Chapter H

66 7 0
                                    


Sammy's Point of View

Nandito ako ngayon sa Park, Naglalakad lakad. Dahil ang magaling kong Bestfriend hanggang ngayon hindi paren nagpaparamdam kaya eto magisa akong naggagala gala. Napahinto naman ako sa Paglalakad ng makita ko si Mheisy at ang mga kaibigan niya na sila Mhelly at Mhey. At dahil may pagka-Chichi (chismosa) ako kaya pinakinggan ko pinaguusapan nila.

Mhelly: Mheisy, bakit mo sinagot si Tofer?

Mheisy: Mhelly, nakaplano na ang lahat. Lahat gagawen ko para lang masaktan yung babaeng yon.

Mhey: Ay gusto ko yan mheisy! Ang exciting!!!

Mhelly: Anong exciting ka dyan? Mheisy diba masasaktan din si Tofer? Eh mahal na mahal ka pa naman nung tao eh.

Mheisy: Wala akong pakielam sa pagmamahal niya. Alam nyo naman na una palang si Stephen na ang mahal ko diba? Si Stephen lang.

Hay nako. Wala naman ako mapapala siguro kung patuloy pako makikinig. Pero sino ba kase yung gusto saktan ni Mheisy?

Franslynne's Point of View

Pababa ako ngayon ng hagdan dahil sabe saakin ni papsy may naghahanap daw saakin. Sino naman kaya yon? Baka si Tofer? Haaays! Erase. Erase. Erase.

"Hi Franslynne." O_________o

"Bakit ka nandito Stephen?"

"Sinusundo ka."

"Ha? Eh diba wala naman tayo napag usapan na may lakad tayo ngayon?"

"Kaya nga nandito ako ngayon eh, para ipaalam sayo na may lakad tayo."

"Ah,eh."

"Wala ka ng magagawa anak, Nagpaalam na saakin yang si Stephen." At nauna niya pa ipaalam kay papsy ha? Ano ba nangyayare?

"Sige na franslynne, magbihis kana! Pumayag na kaya si Papsy."

"What? Anong Papsy ka dyan?"

"Close kame eh."

At dahil talo ako sa dalawang yon kaya no choice ako at nagbihis nako.

Hindi ko naman alam dito kay Steph kung saan kame ppunta eh? Oo Steph nalang itatawag ko sakanya kase nga masyadong mahaba yung Stephen tinatamad ako bigkasin. Pero wag kayo maingay kase si Author talaga ang tinatamad i type name niya Hahaaha

"Steph, Where we going?"

"Wow naman. Steph? Are we close?" At inirapan ko naman siya. "Joke lang Marie."

"What the? Marie? O___o"

"Oh bakit diba Steph tawag mo saakin kaya papaikliin ko ren tawag ko sayo Marie nalang."

"Ah okay." Hayaan na nga siya, Ginusto niya yun eh.

"Nandito na tayo!"

Tumingin naman ako sa paligid. Wow! Ang ganda, kitang kita mo yung pag form ng Sunset dito. Wow lang talaga pwede ko i describe dito. ^____^

"Ang ganda."

"Oo nga ang ganda." Napansin ko naman siyang nakatingin saakin.

"Alam ko." Hahahaha akala niya ha.

"ng sunset" Hays! Kainis talaga to. Spell Paasa? S-T-E-P-H. Akala ko pa naman ang ganda ko na talaga kase na experience ko na sa wakas yung sasabihan ka ng maganda habang nakatitig sayo. Hays.

"Joke lang marie! Maganda ka naman talaga eh."

"Che!! Teka nga, Bat nga pala tayo nandito?"

"Hinihintay ka ng lugar na to eh. Bestfriend ko tong lugar na to! Kaya ngayon bestfriend mo naren siya."

"Ha? Paano?"

"Sige!! MARIE! DITO MO ILABAS LAHAT NG HINANAKIT MO! ISIGAW MO LAHAT! ANO MARIE? DIBA TANGA KA! NAGPALOKO KA MARIE! SABE NILA ANG TANGA MO DI MO ALAM PINAGLALARUAN KA LANG PALA!!!" Habang sinisigaw yun ni Steph di ko na kinayanan at sumigaw naren ako kasabay ng pag agos ng mga luha saaking mga mata.

"TANGA? TANGA BA TAWAG DON? TANGA BA AKO KUNG NAGMAHAL LANG NAMAN AKO NG TOTOO?! TANGINA TOFER IKAW ANG TANGA HINDI AKO! ALAM MO KUNG BAKIT? SINAYANG MO YUNG ISANG KAGAYA KO, SINAYANG MO YUNG TAONG NAGPAKATOTOO SAYO KAHIT NA NILOKO MO LANG AKO! AT YANG MGA BARKADA MO, MALI SILA! MALING MALI SILA NG PINILI NG LOLOKOHIN!! TOFER HULI NATO! HULING PAGHABOL KO NA TO SAYO, HULING PAGTULO NA TO NG LUHA KO NA IKAW ANG DAHILAN! TANDAAN MO YAN. IKAW NAMAN ANG MAGHAHABOL SINISIGURADO KO YAN SAYO!!!!" Hanggang sa makaramdam nalang ako ng yakap sa likod ko.

"Tahan na." Humarap naman ako sakanya para yakapin siya.

"Salamat. Salamat Steph"

"Ako ang dapat magpasalamat sayo, dahil mula ng makilala kita tinuruan mo ang puso ko kung paano ang magmahal ulit."

"H-ha?"

"Franslynne Briyanna Marie Natividad, Pinapangako ko sayo na hinding hindi ka na iiyak muli ng dahil sa lalaking yan. Corny man pakinggan pero unang beses palang kita nakita Nahulog na agad ang puso ko sayo. Bigyan mo sana ako ng Chance? Bigyan mo ren sana ng chance yang sarili mo na magmahal ulit."



••••••••••••••••

Until I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon