Chapter Four- Star's Predicament

1.3K 60 4
                                    

Chapter Four

Star's Predicament


STAR decided to stay in her twin's house while she's in New York City. Okay lang naman iyon kina S at Pro. Nagkaroon sila ng dinner sa bahay nina Zee at Yñez. Kumpleto sila maliban sa ate nila na hindi naman talaga niya inaasahang makikisalo sa kanila sa hapunan. Matapos itong makipag-meeting sa mga kuya niya ay agad na itong nagpunta sa ibang bansa. Ayos lang naman sa kanya na wala ito dahil para sa kanya, sapat na ang mga kapatid niyang lalaki. Lumaki siyang kasama ang mga kuya niya at mas malapit siya sa mga ito lalo na kay Eli.

Their family is like country with a constitutional monarchy government: there's a 'Queen' but the real leader is the prime minister. That was somehow her opinion. Their sister is her least favorite people in the world.

Marriage life changes a person's life. Patunay diyan ang mga kapatid niyang nagsipag-asawa na at mas priorities na ang kanya-kanyang pamilya. Ang kakambal niyang si S ay iniwan ang pagiging agent para magtrabaho sa kompanya nila. It was her twin-brother's decision so he won't be in danger everyday. And he got a real house after his wedding few months ago. Hindi na ito nakatira sa isang maliit na apartment gaya noon. Hindi na rin magulo ang bahay nito dahil may babae ng nag-aalaga rito. For few days ay doon siya titira bago bumalik sa Paris. Nag-leave lang siya ng isang linggo sa pinagtatrabahuan.

During their dinner few hours ago, isa sa mga na-discussed ay ang pagtatayo niya ng sarili niyang boutique and her brothers insisted na sa New York City na lamang siya tumira para malapit siya sa mga ito. Umandar na naman ang pagka-protective ng mga kuya. Matagal na siyang hinihikayat ng mga ito na tumira sa New York. Matagal na siyang may planong tumira roon at mukhang mapipilitan na siyang lumipat. Gusto niya rin naman talagang magtayo ng sarili niyang negosyo at tumira malapit sa mga kapatid niya. Sapat na ang ilang taon niyang experience sa fashion designing.

Kahit noon pa man ay binigyan na siya ng kalayaan ng mga kapatid niyang piliin ang gusto niyang gawin sa buhay. Advantage of a youngest child. When she declared that she wanted to be a fashion designer at the age of five, no one in the family protested. Instead, they supported her along the way. Her siblings are either businessmen or ex-agents-turned-businessmen. Their company is so huge and expands to other continents. Their family is both rich and mysterious. Kung tutuusin, siya lang ang nag-iba ng landas dahil napunta siya sa fashion designing pero papunta rin yata siya sa pagiging negosyante. Wala naman siyang reklamo roon.

"Ano 'yang hawak mo? Love letter?"

Binalingan niya ang kakambal niyang nakasilip sa pinto ng kwarto niya. Hindi niya namalayang kanina pa siya tulala habang hawak ang envelope na naglalaman ng listahan ng Dream Guy niya.

"Hey, kahit bahay mo'to, dapat kumakatok ka pa rin," reklamo niya.

"Kumatok ako ng tatlong beses pero 'di mo narinig," anito saka pumasok. "Kanino galing 'yang love letter?"

"Sa future husband ko."

Nagkasalubong ang mga kilay nito. "Ano? Future husband? Sino?"

"Para ka ng mga kuya natin ah. Nagiging paranoid ka na," puna niya rito. Kanina kasing hapunan ay panay ang paalala ng mga kuya nila na mag-iingat siya sa mga lalaking aali-aligid sa kanya at nagpapa-cute. Dapat daw maging wais siya sa pagpili ng mapapangasawa. In all the conversations, never na-mention ng mga kuya niya ang pagpili ng magiging boyfriend'. Pag-aasawa agad ang iniisip ng mga ito. It seemed that for her brothers, having a boyfriend is a mediocrity while getting a husband is the best thing that can happen in her life. Her brothers married their first girlfriends with the exeption of Elijah and S who were playboys during their single days but according to them, their wives are their first loves. Sa tingin niya ay ganoon din ang gustong mangyari ng mga kapatid niya: to marry her first love. Sad to say, wala pang lalaking nakapasa sa napakataas niyang standards.

Symphonian Curse 7: Mermaid's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon