Never Seen Nothing Like Her (Chapter 1)

86 2 2
                                    

Chapter 1

Hello!, Ako nga pala si Siegfried Paz, I'm 21 years old, nakapagtapos na ako ng pag-aaral at kasalukuyang nagtuturo sa mga bata, pero kalimitan ko silang binabasahan ng mga books na may moral lesson..

Marami pong nagsasabi na may itsura daw po ako, #MedyoPogi daw po ako pero dati nung bata pa ako hindi naman ako ganito, mataba at pimpolin ako dati kaya walang babaeng nagtangkang magkagusto sakin pero may isang babaeng naging inspiration ko para magbago..

SIYA YUNG FIRST LOVE KO :))

Siya nga po pala, mga Grade 6 na po yung tinuturuan ko kaya marunong ng manakit, mang-asar, mambully, at kung anu-ano pa...

"Kuya Siegfried, kwento mo naman yung lovelife mo, puro nalang fairytale, wala namang katotohanan, parang tanga lang"

"Uy!, tigil-tigilan mo ako ah, binabasahan ko kayo para matuto, masyado pa kayong bata for love"..

"Eh bakit si Ehra, yung classmate namin dati, nakalimang boyfriend yun, tinuhog niya in 1 week"

"Eh si Ehra yun, wag niyo siyang tularan, napabayaan yon ng mga magulang niya kaya ganon"

"Sige na kuya please, nabasa na namin lahat ng libro na yan eh, PINAULIT-ULIT NIYO LANG!"

"Eh kasi nga yung lovestory ko hindi pa tapos, hinahanap ko pa yung girl eh, nwawalan na ako ng pag-asa pero promise ko, pag nabuo ko na ung lovestory ko, ikukwento ko sainyo :)"

Pinilit nila ako ng pinilit kaya sinunod ko na lang, ayoko rin mawalan ng trabaho eh..

"Oh sige na nga, 1st year ako nun, first day of school"

~Flashback/Time Travel~

"Ok, class, magpakilala na kayo, introduce yourself in front, mauna muna ang mga transferees" sabi ni Ms. Oplawan

Unang nagpakilala si "Ms. Beautiful", ang ganda niya sobra, maiinlove ka talaga...

"Hi! I'm Anna Gomez, I'm 13 years old"

Grabe! Ang ganda ng boses niya, angelic na ang face, pati na rin pala ang voice, maiinlove na tlaga sana ako kaso bigla siyang pumunta dun sa gwapo naming classmate at may sinabi..

"Hi! We meet later ha, what's your number and I give you mine, Yeah.." Pabulong niya yang sinabi pero narinig ng buong klase... Syempre naturn-off ako, maganda nga pero parang hindi naman kagalang-galang, Ma-L pala...

Pero ang kapal naman ng mukha kong magreklamo, (WOW GWAPO MO HA?),

Eh hindi naman ako kagwapuhan.. Ayun na nga, sumunod na yung nilapitan ni Anna kanina, medyo mayabang, Ay! Sobrang mayabang pala!!

"Hello ladies! Hello gentlemen! Hello teacher!, I am Carl Romero, I'm 14 years old, baka hindi niyo natatanong?, campus crush ako, lahat ng mga babae't binabae sa school ko dati pinagkakaguluhan ako, eh kasi nga, POGI OH! Actually, mga babae pa ang nanliligaw sakin eh, eh kayo may ganun kayo? Wala! kasi mga pa..., pa...nge....! Ayoko nang sabihin!"

"Hoy bata ka! Hindi naman talaga namin tinatanong! Hindi kami interesado, Oo nga alam namin gwapo ka, PERO DI MO KAILANGAN IPAMUKHA! Umupo ka na nga lang at baka masampal kita at ipakain ko sayo yang kayabangan mo!" Sabi ng aming heroine na si Ms. Oplawan

"Baka nakakain ang kayabangan?" Humirit pa!

"Oo, nakakain yun, tignan mo nga sarili mo, BUSOG NA BUSOG KA SA KAYABANGAN!"

"CHE!"

Tumahimik ang lahat sa kanilang narinig, at habang tulala kami sa kanya, may lumipad na ipis at dumapo sa uniform ni Carl..

Never Seen Nothing Like HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon