Chapter Three: Thank you
~❤~
Dianarah's Pov :
"Hindi ka ba nagsasawa sa buhay mo Dianarah? Hindi ka ba nagsasawa sa mga taong nakakasalamuha mo sa araw araw?"
ang boses nito ay puno ng pag aalala at lambing. hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. na para bang po-protektahan niya ako sa lahat ng masasamang tao o bagay. na maari ko siyang pagkatiwalaan.
"Ayokong nakikita kitang nalulungkot at nasasaktan, ayaw mo ba talagang sumama sa akin?"
Bakit ba kada magkakausap kami ay lagi niya akong niyaya na sumama sa kanya? ano bang alam niya sa buhay ko at para bang lahat ng pinapasan ko ay alam niya.
"Alam kong nahihirapan ka pang mag desisyon kaya bibigyan pa kita ng ilang panahon. pero tandaan mo, sa oras na pagod at naiinip na akong maghintay sayo..."
"ako na mismo ang kusang lalapit sayo. at sa oras na mangyari iyon ay hindi ka na makakaalis dahil sa oras na iyon ay akin ka na."
-----------
"Oh ayan na gising na siya."
agad akong napamulat noong may marinig akong mga boses. nandito si Celestine at yung Nurse na taga bantay ng clinic na 'to.
"Mabuti naman at nagkamalay ka na! Aba kinabahan ako nung nalaman kong wala ka daw malay at dinala ka dito sa clinic."
Naghihisterical na naman itong babaeng to. sino kaya ang nagdala sa akin dito? ang huli kong natatandaan ay nakulong ako sa Storage room at may kumakausap sa akin pero hindi ko naaninag man lang yung mukha niya. tapos, bigla nalang akong nahirapan huminga tsaka ako nawalan ng malay.
"Les, sino ang nagdala sa akin dito?"
"Hindi ko rin alam e, nung tinanong ko yung Nurse, nakita niya nalang daw na Nakahiga ka dyan."
agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko. kung hindi nakita nung Nurse ang nagdala sa akin dito, e sino?
"Pasalamat ka at isa ka sa mahahalagang tao sa akin. sa ngayon matulog ka muna."
BINABASA MO ANG
Welcome to the Nightmare
Short Story"You can runaway, but you can't Hide". These words that strikes me the most.words that creeps the hell out of me.words.whenever he whisper it in my Ear,Its like a music in my ear.words that means to me so much. because for me... it signifies that he...