CHAPTER 12 - After the Game

542 7 3
                                    

Yes!!! Panalo ang game. Matutuwa si Gleng sakin.

Nag-shower lang ako tapos dumiretso na ko sa sasakyan. It's our first anniversary and I am like a happy frog prince kagabi pa. Hindi ako nakatulog ng ayos. I'm thinking of her the whole night and kung paano nagsimula ang lahat samin. I can't wait to see that smile again. Woooo....

Yung nangyari kanina before the game, nabadtrip ako kasi sa tapat pa talaga ng crowd niya ginawa pero naexcite ako sa scene. Buti kahit papaano I was under control that time at wala kong iba pang kabalbalang nagawa kung hindi siguro dinugo talaga yung taong yun dahil sakin. Tskkk...

Anyway back to Gleng, sana nakapanood siya ng game, para sa kanya pa naman yun. Bale, hihingi na lang ako ng video para maipakita sa kanya. Ngayon lang ako nakalaro sa finals para sa taong mahal ko...Sure WIN tuloy... Ganado eh..

Bumili muna ko nung Black Forest cake na gustong-gusto niya...

Madami pa rin akong surprise for her...

I want to hug her badly...

Sobrang na-mimiss ko na siya...

Naka-50 texts na nga ko sa kanya kanina pa...

Kaso wala kong narereceive na reply... :(

Busy siguro magpaganda... :">

Sus, e kahit hindi naman siya mag-ayos ang cute cute niya parin, laki pa ng pisngi, lalong nagmukhang cute...

Pangigigilan ko nanaman yang pisngi niya...

Nung napadaan ako sa Walter Mart, bumaba ako saglit, bumili ng ALASKA YOGHURT, favorite niya kasi yon. Tuwing napunta ko sa kanila, matik na na dinadalhan ko siya ng ganun...

Ayun, nakarating din ako sa kanila. Bukas ang gate. Bakit kaya? Lagi silang nagsasara ng gate kasi nga may trespassers lagi sa subdivision nila. Hindi muna ko nagsalita. Pumasok lang ako dire-diretso. Walang tao sa baba. Wala din mga kuya niya. Medyo kinabahan ako kaya nagmamadali akong umakyat sa itaas. Baka mamaya may masama nang nangyari sa kanya ( -__-) Wala si Gleng sa kwarto pero bukas yung sliding door niya sa terrace. Pumunta ako dun ng biglang nakita kong...

........ m-magkayakap si Wilson at Gleng.

Kumulo ang dugo ko. Fvck ansakit sa puso. FVCK FVCK FVCK. Sa araw pa talaga ng anniversary. Magkaibigan sila, oo, pero sobrang higpit ng pagkakayakap nila sa isa't isa at hindi gawain ng mag-bestfriend yon. Isa pa hindi din naman maaalis saking mag-selos kasi may gusto si Wilson ke Gleng nung high school pa kami.

"WILSON!!!" sigaw ko. Pilit na pinipigil ang galit. FVCK bakit kayo magkayakap. P*CHA ANSAKIT FVCK -___________________-

"WILSON!!!"

"MR.KANG!!!"

Hindi sila nagpatinag. Hindi sila gumalaw. Tumingin lang si Wilson sakin. Nakita niya ko agad dahil sa akin siya nakaharap pero hindi siya bumitaw sa pagkakayakap kay Gleng. Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakayakap sa girlfriend ko. Si Gleng naman hindi man lang lumingon. Napansin ko pang hinigpitan niya pa lalo yung yakap niya kay Wilson. Anong nangyayari sayo babe? :'( BADTRIP!!! FVCK!!! FVCK!!! FVCK!!! FVCK!!! Ano sa tingin nilang ginagawa nila? Andito yung boyfriend tapos sa harap ko pa talaga sila gumagawa ng kabalbalan. AMP*CHA!!!

"WILSON KANG!!!" Kinukuyom ko na ang kamao ko. Ilang segundo, kapag hindi bibitaw si Wilson, hindi ko na alam kung anong magagawa ko....

++++++++++++++++++++++++++++++

Ansaya ng anniversary nila no? -__- Ano nga kayang nangyayari? Nagkakagantihan na ba? Sino dito mahilig gumanti kapag nag-aaway ng ka-in a relationship nila? Wag ah. Bad yun. Haha

Waaaaa. Oo nga pala. May mga naliligaw daw? May katulad ako ng title

Hi Louise kung nababasa mo to. Haha. Si Louise yung unang nag-comment sa HSB at dahil lang sa First Comment na yon kaya itinuloy ko yung HSB na wala na sana kong planong tapusin. My biggest thank you sa kanya. Dramabels. Mwa mwa guys :3 Naalala ko lang bigla. Haha. Pati thank you dun sa mga nag-push talaga na readers sakin. Labs you mga pareeeeee....

Nga pala. Pasama niyo naman sa prayers niyo yung thesis ko. Huhu. Yung thesis talaga e no? Baka magkusang ma-type yung laman non? ( -_-) Haha. Nababaliw na ko. Individual kasi tas 500pgs pa. Pasama sa prayers niyo po yung kaluluwa ng kasipagan ko. Nawa'y bumalik na siya sa katawang-lupa niya. Bow. Salamat :3 Take care :)

ROSHAN: COLLEGE LOVE! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon