Prologue :

21 1 0
                                    

A/N

All of the Characters in this story have no Existence, and have no relation to anyone having the same name or names, plot or Scene. All the Incidents are merely Inventions .
 


                                                                        ~❤~


Linggo ng Gabi, Pauwi na ako galing sa Pastry Shop. Hayss! Nakakapagod!Kung kailan naman maglulunes na, tsaka pa dumami ang Customer. May pasok pa ako Bukas!


Sa sobrang dami ng customer sa shop, hindi ko namamalayan na gabing gabi na pala. hirap pa naman akong humanap ng sakayan papunta sa dorm ko dahil halos lahat ata ng trycicle driver na pinapara ko ay ayaw akong isakay. lalo na kapag ganito na kadilim, hindi ko talaga maintindihan kung bakit.


Masyado ng Madilim at halos wala ng tao sa labas tanging mga  Street lights nalang ang nakikita ko na nagbibigay ng  Liwanag sa daan na to.


Kinuha ko yung Cellphone ko sa bulsa ko para tignan kung anong Oras na. Sa Huling sulyap ko kase ng Oras ay 9:30 palang.


'Hala! mag 10: 00 na pala!'


Bigla nalang akong kinutuban ng kakaiba, parang bigla na lang lumamig ang hangin at pakiramdam ko may matang umaaligid sa akin.


Dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayare, Binilisan ko ng maglakad... yung mala lakad- takbo na ang peg! iba na ngayon, mamaya may rapist na palang sumusunod sa akin!


Lord! have mercy on meee!


At dahil malapit lapit na ako sa dorm ko, tumakbo na talaga ako ng bongang bonga! kase wala na masyadong streetlights sa parteng to, siguro 3 poste ng ilaw nalang ang meron dito at kailangan kong lampasan.


Binilisan ko na ang pagtakbo ko at sa kabutihang palad ay nalagpasan ko na yung pangalwang poste. Isa nalang!


Tanaw ko na yung huling poste pero di umano, namatay bigla yung ilaw. tapos unti unti rin itong muling lumiwanag. akala ko okay na pero, pakiramdam ko ay mapupundi na ito dahil namamatay bukas na yung ilaw.


Biglang nagsi taasan ang mga balahibo ko sa batok at sa braso. Parang eto na ata yung mga nangyayare sa mga napapanood kong horror movies ah?  ano ng gagawin ko? babalik ako o binilisan kong tumakbo?

Welcome to the NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon