Vienna Pov
" Lalalalalalala"
"Ate bat parang ang saya mo ata?"
"ai put.."
nagulat ako dahil sa biglang pagtatanong ng kapatid ko muntikan pa nga akong mapamura ee
"Ano yun ate anong Put.?"
"ah yung put ano yun ano ee Ah putspang gala!Hehehe tama Putspang gala!Bat ka ba kasi nanggugulat ?" nakakainis naman kasi tong kapatid ko ee bigla nalang nanggugulat mapapamura tuloy ako ng wala sa oras.TSK..
"EE kasi ate tatanungin lang sana kita kung san ka matutulog sa tabi namin ni MoM o sa Kwarto mo kasama si Te Yna?"
" Ah siguro sa tabi nalang muna ni Te Yna"
" ah o sige ate matutulog na ako !Ikaw di ka pa matutulog?"
"ah siguro maya maya na manunuod pa ko ee , Sige na mauna ka nang matulog."
"sige ate good nyt!" tinanguan ko nalang siya bilang sagot
-------------------AFTER 2 HOURS---------------------
" AISHH nakakaantok naman tong palabas makatulog na nga" agad na kong nahiga sa kama katabi si Te Yna ,Ilang oras na ang nakakalipas pero dilat na dilat pa din ang aking mata .Halos naka 1 million na ang tupang binibilang ko.Pero Walangya gising na gising pa din ako.Nagpapaikot ikot na ko sa kama para lang antukin.Pero wala padin .
HMMMM...Harap kaya ako kay te Yna ayan dinadalaw na ko ng antok ,ayan na malapit na,Kaso biglang may naramdaman akong Napakalakas na aura sa likod ko feeling ko lumalakas pa yun ng lumalakas at handang bagsakan ang aking likod ,Pero nakakapagtaka kaninong aura yun ee wala nmang ibang tao dito sa kwarto namin ni Te Yna kundi kaming dalawa lang.Titignan ko na dapat kung sino o kanino ang aura na yun kaso bago pa ako makalingon bumagsak na ito sa akin.Hindi ako makahinga ng paunti unti.Umiiyak na ako ,Humihingi pa ako ng tulong kay Te Yna pero walang lumalabas na boses sa aking Bibig.ANONG NANGYAYARE??di narin ako makagalaw ngayon.Ano ba ito??
--------------------------------kinabukasan------------------------------------------
Nang magising ako agad akong lumabas sa kwarto at naghilamos at uminom rin ako ng napakaraming tubig malakas pa din ang kabog ng aking dibdib.Naalala ko pa ang mga nangyare kagabi.Paano kaya ako nakatakas sa napakabigat na aura na iyon??
"oh Vien gising ka na pala lika doon tayo sa kusina nakain na doon si Yiel at Yna." yaya sa akin ni Mommy .Agad naman ako sa kanyang sumunod nakita ko nga roon sila Yiel at Te Yna na masayang nagkwekwentuhan.Tatanungin ko sana si Te Yna tungkol sa nangyare kagabi.Pero naunahan niya na ako.
"Oh Vien andito ka na pala ,Lika upo ka na at kumain. Tsaka bat ka pala umiiyak at humihingi ng tulong kagabi nagkaroon ka ba ng masamang panaginip?" huh?? PANAGINIP ISA LANG PALANG MASAMANG PANAGINIP ANG NANGYARE PERO FEELING KO TOTOO..?
"Ah opo ate YnA MASAMANG panaginip ,dinalaw ako kagabi" tumango tango nalng si te Yna at ipinagpatuloy na ang pagkain..
"sana nga di na ulit dumalaw ang masamang panaginip na yun ..."bulong ko sa aking sarili at sumabay na sa pagkain nila ate.Kakalimutan ko na ang nangyaring iyon .AT sana talaga di ko na ulit maranasan ang ganoong Bangungot!!DAHIL NATATAKOT AKO !!