AUTHOR'S NOTE
*Eyyyyyoooooo!!!!!!!!! Sorry dahil di ko nasulat to sa prologue hahahahaha! pero okay na rin to! Ito yung first book na gagawin ko so sana magustuhan nyo at magcomment din kayo for suggestions. I accept criticism and advices kasi baguhan lang ako dito and plsss......ENJOOYYYY!!!!!!!!!
Kian's POV
FLASHBACK
2 weeks ago....
Grabe... di ko na namalayan na malapit nalang birthday ko. May ginagawa kasi kaming bagong project kaya sobrang stressed out na kami. Hmmmmmm..... ano kaya hihilingin kong regalo galing sa magulang ko? Bagong sports car kaya? Or pwede rin girlfriend?( de jk lang!) Basta may regalo okay na. Bat ko ba masyado iniisip to meron pa naman akong 2 weeks?
"Kian, halika dito. May sasabihin ako sa'yo tungkol sa 18th birthday celebration mo."
" Gian matagal pa yun ehhhh....."
"Wag ka ngang mag inarte dyan! Atleast nga maaga para maihanda ko na yung mga preparations. Para may bonggang pasabog ka sa mga fans mo! Oh diba, BONGGA!!!!"
"Okay okay fine kalmaaaaa...... Para din sa mga fans ko to sige pagbibigyan ko yang naisip mo."
"I'll prepare the things needed in your party. Atsaka gagawin natin to 2 days before your actual birthday para may quality time din kayo ng relatives mo. Ciao!!!!!"
2 days before my birthday? Sige kakayanin ko to syempre ako pa. Siya pala yung manager ko. Nakakatuwa siya no? 'Cause he is gay as in BAKLA wahahahahha!!! Unique siya sa ibang manager dahil yung iba laging seryoso yung dating eh sya? Laging happy-go-lucky, swerte ko nga kasi siya manager ko kasi pag iba yun haayy nakoo, di sila makakatagal sa akin. Siya rin yung manager ko since nagstart ako sa showbiz. Medyo matagal ko na sya naging manager and friend since last 6 years. Matibay friendship namin walang sisira sa amin whahahahaha!
Maghahatinggabi na kaya nagpaalam na ako sa crew and staffs. Nakatira ako sa isang condo kasi mas malapit yung working place ko dun. Pagbukas ko ng pintuan, diretso agad ako sa kama kasi sobrang pagod na akooooo..... Hindi ako yung lalaki na makalat pagdating sa gamit kaya organisadong- organisado ang condo ko. Magbasa nga ako muna ng mga fan letters para gumaan ng konti ang pakiramdam ko.
Dear Kian,
Kung nababasa mo ito, nagpapasalamat kami sa lahat ng nagawa mo para sa amin. Alam namin sa dinamirami ng fans dito di mo kami mapapansin pero sapat na sa amin na mabasa mo ito. Ikaw yung artista na hindi suplado sa kanyang fans at dun kami natutuwa. May malasakit ka sa amin kahit nakakairita kami. Sana 'wag sumuko sa ginagawa mo. Mahal ka namin, Kian
Ventura!!
Fr: Kianatics fans club
Naks.. ang sweet nila. Siguro matutuwa sila kung sinabi ko sa kanila na nabasa ko sulat nila. Okay! Next letter naman!
Dear Kian,
Hi! Ako si Angelina Perlas! Nagpakilala ako sayo para mapansin mo ako! Kung nababasa mo ito, sasabihin ko na sayo na mahal mahal kita! Mas mahal pa kita kesa sa mga magulang ko! Gagawin ko lahat para magkagusto ka sa akin! Papatay pa ako para lang makuha ka. Papatayin ko lahat ng hahadlang sa atin. Bagay tayo sa isa't-isa. We're meant to be!! Kung intersado ka sa akin, eto cp number ko. 09********* ;) Eto rin twitter at fb ko! @_angelperlas at Angel Perlas para sa fb. Magpapadala pa ako ng maraming msgs at letters para mapansin mo ako!!.
XOXO,
Angelina ;)
Whatdaf*q ano to!!!!!! 'Mas mahal pa kita kesa sa mga magulang ko' ?! That's absurd as hell! 'Papatay pa ako para lang makuha ka' Nababaliw na ba tong babaeng to?! Tss... Eto ayaw ko sa kanila, yung mas mahal pa nila yung iniidolo nila kesa sa mga taong nagpalaki sa kanila. Tapos papatay pa siya para mapansin ko sya! Ano bang iniisip ng babaeng to? Makatulog na nga! Panirang araw tong liham na to.
BINABASA MO ANG
Inlove with my Fangirl
Teen FictionAlam natin lahat na mga artista kadalasan nagkakarelasyon sa kapwa artista nila. Nababalita lagi ang mga ganitong pangyayari kagaya ng magpapakasal si ganyan, nagkaroon ng kabit, nagkabuntis si ganyan sa iba at marami pang iba pero paano kung si Kia...