". Napatingin sya sakin, "Talaga? alam mo, sana matupad lahat ng mga pangarap ko" ngumiti sya sakin. "Ahh... yung makapunta ka sa Korea? Maging Doctor ka?" tanong ko. "Pareho, pero nawawalan din ako ng pag-asa. Parati ngang sinasabi ng Ate ko wag daw ako mawalan ng pag-asa kung ano daw ang gusto ko yung ang makukuha ko basta maging positive ka lang sa buhay at palaging magdadasal" Mahabang paliwanag nito tumingin ulit sya sa langit. "Tama! at alam mo ba kung anong dapat mo pang gawin para makalimutan yang problema mo?" tanong ko. Napatingin sya sakin "Ano?". Ngumiti ako "Dapat matulog. Para mawalang yang malungkot na muhka na yan tsk tsk papanget ka sige!" ingit ko sa kanya. "Hahaha! Sige na papasok na ko, ikaw umuwi ka na gabi na" Tugon nito. "Goodnight Damari! Bukas ulit!" agad nya naman akong niyakap at siyang rin nag paalam. Unang beses nya akong niyakap kaya di ako nakapagsalita kaagad. "Sige...Bye!".

Damari's Pov:

Pag kapasok ko sa bahay agad tumulo ang luha ko dahil, yun ang huling pag kikita naming ni Taehyung. Pupunta na kong Korea, dun kasi muna magtrtrabaho si Appa at balak nya akong isama. Di ko akalain na iiwanan ko siya ng walang paalam. Pumunta ako sa kwarto ko at nakita kong inayos na ni Omma mga gamit ko, gusto kong sabihin kaila Appa na di na lang ako sasama para makasama ko pa si Taehyung pero ayos na ang lahat. Di ko tignan ulit mga gamit ko at natulog na ko. Kinabukasan,ginising na ko nina Omma para mag-ayos. Naalala ko na naman si Tei, di man lang ako magpapaalam sa kanya. "Im so sorry Tei, im sorry..." napaluha na lang ako nang makita ko yung picture naming dalawa. Naisip ko kung ano mararamdaman nya kung malaman nya na umalis na ko. Kilala ko si Tei aayaw nya ng may umiiwan sa kanya. Pero ito ang pinaka Malaki kasalanan na ginawa ko sa kanya.

Tanghali na kaming pumunta ng airport, nakinig na lang ako ng music buong biyahe. Di ako umiimik hangang sa pag sakay ng eroplano inaalala ko pa rin si Tei, ano na kaya ginagawa nya? Maya-maya tinapik ako ni Appa "Anak okay ka lang ba? may problema ba?" tanong nya sakin. "Appa..." bigla akong umiyak... "Anak, bakit? Teka alam ba ito ni Tei na pupunta kang Korea?" dugtong nito. Umiling na lang ako dahil lalo akong nasasaktan. Niyakap ako ni Appa at sinasabi nya wag na akong mag-alala sooon malalaman din ni Tei. Pero di pa rin ako kuntento dahil, di ako nag paalam. Nagpatahan na lang ako at hinintay na umandar ang eroplano. Umiglip ako para makalma ako at tumigil sa kakaiyak....

Story of a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon