CHAPTER 27 - HAPPY MONTHSARY CL! :">

433 9 4
                                    

Dedicated sa kanya. Super grabe po niya ko i-support sa mga ginagawa kong stories :3

===

“….pero alam mo sacrifice and proving your love for someone don’t really contradict to each other. Why? Because sometimes….sacrificing is a way of proving that you really love that person….it may hurt you or both of you…but ano ba namang mali sa pagsasakripisyo at hindi na lang ipaglaban ang nararamdaman mo…kung ang kapalit nun e yung ikabubuti niyo pareho?”

Apat na araw na rin ang nakalipas mula nung nakalabas ako sa hospital. Limang araw na rin ang nakakaraan mula nung nakausap ko si Ate Mitch at ginugulo ako nung sagot niya sa tanong ko. Halos isang linggo na rin lang birthday ko na. At ano ang birthday gift ko sa sarili ko? Ang makipaghiwalay sa kanya? Happy Birthday to me, ha? :’( This will be my third worst birthday ever. Happy birthday to me talaga T__T

Yes. You read it right. Ilang beses ko na to pinag-isipan at sa totoo lang gusto ko na lang biglang tumalon sa building bago ako mag-end dito sa desisyong to. I love Mark. I love Mark so much. Alam naman nang lahat ng nakakaalam yun, diba? Alam niyo naman yun diba? I thought I was born to love him…but it seems that fate isn’t having the same thought. Ayaw ko naman talaga tong gawin e…sino ba namang t*ngang gusto makipaghiwalay sa kasagsagan ng pagmamahalan nila ng partner niya? Wala naman diba? But then reasons are popping around my head. Ipinamumuka na sakin ng tadhana na hindi kami para sa isa’t isa….ano pa bang magagawa ko? Ilang beses naman naming pinatunayan sa mundo na ang Mark ay para kay Gleng lang at ang Gleng ay para kay Mark lang….kaso hindi ata nakinig ang mundo samin? Dati….aaminin ko na sanyo….kaya kong makipaghiwalay sa kanya pero sa mga panahon lang na siya na ang bibitaw at magsasabing hindi niya na ko kaya ipaglaban pa. Pero ngayon….mukhang hindi ko na kayang mabuhay sa ganung idea. I cannot take it anymore to see him get hurt because of me. Ako lang naman ang kailangan nila diba? Bakit kailangang masaktan pa siya? TT__TT Pwede naman nila guluhin yung buhay ko…but just my life only…bakit pati buhay ni Mark kailangan maapektuhan? Why don’t they just come straight to me face to face hindi yung mukha silang ninja turtle, tao sa tao (kung tao man sila)…kahit ipa-abduct pa nila ko para malaman ko na ang dahilan ng panggugulo nila…pero bakit kailangan pa nilang makigulo kapag magkasama kaming dalawa? Tuwing nasusugatan siya…tuwing nasasaktan siya…nasasaktan din ako. Lalo na ng katotohanang, ako ang dahilan ng mga sugat, pasa at sakit na yun. Ako nanaman ang dahilan? Bakit lahat na lang ng taong minamahal ko kailangang masaktan…mawala ng dahil sakin?! TT_TT Sobrang sakit lang….sobrang sakit lang….

Lalong bumigat yung pakiramdam ko ng bigla kong naalala yung panaginip ko tungkol kay Mark :( Ito rin yung isa sa mga dahilan kung bakit kailangan kong makipagiwalay sa kanya.,,,baka kasi magkatotoo eh. Simula nang napaniginipan ko yun at nangyari yung huing attack nang bad guys lalo na kong hindi makatulog. Siguro nga hindi talaga kami para sa isa’t isa…

Napanaginipan ko kasi na…

<Glaiza’s dream>

Magkaharap kami ni Mark. Patuloy na tumutulo ang luha mula sa mga mata niya. Hindi ako nagsasalita, ni hindi rin lumuluha. Alam ko sa sarili kong may dapat akong sabihin pero hindi ko masabi. Nararamdaman ko ang kaba sa dibdib ko. Sobrang tinding kaba… Biglang may narinig akong boses na hindi ko alam kung saan nanggagaling…

“Break up with him…or else you’ll regret it…”

Ilang beses yung umiikot sa tengga ko habang magkaharap kami ni Mark. Tuloy-tuloy pa rin ang pagpatak ng luha niya…yung luhang yun na lalong nagpapabigat sa kalooban ko…ayokong nakikita siyang umiiyak…ayoko…

“Break up with him…or else you’ll regret it…”

Ulit ng boses na yun...nabibingi na ko pwede ba? Bakit ko ba kailangang makipaghiwalay? Bakit ako nakatayo sa harap niya ng walang ka-emosyon-emosyon pero yung sakit sa puso ko hindi ko maipaliwanag?

ROSHAN: COLLEGE LOVE! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon