Angels's POVNasa may library ako ngayon at naghahanap ng libro na pwedeng mapagkunan ng notes.
Gulat ba kayo?
Mga walanghiyang ito! Oo nasa library ako. At oo, naghahanap ako ng libro. Hindi na ako ang dating Angel Peach de Asis. Dahil wala na iyon. Tsaka mahirap na nuh, graduating na ako tapos hindi pa ba ako magseseryoso?
So as I was saying, nandito ako sa library,paano kasi may pinadadagdag yung prof ko sa report ko. Ayan tuloy, nababadtrip ako kasi imbis na papetiks petiks na ako at kasama si Keith Dale Choi ko, eto ako ngayon mabuburyo muna sa library. Tsaka mas maganda narin na maaga ko tapusin ito kasi malapit na ang centennieal anniversary ng school namin. Para wala na ako intindihin.
Nasa second floor ako ngayon ng library dahil mas tahimik at mas marami ritong libro na related sa course at subject na paggagamitan ko..
Nang makakita ako ng iilang libro ay kinuha ko na ito at naghanap ng mauupuan. Nang makakita ay agad kong nilagay sa lamesa ang mga libro at inilabas ang laptop ko sa bag ko. Nasa may kalayuan ang napili kong pwesto dahil gusto kong magconcentrate. Mabilis kasi ako madistract. Tsaka inaamin ko na medyo ilap pa ako sa ibang mga estudyante. Syempre, you cannot please everyone. Para sakanila, 'Once a bitch, always a bitch'. So yeah, they quite suck.
Binuksan ko na ang laptop ko and while waiting I started scanning the books I've got and wrote down some important notes that might help my report be more appealing.
"Woah, si Angel Peach de Asis, nasa library?! That is so not you."
Upon hearing that irritating voice,I just looked at who that is and just ignored it.
"Wow, nagbago ka na nga." dagdag pa nito.
"What do you want Sandra?" I asked her with a bored tone.
"Wala naman, nagulat lang talaga ako na nag-aaral ka pala. Can you believe that girls?"
Nagtawanan lang ang mga kasama niya sa harap ko.
"Yeah ako rin. Pero alam mo ang mas nakakagulat?" I faced them and crossed my arms.
"What?" taas kilay na sabi ni Sandra.
"That you actually know what the word 'library' is. Pretty shocking right?"
"Are you insulting me?"
Medyo tumaas ang boses ni Sandra dun kaya naman hindi napigilang mapatingin sa amin ang mga estudyante, may mga sumaway pa sa amin na tumahimik kami. Kaya minabuti ko nalang na iwasan siya. Tinalikuran ko na lamang sila at binalik ang atensyon ko sa pagreresearch ko.
"Huwag mo kong talikuran bruha ka!"
And just a second, sinabunutan niya ako. Nahulog ako sa upuan ko, at dahil mag-isa lang ako at tatlo sila mabilis nila akong pinagtulungan. Dinambahan, sinabunutan at kinalmot kalmot.
At dahil maraming tao sa library, ibig sabihin may mga profs din at alam niyo na ang kinahinatnan namin.
-------------
"Sino nag-umpisa ng away?" tanong ng disciplinary officer.
"Si Peach ma'am. She just attacked Sandra for no reason. Kumukuha lang po kami ng libro nang bigla nalang po niya sinabunutan si Sandra."
I just rolled my eyes inside my head. Of course, babaligtarin nila ang storya.
"Is this true Ms. de Asis?"
"Of course not Ma'am. Of course kakampihan ng dalawang iyan si Sandra. Ako po ang nadehado ma'am. Just look at my scars. Sila ang may gawa ng mga ito."
"Haay. This is a warning for all of you, Sa oras na maging tatlo ang mga warning niyo, I'm afraid that suspension will be given to all of you. Graduating na kayong lahat, so please umiwas kayo sa gulo. Okay you are dismissed."
Pagkalabas ko inirapan ako ni Sandra at ng mga kampon niya. Mga nagparinig pa nga ang mga ito na kesyo paawa raw ako o kaya ay sipsip. Really? I don't care.
"Angel!"
Nilingon ko kung sino ang tumawag at laking tuwa ko nang makita si Keith na patakbong lumalapit sa akin.
"Keith! Look at what you girlfriend did to me--"
May balak pa atang magsumbong ni Sandra, pero hindi siya pinansin ni Keith at nilagpasan lang siya. Natawa ako kasi napahiya siya kaya padabog na lumayas siya.
Hinarap ako ni Keith sakanya, at sinipat ang mga kalmot ko.
"God, are you okay? Tell me, masakit ba?"
"I'm okay now, nandito ka na eh."
"Peach! OMG, anong ginawa sayo ng mga galunggong na iiyan?" sigaw ni Andi na narinig pala ng kampon ni Sandra.
"What did you say?" sigaw ni Sandra.
"Walang ulitan sa taong bingi dumbass!" ganti ni Bambi.
"Oh tama na. Baka kayo naman ang mapunta sa Disciplinary office." awat ni Luke.
"Tara na nga, libre niyo nalang kami ng ice cream." hinila na ni Paolo ang dalawa para maiwas sa gulo. Tumango nalang ako sa kanila to let them know that I am okay.
"Let's go." aya sakin ni Keith.
Nagpatiuna na ako. Ayoko narin naman ng gulo eh, dinala ako ni Keith sa field. Umupo kami sa bleachers. Nagulat nalang ako ng nilagyan ni Keith ng betadine ang mga kalmot ko.
"After what I've heard bumili agad ako ng betadine in case of emergency,"
"Keith"
"I don't like when you are hurting. Pasalamat si Sandra at babae sila. But you know what?"
"What?"
"I'm happy that you didn't beat them up."
"Huh?"
"Hindi ka na nakikipag-basag ulo. Pero sana tandaan mo na kapag dehado ka na, lumaban ka na ng konti. O kaya tumakbo ka."
"I'll remember that next time." natatawang sabi ko.
"There will be no next time." seryosong sabi ni Keith.
"At paano mo naman nasisiguro ha?" mataray na tanong ko.
"Because I won't let them hurt you ever again.. not anymore."
=============
Follow @kendeyss
(Twitter/IG/ask.fm)
BINABASA MO ANG
I Love This BITCH [Fin]
RomansaSanay ng hinuhusgahan, wala nang pakealam si Peach sa kahit sino pero bakit kapag si Keith Dale Choi na ang gumawa nito ay nasasaktan siya?