Chapter 1

23 2 3
                                    

"Hoy chararat na frog! Gumising ka na umaga na!" Nakapikit pa ako ayaw kong bumangon dahil antok na antok pa rin ako.

"Reese ano ba! Gumising ka nga! May pasok ka pa first day nyo ngayon diba?" Inis na inis na sabi ni ate.

Bigla naman akong napabangon. Nagpapanic ako dahil first day na first day pa naman at male'late pa ako. Nakakainis naman kasi, nasanay akong gumigising ng late tapos ngayon gigisingin ako ng maaga.

"Ate anong oras na?!" tanong ko kay ate ko sabay sampal sa sarili ko dahil antok na antok pa rin ako.

"6am na! Diba 7am klase nyo?!'

Nagmadali naman akong kumilos dahil ayaw ko ma'late, kalayo pa naman ng school ko nakakahiya naman kasi first day na first day tapos late ako.

Pagkarating ko sa school tinignan ko ang schedule ko at kung saang room yun. Dahil malaki ang campus nalilito ako kung saan yung room. Transferee lang kasi ako, di ko tinuloy yung Senior high sa dati kong school dahil gusto ko na talagang lumipat.

Palinga-linga ako sa paligid nagbabakasakaling may makita akong kakilala ko pero wala. May nakita akong bunch of boys na nagtatawanan sa hallway. Tamang-tama! Sila nalang pagtatanungan ko kung saan ba yung room na yon.

"Excuse me mga kuya? Pwede magtanong?"

Kinindatan ako ng isa sa mga kasama nila. Eww gross! Don't you dare look at me like that!

"Ano yon miss?" Sabi ng lalaking bukas ang puso at handa atang tumulong sakin.

"Saan po yung room nito?" Pinakita ko sakanya ang sched ko.

"Ah dyan lang sa second floor, miss. Samahan na kita."

Tawanan naman ang mga barkada nya, naghihiyawan sila. Ang ingay naman nila grabe! Tinutukso tukso pa nila kaming dalawa.

"Fuck you, fuckers!" Sabi nya sabay pakita ng middle finger sa mga barkada nya. Tumawa naman sila. Ano ba 'tong mga ito! Tinignan ko naman kung anong oras na, 10 mins nalang mag aalas syete na.

"Sige ako na lang po, kuya. Thank you po!"

"Wow tol! Ibang-iba ka na talaga naka-bingwit ka ng chicks." Sabi ng isa nyang barkada sabay ngisi.

Nung tumalikod na ako at naglakad na sumigaw sya ng "Wait" at napalingon ako.

"Hatid na kita."

Hindi na ako kumibo at diretso na ang lakad ko. Sumasabay naman sya sa lakad ko.

"Miss, ano nga palang pangalan mo?" Tanong bigla ng lalaki sabay kamot sa batok nya.

"I'm Courtney Reese nga pala." Sabi ko sabay ngiti. Hindi naman ako masungit at maayos naman ang pakikitungo ko sa ibang tao kahit kakakilala ko palang. Ewan ko ba di ko ugaling magsnob.

"Ah ganda mo. Hehe" Sabi nya bigla at umiwas ng tingin "Ako nga pala si Arjel." Ngumiti naman ako at hindi na kumibo.

Nang matanaw ko na ang room ay nagpasalamat ulit ako sakanya. Wala lang naman daw sakanya yon basta ang mahalaga nakakatulong daw sya sa kapwa. WTH? Ay weh kuya?

Nung matapos ang klase lumabas naman na ako ng room para maglunch, tapos non 2am pa ang klase ko ulit. Habang naglalakad ako sa hallway may nakabangga ako napa 'ouch' naman ako sabay himas sa braso ko.

"Ay sorry! Reese! Hi! Sorry talaga ah? Di ko sinasadya nagmamadali kasi ako hinahanap ko mga tropa ko." Nabigla naman ako ng si Arjel makabangga sakin. Ikaw kasi Reese e! Di ka tumitingin sa paligid mo!

"Ay okay lang, sige bye na." Sabi ko at nagwave na patalikod sakanya.

"Wait!" Napalingon naman ako. "Naglunch ka na?"

"Not yet. Pero maglu-lunch na ako." Napangisi naman sya.

"Okay! See you around!" Nagwave naman sya sakin. Tumalikod na ako at naglakad para hanapin ang cafeteria.

Okay! Infairness pogi yung Arjel na yon. Matangkad, matangos ang ilong, mapulang labi at nakakasilaw na ngiti. Pogi talaga sya.

"Reese! Sabay ka na samin maglunch. Nagiisa ka lang e." Sabi sakin ng kaklase kong si Aurora. Maganda sya at sobrang puti.

"Oo nga. Sama ka na please!" Sabi naman ng kaibigan nyang si Diana. Matangkad at katamtaman lang ang kulay nya.

"Okay!" Pinagitnaan naman nila akong dalawa. Nagkwekwento naman si Aurora sakin kung gaano kagwapo ang iba naming klase.

"Nakakagigil naman yong si Derick grabe! Kapogi nya!" Sabi ni aurora sabay tumitili ng mahina. "Diba Reese?" sabay tawa nya.

Ngumisi naman ako at tumago sakanya. Etong si Diana naman puro nalang mga subjects ang binabanggit nya kesyo mageenjoy daw sya sa mga subjects at lalo pa syang sinisipag magaral dahil gusto daw nya makita na maging proud sakanya ang mga magulang nya.

"If I know didi, one of your reasons why gusto mo matataas ang grades mo dahil gusto mong makita ang ex mo na proud sayo gusto mong patunayan sakanya na you're better without him" Ngumisi naman si Diana.

"Yup! Bwisit yon, binreak ako kasi di daw ako masipag magaral at puro bisyo and gala lang daw ang pinapairal ko? The hell! Sya na ang matalino! If he really loves me, dapat tinanggap nya imperfections ko!" Gigil na sabi ni Diana.

'Chill, didi!" Sabi ni aurora at tumawa naman kaming tatlo.

These girls are so damn noisy and funny. Napailing nalang ako at ngumisi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dream OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon