Never Seen Nothing Like Her (Chapter 4)

15 0 0
                                    

Chapter 4

Ilang araw na lang, birthday na ni Amy, at ilang buwan nalang, matatapos na ang school year, ang bilis ng panahon, parang kanina lang first day of school tapos ngayon, magiging 2nd year na ako....

Ano kayang magandang regalo para kay Amy, natatakot ako na baka hindi niya tanggapin dahil alam na niyang may gusto ako sa kanya, ANG HIRAP NAMAN NETO!! Pero kahit ganon, pumunta parin ako sa mall at pumili ng ireregalo sa kanya, gusto ko sana yung stuff toy kaso kulang ang budget ko in short, WALA AKONG PERA! 300 lang ang pera ko, pero ang mga stuff toy na nakikita ko eh isang libo ang presyo... Kaya umalis nalang ako sa mall at pumunta sa palengke, nagbabakasakali ako na makakakita man lang ako ng abot-kayang regalo.....

"Ate, magkano po itong hello kitty?"

"Sandaan po"

"Kukunin ko po"

"Ay, salamat po, buena mano po kayo..."

"Ganun po ba?"

"Sir, kanino niyo po ba ibibigay yan?"

"Dun po sa crush ko..."

"Ayiiie.... Inlove ka ba?"

"Opo, ang ganda niya kasi eh..."

"Naku, para kang anak ko, inlove na sa crush niya... Salamat ha!"

"Salamat din po..."

Bukod sa hello kitty na yun eh namili pa ako na pwede ko pang iregalo sa kanya at matapos ang mahabang lakaran at hintayan, nakabili na rin ako sa wakas....

* * * *

Eto na ang araw! Birthday na ni Amy! #MedyoExcited ako, mas excited pa ako sa magbibirthday, syempre, gusto ko ng ibigay yung regalo ko sa kanya, gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon niya eh. Marami akong ginawa, naligo ako ng maayos at nagsipilyo ng mabuti, nagpapogi kahit hindi ako pogi at higit sa lahat, nagpraktis kung paano ko ito ibibigay sa kanya....

"Ah, Amy, Happy Birthday!" Nauutal at nahihiya pa ako sa kanya, kasi alam na niya na crush ko siya eh

"Thank you Siegfried" with a smile...

"Ah, eh, regalo ko nga pala, pasensiya ka na ha, hindi mamahalin yan eh, sa palengke ko lang nabili"

"Ano ka ba okay lang! Mas gusto ko nga yong hindi mamahalin eh, basta galing sa puso, tatanggapin ko"

"Thanks for accepting :)"

"Kain na tayo"

Hindi naman ako nagtagal sa kanila dahil pagkaalis ng iba ko pang mga classmate ay umuwi na rin ako... MASAYA ako, kasi hindi niya nireject yung regalo ko, kung sabagay, wala namang tao ang magrereject ng regalo lalo na kung birthday nila, parang ang pangit naman kasing tignan... Pero MASAYA talaga ako ngayon....

* * * *

Ilang buwan ang lumipas, magrerecognition na rin kami, tapos na ang mga memories at moments ko in my 1st year of high school, magiging second year na ako! (Malamang lang nyan dahil lahat talaga ng first year ay nagiging second year...) at sa awa ng diyos, first honor ako.... ;)

Hindi ako natatakot sa speech ko, mas natatakot ako na baka next year ay sa ibang school na mag-aaral si Amy kaya kahit nahihiya ako, tinanong ko parin siya..

"Ah, dito ka parin ba mag-aaral next year?"

"Hindi ko kasi alam eh.... Pero baka hindi na...."

"Ah, ganun ba?"

Tumango siya at umalis na rin ako, anubayan! Ang lungkot ko naman bigla..... Pero hindi masyadong inisip yon, nagfocus ako sa speech ko at kinalimutan ko ang sinabi ni Amy....

"Distinguished guest, school director,....... etc, etc...."

Nasabi ko naman yon ng maayos pero siyempre kinabahan ako....

After ng ceremony, nakita ko si Amy na may kayakap, parang surprised siya, nakangiti din siya at parang masayang-masaya talaga siya.... Sa pagkakaalam ko, si Vin yun.... Sinurprised niya siguro si Amy kasi halata talaga sa mukha niya eh.... Narinig ko din ang usapan nila, gwapo nga si Vin, kaya naman pala....

"Amy! I miss you! How are you?"

"I'm fine Vin, don't worry..."

"Nasurprised ka ba?"

"Super! Hindi ko akalaing pupunta ka! :D"

"Siyempre ikaw pa! Malakas ka sa kin eh"

"Halika na nga.... Kain muna tayo...."

Sabay silang umalis kasama ang nanay ni Amy, umalis na din ako at lumapit kay mama, siyempre, kailangan natin magparty kaya pumunta kami sa mall (SM) at kumain sa isang restaurant (McDo).....

BAKASYON NA!!!

PWEDE MO NG GAWIN LAHAT NG GUSTO MO!!

PWEDE KA NG MATULOG NA HINDI KAILANGANG GUMISING NG MAAGA...

PWEDE KA NG MAG-ONLINE NA WALANG WORRIES...

PWEDE KA NG KUMAIN AT MAG-GALA..

Pero ang malungkot dun :(

Mamimiss mo yung mga kaklase mo :(

Mamimiss mo yung crush mo :(

Mamimiss mo yung mga crush mo :(

Mamimiss mo yung mga loving at terror teachers mo :(

At higit sa lahat :(

Mamimiss mo ang baon mo :(

* * * *

Since BAKASYON na at wala kaming pera pang-gala, NGA-NGA lang kami dito sa bahay, nood lang ng TV, facebook buong magdamag na kahit lamog na lamog na ang mata ko kakapikit hindi parin ako tumitigil....

Lagi ko paring kinakausap si Amy pero madalas siyang offline, lagi kasi silang gumagala kasama si Vin, nakikita ko ang pictures nila, masaya silang dalawa, may pictures sila sa SUBIC, PAMPANGA, MANILA, ENCHANTED KINGDOM, STAR CITY, BOHOL, TAGAYTAY, JAPAN, NEW YORK, NEW ZEALAND etc... Masaya sila, namiss nila ang

isa't-isa kaya siguro ganun na lang sila mag-bonding...

Minsan kinausap ko si Amy..

"Amy, kung papayat ba ako, magugustuhan mo ako?" Nilakasan ko ang loob ko..

"Ahhhmmm, magpapayat ka muna, tapos sasabihin ko sau kung may crush ako sayo o wala"

"Totoo yan? Eh pano kung hindi ako pumayat?"

"Willing naman akong maghintay :)"

*END OF CONVERSATION*

Hindi ko siya SINEENZONED... Nag sabi naman ako ng "OK" kahit papano....

* * * *

Kahit anong subok ko, hindi ko magawa.... Ang hirap, hindi madaling magpapayat, kailangan mong mapagod at magutom.... DISCIPLINE ang kailangan mo dito... Eh wala ako nun, konti lang :(

Kinausap ako ng mommy ko, pinapapunta niya ako sa Japan, pero hindi ko naman kayang iwan lahat dito, atsaka may pangako pa ako kay Amy, ayokong mapako yun, pero siyempre, nanay ko yon, kailangan ko siyang sundin... Doon ko pinagpatuloy ang pag-aaral ko, pero hindi ko parin nakakalimutan ang pangako ko kay Amy kaya kahit papano ay sinusubukan kong mag-diet doon...

Never Seen Nothing Like HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon