Chapter 3
Lagi na kaming tumatambay dalawa ni Amy sa park, lagi na nga kaming napapaupo sa swing, lagi kaming nag-uusap, sa chat naman, super close kami, kaya nga natatakot ako na balang araw eh malaman niya na may gusto ako sa kanya...
Napapansin ko din naman na may kausap siya palagi sa cellphone, sabi niya yung kababata niyang si Vin, syempre wala akong karapatang magselos dahil hindi naman kami!! Pero #MedyoNasasaktan din naman ako....
* * * *
Napadaan ako sa hallway kung saan andun ang mga BULLIES na binubuo nina Steph, Angel, Daphne, Mark, at Luigi..
"Hoy! #MedyoBaboy!"-- Luigi
"Hindi yan MEDYO!, #SobrangBaboy na yan!" -- Mark
"Hoy! BABOY!!" -- Daphne
"What a piggie" -- Steph
"Pimpolated pig! Ewww!" -- Angel
Since sanay na ako, hindi ko sila pinansin pero hinawakan nila ang braso ko at hinamon ako ng suntukan, hindi akong bayolenteng tao kaya hindi ako nanununtok, hindi ako sanay sa away o gulo eh...
"Suntukan nalang tayo oh para masaya!, hindi ka nadadala sa asar ah!"
"Please, bitawan mo ko, wala naman akong ginagawa sa inyo!, kayo nga itong nauuna eh!"
"Alam mo na nga na andito kami sa hallway!, dito ka pa dadaan!"
"Kung may shortcut sana edi dun na lang ako dumaan, eh kaso wala eh, kaya napilitan akong dumaan sa hallway na napapalibutan ng mga TAONG WALANG PAKIRAMDAMAN AT WALANG PAKIALAM SA NARARAMDAMAN NG IBA!"
Binitawan niya ako bigla, natauhan ata sa mga sinabi ko pero I'm wrong!, mukhang mas lalo silang nagalit eh...
"Gusto mo talagang suntukin ka namin?"
"Ayoko, sino bang may gusto nun?"
"Ah, sumasagot ka ha"
"Eh tinatanong niyo ko eh!"
"Kung upakan kaya kita diyan!"
"Kung wala kang magawa, PAKAMATAY ka na lang!"
Nagulat ako biglang nagsalita yung girlfriend ni Mark, si Angel...
"Hoy! Mark! Tama na nga yan, naaawa na ako kay Siegfried"
"Kanina lang inaasar mo, tapos ngayon, pinagtatanggol mo na!"
"Natauhan na ako eh! Kung ayaw mo, sige break na tayo! Halika na nga mga friends, isama niyo na si Siegfried!"
Paalis na sana kami kaso biglang nagbanta si Mark...
"Sige, hiwalayan mo ko! Maglalaslas talaga ako dito!"
"Weh?, magpatuli nga di mo magawa, LASLAS pa! Ikain mo na lang yan, GUTOM lang yan!"
"Hoy! Tuli na ako! Pakita ko pa sayo!"
"Wag na, sa iba nalang'"
Umalis na kami at hindi na ulit nakapagsalita si Mark, mukhang barado at napahiya siya eh....
"Siegfried, pasensya ka na... Umuwi ka na..."
"Ok sige! Salamat!"
* * * *
Dumating na ang araw ng PTC, malalaman ko na ang mga grades ko.... Kinakabahan ako sobra, ano kayang top ako???Dahil sa masakit ang pakiramdam ni mama, ako nalang ang kumuha ng report card ko, sa wakas, matataas naman ang mga grades ko, thanks lord... Top 1 ako :D....
Pero habang tinitignan ko yung mga grades ko, nakita ko si Amy sa bench ng school namin na umiiyak kaya nilapitan ko siya...
BINABASA MO ANG
Never Seen Nothing Like Her
RomanceHindi man nito masasagot ang tanong mo na "BAKIT DI AKO CRUSH NG CRUSH KO?", Hindi man nito magagrant ang hiling mong " SANA CRUSH DIN AKO NG CRUSH KO", pero sana, basahin mo itong story na to para malaman mo kung gaano kaimportante ang pag-ibig sa...