Chapter C

86 8 0
                                    


Nandito na ako ngayon sa venue kung saan kami magkikita ni Tofer. May halong kaba at excited akong nararamdaman.

Hindi ko na muli inisip pa yung mga nangyare kanina dahil baka namamalikmata lang ako at alam kong hindi ako lolokohin ni Tofer. Mahal ako non, at pangako niya saakin na di niya ako iiwan at sasaktan.

To: Boyfriend♥

Boyfie, where na you? Nandito nako, ingat ka ha. Iloveyou!

Mga 2 min. ago palang yata mula ng makarating ako dito. Kung lilibutin mo grabe! Sobrang perfect nung place, dito kami unang nagkita ni Tofer dito nagsimula ang pagiibigan naming dalawa.

× flashback ×

Nandito ako ngayon sa Park, di naman ito kalayuan sa Bahay namin.

"Ouch!" May matigas na bagay na tumama sa ulo ko.

"Miss! miss okay ka lang? Masakit ba? Miss sorry di ko sinasadya!" Habang nakayuko ako at hawak paren ang ulo ko dahil masakit nga naman talaga.

"Bakitbanamankaseditoka nagbabasketballsaparkdi nabausocourtngayo---" pag angat ko ng ulo ko napahinto ako sa pagsasalita dahil napakapogi ng lalaking nasa harapan ko. "Ay, okay lang! Di naman masyadong masaket." Pabebe kong sabe. Bakit ba? Ang gwapo niya naman kase.

"Sorry talaga miss ha? By the way Im Tofer! Christofer Rafales." sabay abot sa kamay ko. "Im yanna. Franslynne Briyanna Marie Natividad."

End of flashback.

At doon nag umpisa lahat. Nag umpisa lahat sa simpleng pagpa-pabebe ko.

"Yanna" Nang marinig ko ang boses na yon isa isa ng bumukas ang mga ilaw sa park. Nakita ko na ng tuluyan ang gwapong mukha ng boyfriend ko kita naman sa mukha niya na gulat na gulat siya.

"Surprise tofer" Nakangiti kong sabe at agad ko naman siyang niyakap.

"Yanna ... "

"Oh bakit tofer? Hindi mo ba nagustuhan tong surprise ko sayo?"

"Yanna kase ---"

"Tofer, halika na umupo kana. Kumaen na tayo! Happy monthsarry babe."

"Yanna"

"Tofer, tignan mo oh ang ganda ng paligid noh? Naalala mo ba nung unang beses tayong magkita dito? Nung tinamaan moko ng bola sa Ulo Hahahahaha grabe mukha akong tanga non nung napatulala ako sayo, At nung aksidenteng nagkabungguan tayo sa school tas natapon yung dala kong pagka---"

"Yanna hindi aksidente yon."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan na talaga ako sa mga sinasabe ni Tofer. Feeling ko may gusto siyang sabihin saakin, na ayoko marinig.

-----

Until I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon