28- Again

49.6K 612 15
                                    

Angel's POV

"Huy!"

"Ay palakang kalabaw! Keith!"


Nakakagulat naman itong si Keith, bigla bigla nalang sumusulpot sa kung saan saan. Nandito kami ngayon sa auditorium para sa last practice para sa gaganaping pageant sa isang araw na. Nagsitayuan na nga ng kani-kanilang mga booths ang orgs,frats at sororities sa campus to celebrate the centinneal anniversary of our university. Iniisip ko kasi yung party na pupuntahan ko mamaya eh. Yung sa party ng parents ni Yvo. Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Keith o hindi. Kasi kapag sinabi ko sigurado akong hindi niya ako papayagan dahil mainit dugo nun kay Yvo. Kapag naman hindi ko sinabi, hindi nga niya malalaman pero gaano ako kasigurado na hindi niya malalaman di ba?! Haaayyy napakagulo!


"Angel!" pukaw sakin ni Keith.

"Huh?"

"Kanina ka pa lutang diyan. may problema ba?"

"Uhh,. wala."


Tinitigan ako ni Keith na para bang ineexamine ang itchura ko kung nagsasabi ba ako sakanya ng totoo. Ngumiti nalang ako at sumandal sa balikat niya para hindi siya gaanong makahalata.


"Good Afternoon guys." bati ng organizer ng pageant sa amin. "Today is the last day of our practice. So everything should be polished. Lalo na ang opening number niyo. Practice them well okay?"

"Yes po!" sagot naming lahat.


Bago magsimula,nag-attendance muna ang organizer at tsaka nagsimula na ang practice. Pinagla-line up na ang mga contestants by number and partner kaya tumayo na ako pero bigla akong hinatak ni Keith paupo sakanya.


"Keith, ano ba, maraming tao."

"Stay away from him okay?"


His voice is gentle but has a warning tone.

"Huh?"

"Yvo. Umiwas ka please. I trust you."


Then he let me go. At tsaka siya tumayo at inihatid ako sa pila ko wherein nakapila narin si Yvo. Hindi nakaligtas sakin ang mga palitan nila ng kakaibang tingin na tanging mga lalaki lang ata ang makakaintindi. Hindi ko alam kung anong gagawin!


"Anong problema ng boyfriend mo?" bulong sakin ni Yvo.


Kusa akong lumayo mula sakanya ng ilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Ayokong may pag-awayan kami ni Keith. Napansin siguro ni Yvo ang paglayo ko sakanya kaya napakakunot ang noo niya. Buti nalang nagsimula na ang practice kaya medyo nadistract na siya. Pero ako tense na tense. Paano ba naman, kapag kami na ni Yvo ang rarampa alam kong nakamasid si Keith. Napapansin ko rin ang pagiging touchy ni Yvo, tulad nalang sa Formal kusang dumadapo ang kamay niya sa bewang ko o kaya sa likod ko. Siguro para sakanya parang wala lang iyon pero para sakin. Ewan ko parang feeling ko sinasadya niya iyon.

Natapos ang practice pero bago kami makalabas nagbigay ng ibang instructions ang organizer. Matapos nun ay dinismiss niya na kami. Inaayos ko ang bag ko nang biglang lumapit sakin si Yvo.

"Peach, bukas ah."

Pero bago ako sumagot, nakita kong napatingin sa direksyon namin si Keith na may kausap na kaibigan niya from a different course. Tinignan ko si Yvo. Kailangan ko nang lumayo.

"Ah. Oo." sagot ko tapos dali-daling sinukbit ang hand bag ko. Pero naharangan na naman ni Yvo ang daanan ko.

"What time should I pick you up?" nakangiting tanong niya sakin.

I Love This BITCH [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon