Chapter One: Announcement

2.3K 63 15
                                    

EDITED

--

AKEMI'S POV:

"Whoo!! Finally natapos na ang mga cases!"masayang sigaw ni Akane bago mag-inat.

"Ang saklap naman po kasi Akane nee-san, may nagawa ba tayong masama?"mahinang tanong ni Riye bago pumasok sa hallway. Pumasok na din ako bago bumuntong-hininga.

Creepy.

After a year, wala pa ding pinagbago ang hallway. Lagi nalang kasi ako nagkakaroon ng goosebumps everytime na papasok ako sa hallway. Napatalon naman ako sa gulat ng may maramdaman akong tumabi sa akin.

'You're still scared about the hallway?'

Tinignan ko naman ng masama si Hiro dahil sa sinabi niya through his inner voice. 'It's not my fault that the hallway has still that scary feeling.'

Narinig ko namang napatawa ng mahina si Hiro bago mag-inat. Minasahe ko lang yung kamay ko dahil nangangawit na yun simula nung unang araw pa. Hindi ako makapaniwala na ang daming cases na binigay ni Sir Hiroshi sa amin.

Ng makalabas na kami sa hallway ay narinig ko ang pagsigaw ni Akane. "Hoy Ken! Huwag ka ngang magreklamo! Sino sa atin ang naghabol sa suspect?! Sino sa atin ang naka-heels?! SINO SA ATIN ANG LALAKI?!!"

"Babae ka ba talaga?!! Mas nagiging babae pa ang bakla kapag tumabi sayo!! Sino kasi ang nagheheels kapag humahabol ng mga suspect?!"

"Aba! Kung makasalita ka, akala mo hindi mo kasalanan! Hoy, diba sabi ko hintayin mo ako mag-rubber shoes?! Kasalanan niyo kasing mga lalaki!! Nanghihila nalang ng walang pasabi!"

Napatawa naman ako ng mahina dahil sa sinabi ni Akane. Mukha namang naguilty si Ken pero tinago lang niya yun sa pamamagitan ng pag-asar kay Akane. Paano kasi, bonding time kasi namin kanina. Nandoon sa isang boutique si Akane nagsusukat ng isang killer black heels ng biglaan nalang siyang hilahin ni Ken. Mabuti nalang at nakapagbayad na si Akane, baka mapagkamalan pa siyang magananakaw.

"Reiji nii-san, bakit po tatlong cases ang binigay sa atin ni Sir Hiroshi?"

"Ewan ko nga eh! Baka may importanteng araw na magaganap. Kaya naman pinagawa agad sa atin ang mga extra cases."sabi ni Reiji sabay kibit-balikat.

Napailing nalang ako ng maalala ko ang cases na pinagawa sa aming Atama. Three cases in two days. Kaya naman pinaggrupo kami ni Sir. As usual naman ang grupo, Akane and Ken, Riye and Reiji and Me and Hiro. Ang case namin ni Hiro ay tungkol sa isang Elementary School na kung saan nawawala ang mga estudyante at natatagpuan nalang patay.

Naalala ko nga kahapon ng bigla akong pinatalon ni Hiro mula sa building. I just shuddered at the mere thought. I'm still scared about it till this very day.

'Scaredy Cat.'

Tinignan ko naman ng masama si Hiro bago batukan. "Sino kasing matino na tao ang tatalon sa tuktok ng isang building?"

'You and me.'

Kinurot ko lang yung balikat niya. Aba, namimilosopo na pala si Hiro eh! "Maliban sa atin. Mga mental lang ang tatalon ng kusa."sabi ko pa bago sinundan sina Akane.

Tantei High: Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon