36- Mobbed

65.2K 990 31
                                    

Last chapter before the Epilogue.

-------

Angel's POV


Limang minuto. Limang minuto na ang nakalilipas nang sabihin ko kay Sandra na aalis na ako, pero andito parin ako sa parking lot sa gilid ng venue. Nakadukdok sa manibela ko habang patuloy parin ang tulo ng luha ko. Bakit ganoon? Gusto kong pumadok sa loob at sumigaw na itigil ang engagement pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya kasi, nakita ko kanina kung gaano na kasaya si Keith kay Sandra, hindi ko kaya kasi may madadamay kung gagawin ko iyon. Isang anghel sa sinapupunan ni Sandra. Ayokong ilayo sakanya ang kanyang ama. Hindi ko kaya. Ayokong maranasan niya ang naranasan ko dati. May ama nga pero sinasaktan naman. Pero alam ko naman na hindi ganoon si Keith, alam ko na mamahalin niya ang anak niya higit pa sa buhay niya.


Kahit ang sakit sakit, hahayaan ko sila hindi dahil sa duwag ako kundi dahil iyon ang tama at nararapat na gawin. Limang taon akong umasa sa sulat ni Keith na baka sakaling balikan niya ako at mahalin ulit. Pero tanga lang ang umaasa ng walang katiyakan. At ako ang reyna ng mga tangang iyon.


Iniangat ko ang ulo ko nang makarinig ako ng sunod sunod na katok sa bintana ng kotse ko. Tinted naman ang kotse ko kaya malaya kong pinunasan ang mga luha ko at nang masipat ko ang itsura ko sa rearview mirror at nang nakita kong ayod ang itsura ko, ibinaba ko na ang bintana. Isang lalaki ang nakadungaw ngayon sa bintana, if I'm not mistake , isa ata ito sa mga trabahador kanina na kasabay kong nag-aayos ng hall.

"Ms. de Asis, may malaki po tayong problema." Sabi nito habang napapakamot na sa sentido. Halata rito ang balisa na nangyayari sakanya.

"Ano iyon? Bakit kasama ako?"

"Eh kasi po, yung mga bulaklak na inayo niyo kanina nasira dahil nabagsakan ng ilaw na ikinakabit sa kisame.. eh ma'am nagagalit na po ang organizer dahil ilang minuto nalang po darating na sina Mr. Choi."


Napahinga nalang ako ng malalim, edi magandang nasira ang mga bulaklak, baka sakaling hindi matuloy ang engagement sa isip isip ko pero wala narin naman akong magagawa hindi ba? Itinali ko ang buhok ko into a messy bun at kinuha ang bag ko na naglalaman ng tools sa pagfla-flower arranging. Bumaba ako ng kotse at pinindot ang maliit na remote na hawak ko na kusang inilock ang kotse ko. Sinundan ko si kuyang mukhang natataranta na at panay ang tingin sa akin. Chinecheck siguro kung sumusunod ako sakanya.


Nang makarating kami sa front door ng convention hall, ay nagsalita si kuya.


"Mauna na ho muna kayo, magtatawag lang ako ng ibang kasamahan para linisin ang nabasag na ilaw."

Tumango ako at dali-daling tumakbo palayo. Napailing nalang ako. Ganito ba sila kataranta dahil sobrang importante ng mangyayari ngayon?

Malamang Peach! Engagement nga di ba?! Boba.

"Haaayyyy buhay..why so harsh? tsss" bulong ko sa sarili ko.

Pumasok na ako sa loob pero wala akong makita dahil sobrang dilim! Kinapa ko ang light switch sa gilid ko pero walang ilaw ang nagbubukas kahit isa. Sa dami ng pinindot kong switch ni isa walang bumukas.


Napatalon ako sa biglaang pagsara ng pintuan na pinasukan ko. Potakte! Wala akong makita!!


Naiiyak na ako. Ayoko sa madilim. Ayoko..natatakot ako. I tried hard to control my tears and my body is shaking. Ano bang nangyayari?


Sa gulat ko biglang may tumugtog na malakas na musika.

🎵🎵 ♥
I'd like to say we gave it a try.. I'd like to blame it all of our life
Maybe we just weren't right..but that's a lie..that's lie ..♥🎵🎵


I Love This BITCH [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon