Chapter 9. "Pain of the Past"
Jana's POVNakarating na kami sa tapat ng bahay nila Takore. Malaki ito kung titingnan sa mula sa labas, mas malaki lang ng konti sa bahay namin. Maganda rin ang style ng bahay nila at maganda ang kulay. Hindi rin naman ito ganoon kalayo sa bahay at sa school namin.
Natigil ako sa pagmamasid sa bahay nila nang bumukas ang pinto ng bahay nila. Isang babae ang lumabas sa pinto at nagtungo sa gate kung saan kami nakatayo. Pagbukas ng gate ng Mama ni Takore, kukurap-kurap akong tiningnan ng Mama ni Takore na parang bang gulat na gulat nang makita ako. Tiningnan ko naman si Takore sa tabi at tumingin din siya sa akin saka ngumiti.
"Oh, anak may kasama kang-babae?" Hindi makapaniwalang tanong ng Mama niya sa kanya.
"Ma, naman alangin namang lalaki ang iuwi ko sa bahay." Natatawang sabi ni Takore. "Siya po pala si Jana, kaibigan ko." Pagpapakilala sa akin ni Takore. Ngumiti naman ako sa Mama niya.
"Hello po, good evening po." Bati ko rito. Tumango-tango naman ang Mama niya.
"Akala ko girlfriend mo na e." Sabi ng Mama niya saka tumawa. "Tara pasok na tayo sa loob." Paanyaya ng Mama niya saka naunang pumasok sa loob. Nagkatinginan na lang kami ni Takore saka pumasok sa loob.
Pagpasok sa loob ng bahay nila mas maganda pa pala ito sa labas. Malaki rina ang bahay nila at modern style. Pero natigil ako sa paglilibot ng tingin nang makita ko ang maraming box na nakakalat. Para bang bago silang lipat ng bahay.
"Takore, kakalipat niyo pa lang dito?" Tanong ko sa kanya. Nakaupo naman siya sa sofa at nagtatanggal ng sapatos niya.
"Ah hindi, lilipat pa lang kami ng bahay." Paliwanag niya.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Binenta na kasi 'to ni Mama tapos may binili siyang mas mura. Alam mo matutuwa ka kung malalaman mo kung saan kami lilipat." Aniya't tumawa saka umalis dala ang sapatos niya. Sinundan ko naman siya ng tingin na bakas ang pagtataka sa mukha.
Hindi ko na inisip ang sinabi niya at tumingin-tingin pa sa bahay nila. Sa kakamasid ko hindi ko nakita ang isang kahon kaya ako natalisod nito, nabuhos naman ang laman ng kahon na nagsanhi ng ingay.
"Anong nangyari?" Tanong ng Mama ni Takore habang hingal na hingal mula sa pagtakbo parito sa sala.
"Pasensya po, nasagi ko po kasi 'tong-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko ang laman ng kahon. "Ang dami namang medals." Bulalas ko.
Natawa naman ang Mama ni Takore sa reaskyon ko. "Kay Xial lahat ng iyan." Aniya't inayos ang nabuhos kong mga medals. Tinulungan ko naman siyang ibalik sa kahon ang mga medals. "Napakatalinong bata. Magaling pa sa sports." Sabi ng Mama ni Takore.
BINABASA MO ANG
Hey! Mr. Rebound!
HumorMoving on is not easy as they say, and that is why Xial Gian Bustamante presented himself to be the rebound of Jana Dayne Encarnacion to help her to forget his ex-boyfriend who has cheated on her with her best friend.