Never Seen Nothing Like Her (Chapter 2)

44 2 2
                                    

Chapter 2

Pagkauwi ko, dali-dali kong binuksan ang computer at binuksan ang FB ko, syempre ang unang kong ginawa eh i-add si Amy...

Tinignan ko ang wall niya, hinanap ang button na dapat pindutin at excited kong pinindot ang "Add as a Friend" button...

5 minutes na ang nakalipas, wala parin akong notification, kinakabahan ako, mamaya hindi niya inaccept, pero matapos ang ilang seconds, may natanggap na akong notification at excited ko itong binuksan...

" Anna Gomez accepted your friend request "

Ay! Si Anna lng pala, pero hindi ako nawalan ng pag-asa, naghintay ako ulit hanngang sa nakatanggap na naman ako ng panibagong notification na ikinatuwa ko syempre...

" Anna Gomez sent you a request in FarmVille

Si Anna na naman, di kaya eto ang soulmate ko! Maghunos dili ka nga Siegfried, wala kang soulmate... Pero as usual, hindi parin ako nawalan ng pag-asa, naghintay at naghintay ako ulit at nakatanggap na naman ng notification..

" Amy Naval accepted your friend request "

Oh! Yeah! Parang nanalo ako sa lotto pero dahil may natutulog sa likod ko na kung humilik ay daig pa ang headphones sa tenga ko eh hindi ako sumigaw..

Syempre dahil friend ko na siya, pwede ko na siyang ichat, kaya nagsabi ako ng simpleng "Hi! :)" sa kanya... At dahil nga masyadong malakas ang feeling ko, nararamdaman ko na sasagot siya sa "Hi! :)" ko...

Matapos ulit ang 2 minuto eh nakatanggap na ako ng 1 message, syempre excited ulit ako kaya pinindot ko...

" pa like po http://www.facebook.com/sfdsiownsndndn2526178, tnx po, pa like na din nung status ko :)"

Langya!, si Anna lang pala, nagpapalike ng picture niya, bakit ba kasi si Anna nalang palagi ang nakikita ko?, ayun! Nag-intay ulit ako at nakatanggap ulit ng message..

" Hello! :D"

Yes! Sa wakas, nagreply din, nag-isip na agad ako ng topic para di bokya...

"Ano gawa mo?"

"Naglalaro, ikaw?"

"Wala, nakikipagchat lang kung kani-kanino"

"Ah.."

Nag-usap kami ng nagusap at nakilala namin lalo ang isa't-isa, dun ko nalaman na may crush siya, na crush din siya, (HURT!), at may pangako daw sila sa isa't-isa na balang araw eh magpapakasal sila... Syempre medyo nasaktan ako pero tanggap ko naman na panget ako, Amy yan oh, Siegfried baboy lang ako...

11:30 pm na kaya nag-out na siya, at nag out na rin ako, nahiga ako sa kama ng walang kain-kain, hayaan mo diet yan... Tulala ako sa kama, nakatingin sa kisame, iniisip ko yung sinabi ni Amy, pero naisip ko din na masyado pa talaga akong bata...

* * * *

Lumipas nang lumipas ang mga araw, naging close kami ni Amy, lagi na kami nagkakausap, nagchachat, at nagsesendan ng lives sa candy crush...

Lumipas din ang mga araw na puro discussion, at eto na nga, bukas! PERIODICAL EXAMINATION NA! AGAD-AGAD! Parang kanina lang first day of school tapos bukas, 1st quarter exam na, kaya medyo review-review muna ako. Di ko nakwento sa inyo, 1st honor nga pala ako, kaya ako nagsisipag mag-aral kasi, ang panget naman kung wala na akong itsura, wala pa kong utak diba kaya nga pursigido akong mag-aral...

After 12 hours of reviewing, eto na nga!, Exam na, pagkabigay sakin nung paper medyo alam ko naman ang mga sagot kaya hindi ako masyadong nahirapan (PAHUMBLE), pero si Anna, ginagamit yung ganda niya para makakopya at makakuha ng sagot...

Never Seen Nothing Like HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon