Chapter Q

91 9 3
                                    


Eto nanaman ako naugalian ko na yata ang umiyak nalng palagi. Talaga yatang nakatadhana saakin ang umiyak ng umiyak nalang eh. Ito nalang ba talaga Role ko sa buhay? ang umiyak. Ang masaktan. Ang maloko.

"Anak. Buksan mo itong pinto anak."

Mabilis naman ako nagpunas ng luha at inayos ko agad ang sarili ko.

"Papsy" malungkot kong sabi. Ayoko sana ipahalata kay Papsy pero pagdating sakanya hindi ko kayang magsinungaling. Agad naman akong napayakap  Papsy at ayan nanaman syempre umiiyak nanaman ako.

"Anak anong nangyare?" sabi ni papsy habang hinahagod yung likod ko.

"Papsy, niloko niya nanaman ako."

"Niloko ka lang niya anak? Pasensya kana anak, mali ako ng taong pinili para sayo" bigla naman ako napatanggal sa yakap ko kay papsy.

"Ha?"

"Diba anak sabe mo niloko ka ng hayop na stephen na yon." Galit na sabe ni papsy.

"Papsy hindi si Stephen! Si Tofer." At napahagulgol nanaman ako.

nakita ko naman na niyukom ni papsy ang kaniyang kamao.

"Anak tahan na" sinandal ko yung ulo ko sa balikat nya at hinayaan ang mga pagbuhos ng aking luha.

Nagising naman akong nandito na ako sa kwarto ko. walang akong gana kumain. Kanina pa ako gising pero parang ang bigat ng katawan ko.

Maya maya pa bumukas yung pinto.

"Hi yanna"

Tumabi naman siya sa gilid ng kama ko.

"Yanna, nabalitaan ko yung nangyare. Ano? magkwento ka sige makikinig ako."

"Sammy, bakit ganon? Akala ko magiging okay na ulit kami. Akala ko di nako iiyak ulit. Pero bakit sa tuwing masaya ako mayamaya iiyak ren ako? Wala ba kong karapatan sumaya? Papasayahin nga ako pero saglit lang. Ano bang dapat kong gawin? Ako ba ang may diprensya? Sabihin mo sakin kase mababaliw nako eh! Mababaliw nako kakaisip! Napakaraming tanong sa isip ko, paano ko lahat yun sasagutin? Panget ba ko sammy? siguro oo no?"

"Shhhhh"

"Alam mo sammy, ayun na eh! Sobrang lapit na makakamove on na sana ako. Eh kaso dumating nanaman siya, anong laban ko dito sa puso ko? Ang hirap hirap lalo pa na ngayon may nadamay di bale kung ako lang nasasaktan kaya ko lahat tiisin pero hindi eh nadamay si Steph. Nasaktan ko si Steph, mahal ko ren naman siya sammy, pero mas mahal ko si Tofer o isip ko nalang ang nagmamahal sakanya?"

"Gawin mo ang dapat, gawin mo kung saan ka sasaya kung ano yang sinasabe ng puso mo."

Kaya't pagtapos namin magusap tinext ko si Tofer at nakipagkita sakanya.
nandito na ako ngayon kung saan kami magkikita pagpasok ko sa loob ng cafe nakita ko siyang nakaupo sa bandang dulo.

"Tofer"

"Yanna im sorry"

"Tofer tama na! Puro nalang ba sorry? sa pagkakaalam ko Natividad apelyido ko hindi im sorry. Pinuntahan kita kahapon at di nako lumapit kase mukhang seryoso pinaguusapan niyo ng mga tropa mo."

"Narinig mo?"

"Oo"

"Yanna let me explain."

"explain? Hindi paba sapat yun? Hindi paba sapat na dahilan yun? niloko mo nanaman ako. Sasanayin moba talaga ako sa panloloko mo saakin ha?"

"Yanna hindi kita niloloko"

"Alam mo kahit palagi moko niloloko mahal parin kita."

"Hindi totoo yan yanna dahil ang mahal mo si stephen"

"Alam ko ikaw lang magaling manloko eh, pero ako hindi kita niloloko tofer."

"Yanna, mahal mo si stephen. sa ilang linggo na lagi tayong magkasama di ko nararamdaman na masaya ka pa sakin. Minsan missing in action ka. siguro di mo lang maamin sa sarili mo na mahal mo siya dahil nakatatak sa isip mo na mahal moko. yanna, nagkita kami ni stephen bago pa ko magpakita sayo. Sinabe ko sakanya na mahal kita na aagawin kita sakanya kitang kita ko sa mukha niya yung galit ng mga oras na yon. Yanna, mahal na mahal ka ni Steph. Kailangan mo ng tao na kagaya niya na ipaglalaban ka at di ka lolokohin. Sana kahit ngayon lang maniwala ka saakin yanna. Itong pangalawang pagkaktaon na lumapit ako sayo walang halong loko, yanna mahal talaga kita. Mahal na mahal kita yanna. Pero hindi pala sapat yung pagmamahal lang. Masaya ka sakanya yanna. Kaya kahit masakit kahit na alam mo y niloko kita ito ang totoo sa lahat yanna. Mahal kita"

Hindi ko napigilang umiyak sa lahat ng sinabe niya atska ko siya niyakap.

"Thankyou tofer! Thankyou"

Tama siya mahal kita steph..


To be continue ....

Until I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon