Chapter Four

1.9K 32 2
                                    


Nakarating kami sa gate ng bahay at nataranta naman ang mga kasambahay na nasa hardin kaya agad siyang tumakbo para pagbuksan kami.

"Nako ma'am! Anong nangyari sa inyo."

"I sprained my ankles." I rolled my eyes and tried not to listen to her anxious remarks. 

He carried me inside the house at inupo ako sa sofa sa living room. Agad naman kaming nilapitan ni mommy, and panic is evident in her eyes, so I looked away.

"What happened?!" Pasigaw na tanong niya.

"I just sprained my ankles. It's nothing serious." I answered, but instead of minding me, she looked at the guy who helped me. 

"Drexell. Mabuti naman at nakita mo ang anak ko." I rolled my eyes at hinayaan silang mag-usap. As much as I want to cut them off, ay di ko na ginawa. I don't have the energy for it anyway.

So, Drexell pala pangalan niya. Okay.

"Ah. Sakto kasing nagkasabay kami sa pagjajogging, Tita. Nauna siyang bumalik tapos nung paliko na ako nakita ko na siyang natumba, then paika-ika na sa pag-lalakad."

Wow. So he already saw me fall, but he chose to lurk than help immediately. Whatever, I don't really care. I did not listen to them anymore and just focused on my aching foot, massaging it.

"Huwag mo nga galawin yang paa mo Shaelynn at baka lumala pa yan. The family doctor is on his way." I cringed and did not stop massaging my foot, and in the end I squeaked in pain.

"Stubborn." Naring kong bulong ni Drexell. At talagang nahiya pa siya sana nilakasan na niya ang pag-sabi tutal naririnig ko naman. Tinignan ko siya para irapan but I only see him staring blankly at me. Nagpa-alam na si Drexell kay mommy dahil aalis na daw siya at may appointment pa siya.

I was hesitating if I'd say thank you or not , but because I was hesitating too much, umalis na lang siya di parin ako nakakapag-decide. I'd probably say "thank you" when I bump into him next time.

At 'di rin nag-tagal ay dumating na ang doctor at tinanong ako kung anong nangyari, and he immediately assess my foot. He bandaged it and bawal ko raw basain for 5 days.

Five days. Five days!

Bakit ba kasi ako dinalaw ng katangahan.

Tinulungan ako ng doctor at ni Lina paakyat sa kwarto ko at umalis na rin sila agad nung nakaupo na ako sa kama ko.  I coughed and I felt the muscle in my stomach clench that I immediately place a hand on top of it.

Damn! Ngayon pa talaga ako dinalaw!

Lunes na at may crutches ako and I feel weak! Tapos ung titig pa ng mga ignoranteng istudyante na para bang first time makakita ng taong may crutches. Nakakairita kaya di ko na alam kung ilang tao na ang nairapan ko at papasok pa lang ako sa klase sa lagay na yan. Unluckily, today is the official start of the school year and I really had to go to class like this. 

Ang saya lang.

Late na ako sa klase lalo na't di ko pa tinaggap ang tulong ni Mang Kiko na ihatid ako sa klase ko. Tapos nasa second floor pa ung classroom ko. Can this day get any worse?

Paakyat pa lang ako sa stairs ng may narinig akong tumatakbo sa may direksyon ko kaya gumilid ako onti dahil baka mabunggo nila ako at madoble pa ang sprain ko naiimagine ko pa lang na magwwheelchair ako ay napangiwi na ako ng bonggang bongga.

Tumakbo ung babae sa taas ng stairs but she paused half way to look at me.

"Shae! Jusko anong ginawa mo at nagkaganyan ka! Tulungan na kita." Tinignan ko si Eca and I'm about to say no but then looking at the stairs, it seems like I really need some help.

The Uptight Brat (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon