Naggagawa ng update si Bubblyrabbit para sa Hugot Queen. Pero biglang nagbrownout
Bubblyrabbit (Me): leche, tagal ko ng hindi nag-uupdate, kung kailan pwede na saka mawawalan ng kuryente! Saklap! Bakit palagi nalang tuwing nageeffort ako?
Walang sumagot dahil mag isa lang si BubblyRabbit sa bahay.
Bubblyrabbit: Wala na talaga akong pag asa. *kumuha ng kandila saka sinindihan ito.
Bubblyrabbit: Ang pag-ibig ay parang kandila... Sa una, kapag nabuhay, ansaya saya. Pero habang tumatagal, nararamdaman mo na yung sakit, maiiyak ka nalang bigla. Hanggang sa matuldukan na yung relasyon niyo, parang na ring hinipan mo na yung kandila o pinatay. /sighs.
Nagpatugtog naman si bubblyabbit para hindi mainip habang nagiintay ng kuryente. Shinuffle lang niya ito. Biglang nagplay ang Joe Brooks - Superman
Hindi napigilan ni Bubblyrabbit na umiyak.
Bubblyrabbit: bakit ba sa lahat ng kanta ito pa ang tutugtog? Ilang songs ba nandito? 500+ songs, gosh... Bakit ito pa? Sa lahat talaga ng kanta, ito yung isang happy song na nagpapaiyak sakin, hindi ko alam kung bakit...
Patuloy lang si Bubblyrabbit sa pag-iyak hanggang sa matapos ang kanta. Bigla namang nagplay ang Maroon5 - Wipe your Eyes.
Mas lalo naman siyang umiyak.
Bubblyrabbit: iyan naman ang palagi mong sinasabi diba? Na nandyan ka palagi para sakin, na kapag umiiyak ako nandito ka lang, oh ano? Nasaan ka na? Kasama mo nanaman siya, kinalimutan mo na ako.
Bigla namang nagkailaw.
Bubblyrabbit: Holy! Hayan na!
Pipindutin na ni bubblyrabbit ang update button ng bigla nanamang nawalan ng ilaw.
Bubblyrabbit: hutahamnida lang ha! Ano to lokohan? Tss, pasalamat kayo, sanay na akong maloko -___- paano na ako mag uupdate? Wala nanamang ilaw. Tsk
Bubblyrabbit: ano to parang pagibig lang? Kung gaano kabilis nakameron ng ilaw, bigla bigla ka namang iiwan agad agad? Aba nga naman! Pagod na akong masaktan! Ano bang gusto mong gawin ko?
Dahil bored na bored si bubblyrabbit, naiisipan niyang manood nalang ng movie.
(Peter Pan 2003)Bubblyrabbit: mayghad, wafuu ni peterpan <3 eto namang si wendy! Nako! Pepektusan ko to eh! Unang kita palang nila ni peterpan KISS AGAD ANG HINIHINGI? Tapos kapag nabuntis iiyak iyak? Leche mga to -__- nakakainit sila ng dugo ha!
Patuloy lang si bubblyrabbit sa panonood ng peterpan 2003 ng bigla ulit magkailaw. Pinakiramdaman lang muna niya ito kung mawawala, pero hindi!
Kaya naman tuwang tuwa si bubblyrabbit dahil may ilaw na! Kaya maguupdate na sana siya, kaso bigla nalowbat ang laptop niya -_- saklap ano?
At kasabay narin yun ng biglaang pag brownout. Kaya ang ginawa ni bubblyrabbit. Sinulat niya ang mga nangyari sa ipod niya. Tapos ginawa niyang draft.
-----------
At iyan ang nangyari sakin sa takteng brownout kanina XD pinakasakit na brownout scene grabii </3 mag 5k na tayo ^^ salamat guyssss muah!Ngangayon lang nagkailaw HAHAHA.
BINABASA MO ANG
Hugot Queen
RandomOctober 2, **** ng ipanganak ang isang babae sa earth, na may tinatagong kapangyarihan, (Sabihin sakin ang kabirthday ko, wala pa akong naeencounter na katulad ng birthday ko hahahaha) Mahilig ang batang ito na sa mga libro at pagsasayaw, lalo...