Chapter Fourteen- The Queen Strikes Again

1.3K 67 6
                                    

Chapter Fourteen

The Queen Strikes Again


HE HAD NEVER been intimidated by a lady but there was always a first time.

Nang makita ni Blake ang magandang babae na naghihintay sa kanya sa isang mesa sa loob ng isang mamahaling cafeteria, alam na niya agad na hindi ito basta-bastang babae. Pamilyar sa kanya ang sense of authority nito pati na ang kalkuladong kilos. She reminds him of Zee at kung hindi siya nagkakamali, nasa harap siya ngayon ng isa sa pinakamapanganib na babae sa buong mundo.

"Leave us alone," utos nito sa dalawang lalaki na sumundo sa kanya. The two men went out. "Sit down, Mr. Aldrin Blake Goodwin."

Tumalima siya. Alam nito kung sino siya kaya sigurado siyang nagpa-imbestiga ito. Marami ng beses siyang nalagay sa alanganin at panganib and he survived pero 'di niya alam kung makaka-survive siya sa schemes ng babaeng ito. Umabot sa kanya ang mga kwento ng pagpapahirap nito sa mga kapatid nito para lang masunod ang gusto.

"Mukhang hindi ko na kailangang magpakilala. Sa tingin ko kasi ay may ideya ka na kung sino ako."

"Queen Diamond."

"Mukhang pinagkakatiwalaan ka ni Zee nang husto para i-reveal niya sa'yo ang totoo niyang pagkatao. I'm sure kahit papaano ay may ideya ka kung anong klase akong tao. Kilala ko ang lahat ng tao na nakapaligid sa mga kapatid ko. Isa ka na roon. You are Zee's close friend and the assistant general-manager and training specialist of Black Stag International. Ex-military officer and BSI agent. You were Pro's guardian for many years. A widower who lost his wife in a tragic way leaving a six-year-old daughter. Do you want me to continue, Mr. Goodwin?"

"Bakit mo ako gustong makausap?"

"Isa lang naman ang pwede nating pag-usapan na pareho nating interes, si Esther Contreras o mas kilala sa pangalang Star Montero. Oh, mukhang iba ang pangalang alam mo. What did she call herself?"

"Aris."

"A nickname for her pseudonym Polaris. A little tricky but still not so smart for me."

"What do you want?"

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, Mr. Goodwin. Ano ang kailangan mo kay Esther?" seryosong tanong ng babae. Her gaze was like a sharp blade waiting to stab him. "Alam ba niya kung sino ka talaga? Alam ba niya ang katauhan ng lalaking malapit na niyang mahalin?"

"Do you want me to go away from her?"

"Alam mo, Mr. Goodwin, kung noon mo pa gustong lumayo kay Esther, kahit hindi pa kita takutin ay kusa kang lalayo. Ilang araw ka ngang hindi nagpakita sa kanya 'di ba? Pero dahil nagpakita ka ulit, masasabi kong hindi mo talaga gustong lumayo sa kanya," sabi nito. "Hindi ka mangmang para hindi maintindihan ang gusto kong mangyari. Niloloko mo siya, Mr. Goodwin."

"Hindi ko siya niloloko. Nakilala niya ako sa kung sino ako."

"Noon 'yon. Hindi na ngayon. You are making her fall for you."

"Her feelings towards me is only a hero-worship kind of feeling."

"Talaga? Hindi kasi iyon ang nalaman ko. She kissed you."

"A kiss has a lot of meanings."

"Not a kiss from a Contreras," anito. "Now I feel pity for her. Mukhang umaasa lang siya sa wala. Mukhang mali siya ng taong nagustuhan. Wala kang gusto sa kanya." Hindi siya nakakibo. Gusto niyang itama ang sinabi nito pero para ano? Sabihin man niyang gusto niya si Star o hindi, isa lang ang gagawin ng babaeng ito: ilalayo nito si Star mula sa kanya. Hindi ito papayag na isang gaya niya ang mahalin ni Star.

Symphonian Curse 7: Mermaid's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon