Lyra POV
Gabi noon ng naghihintay ako sa aking daddy na isang business man,Habang akoy nag aantay kay daddy biglang dumating ang aking tropa na si Lucy.Niyaya niya akong gumala sa labasan para akoy malibang habang nag aantay ako kay daddy ako naman ay sumama sa kanya.Sa aming paglalakad napansin namin ang isang bahay sa aming lugar na nagiisang malaki at nakakatakot kung titignan.
Sa bahay na iyon nakatira ang aking matalik na kaibigan na si Airish .Napagpasyahan naming tawagin si Airish at yayaing maglakad lakad.Tatawagin palang namin si Airish ng marinig namin ang kaniyang boses na nagmumula sa bintana ng kanilang bahay.Kaya tinawag namin siya
"Airish Airish" subalit hindi si Airish ang sumilip sa bintana kundi isang babaeng may puting buhok na nakapusod,may mukhang nakakahumaling at ang isa kong napansin sa kaniya ay wala siyang tenga.Imbes na matakot ito pa ay aming kinausap sa pag aakalang tita ito ni Airish
"hello po andiyan po ba si Airish?" wala kaming narinig sa kanya na sagot
"hello po nagsasalita po ba kaya" tanong ko na may kasamang hagikhik , Ngunit imbes na itoy sumagot bigla na lamang lumakas ang hangin at bigla na lamang nagsara ang bintana at nawala ang babaeng kaninay kinakausap namin.
KINABUKASAN
magkakasama kaming magkakaibigan at naitanong namin kay Airish ang tungkol sa babae
"Airish asan ka ba kahapon hinahanap ka namin ee?" tanong ni Lucy sa kaniya
"Nagcomputer kami nila Kuya?" sagot niya
"Huh nagcomputer?EE kaninong mga boses ang narinig namin kagabi tinawag ka nga namin kasi akala namin na sa bahay ka ninyo. Pero imbes na ikaw ang makita , isang babae ang nakita namin mukang bata pero ang buhok ay pangmatanda.Sino ba iyon?" naguguluhang tanong ko
"Huh?Babaeng may puting buhok pero maganda ang mukha?Walang nakatira sa bahay na ganiyang tao .KIlala niyo naman lahat ng nakatira sa bahay di ba?" tumango kami sa sinabi ni Airish dahil totoo talagang kilala namin lahat ng tao sa kanilang bahay.
"Pero sino iyong babae?" naguguluhang tanong ni Lucy kahit akoy natatakot na
"AH kilala ko na base kasi sa inyong tinutukoy marahil ay iyong babaeng nakita niyo ay ang yumao kong lola Christina namatay siya dahil sa inatake siya sa puso" what the napatulala kami ni Lucy dahil multo na pala ang aming nakita kagabi at kinausap ko pa.OMG di kaya iyon nagalit sa akin?
"pero bakit wala siyang tenga?"tanong ni Lucy
"hahahahahaha tinatago niya lang ito sa kaniyang buhok!yung ang kwento sa akin ng inay. O siya alis na ako huh magluluto pa ako.Babye" nagpaalam na sa amin si Airish pero kami ni Lucy ay natatakot pa rin.Simula noon di na namin naisipang tumambay sa tapat ng bahay nila Airish.