CHAPTER 29

495 9 3
                                    

<POV ni GLENG>

Ilang araw ko na siyang hindi gano pinapansin, ilang araw na rin akong nasasaktan. Bakit ba minsan ang tama parang mali? At parang gusto ko na ring gawin ang mali kasi mukhang yun ang tama…ayokong makipaghiwalay pero kailangan :’( Sa tuwing nagtetext siya, hindi ko na lang pinapansin pero alam ko naman sa sarili kong masaya ako pag nakakareceive ng text mula sa kanya. Inuulit-ulit ko pa nga yung basa e, hindi ko din dinedelete. Alam kong bukas makalawa, wala ng mangungulit sakin ng ganto, wala ng magtetext na Mark. Mamimiss ko to…pero kailangan kong tiisin T_T Kapag natawag naman sya, nag-hhysterical ako. Tititigan ko lang yung phone ko, tapos minsan naiiyak ako. Gustong-gusto ko sagutin lahat ng text at tawag niya. Gustong-gusto ko na rin siya makita, makausap at mayakap pero hindi pwede dahil kailangan kong maging cold para mas madali niyang maintindihan na gusto ko na talaga makipaghiwalay sa kanya….gusto? Hindi pala gusto…para maintindihan niyang KAILANGAN na naming maghiwalay dalawa….kahit yun ang pinakamahirap  na bagay na gawin sa ngayon… :’(

Nitong mga nakaraang araw, pumupunta rin siya dito pero nagpapanggap lang akong tulog o kaya pinapasabi sa kahit kaninong kuya na sabihing wala ako. Pag tinatanong nila ko hindi naman ako sumasagot. Wala din namang lumalabas sa bibig ko, naiisip ko pa lang…napipipi na ako. Pero nung isang araw hindi na ata talaga makatiis, pinuntahan na ko ni Kuya Louis dito sa kwarto…

“Gleng, ano bang nangyayari sayo?” kunot-noo niyang sabi sakin habang nakasandal sa pintuan ng kwarto ko.

Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ba talagang nangyayari sakin…hindi na rin ako ganong nagngingiti nitong mga nakaraan. Di tulad dati na lagi akong masaya…

“Kuya…gusto ko na sanang…magpa-admit sa mental…” wala sa sarili kong sagot habang tumitipa sa keyboard ng computer ko. Humarap ako sa kanya at walang ganang sinabing “Joke!”

Binawi ko agad bago pa siya makapag-react -___- Baka mamaya dalhin talaga ko nyan sa Mental eh sa sobrang tiwala niya sa mga pinagsasabi ko.

“Kuya…”

“Oh?”

“Gusto ko nang…makipaghiwalay?” out of the blue kong sabi habang nakaharap pa rin sa monitor ng PC. Nung sinabi ko yung makipaghiwalay…parang tinutusok yung puso ko…teka, diba ako naman may gusto nito? Ako naman diba? Pero bakit ang sakit sakit pa rin? TT___TT

“WHAAAAAAAAAAAAAT?!”

Ngumiti ako sa kanya…pero syempre acting lang, “OA ka maka-react kuya ha? Ikaw yung boyfriend?! Sayo ba ko nakikipag-break? Hahaha”

Umupo siya sa kama ko at nakakunot noong sabi na, “No, it’s just that you’re deeply inlove with him then you’ll tell me now na makikipagbreak ka? I know you have reasons. Tell me!”

I want to tell him that I’m still deeply inlove with Mark…pero…hayyy…

“Kuyaaaa, uhmmm…wala lang…feelings change as how people change. Siguro nga noon, mahal ko siya pero matagal na talagang hindi kasi may mahal akong iba…”

Liar! :’( Ngumiti ako sa kanya at ipinagpatuloy ang paglalaro.

“Sino naman? Ipagpapalit mo yung taong mahal na mahal ka dahil sa landi?” seryoso niyang tanong sakin na medyo natawa naman ako…

“KUYAAAAAAAAA….hindi naman landi yun eh, kailan pa natuturuan ang puso?”

Kailan pa nga ba natuturuan ang puso…para matigil na yung sakit?! :’( Pwede bang matapos na to?! Hirap na hirap na ko eh… TT__TT

ROSHAN: COLLEGE LOVE! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon