Prologue

1.1K 25 0
                                    

ManuelxJhunel Fanfiction

Writers : fishfillei and useyoursole

© ORIGINAL STORYLINE.

For more stories visit : www.wattpad.com/user/fishfillei or www.wattpad.com/user/useyoursole

**

“Pasensya na, pero sa tingin ko talaga mas gusto ko si Manuel kesa sa’yo. Pasensya na, Jhunel, pero makakahanap ka rin ng babaeng para sa’yo.”

Naisuntok ko ang kamaoko sa pader na katapat ko na naging dahilan para mag-crack ang bahaging natamaan ko. Nakakainis, bakit sya ‘yunggusto ng babaeng mahal ko, bakit sya ‘yung pinili nya e mas  gwapo ako dun? Mas sikat ako, mas matalino ako. Kung tutuusin, mas ‘perpekto’ ako kesa sa Manuel na ‘yan.

Simula ng lumipat sya dito, sinira na nya lahat. Sya na ang nanguna sa klase, at ngayon pati babaeng mahal ko… Nakakainis.

Padabog akong naglakad papunta sa motor ko ng may naramdaman akong kakaiba. Tumingin ako sa mga braso ko at—tsk tsk. Sabi na kasing ‘wag masyadong galitin ang sarili e.

Nagmadali akong pumunta sa likod ng school kung saan tago at maraming halaman, sakto para hindi ako makita ng ibang tao. Magpapalipas muna ako ng galit.

Nandun na ‘ko ng may bigla akong narinig na alulong. Teka, meron bang isa pang lobo dito? Hindi ba bihirang magkaroon ako ng kauri dito… sa katunayan wala nga ata akong kauri dito sa lugar namin.

Napatingin ako sa likod ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. S—sya ba talaga ‘yun? Imposible….

Ngayon nagkakaroon na talaga ako ng interes dito sa Manuel na ‘to.

**~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

TAAAA! Isa uling story. Okay, ang baliw ko. Hindi pa nga ako tapos sa tatlo kong story e… Pero kating-kati na ‘kong i-post ‘to. Ay, ito po ay purong kaseryosohan na may halong kalokohan? O purong kalokohan na may halong kaseryosohan?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ito ang ipinion ni fishfillei-Tsaka po please, ‘wag nyo po sana akong husgahan. Na-inspire lang po akong gawin ‘to dahil na rin sa mga nishi-ship kong Yaoi Couple sa K-Pop… Pero hindi po ako fan ng mga boyxboy na seryoso. Wala po sanang mag-isip ng ‘ganun’ tungkol sa’kin…

Ito naman kay useyoursole- Umm ayos lang sakin ung bxb or yaoi love kasi ang cute nilang tingnan (babae ako) hehe ako nagsabi kay lei na maguslat ng ganto 

Mag exexplain ako haha hindi na kailangan yon :D

Well eto ang chapter 1 namin ni fishfillei  Enjoy :D

Be my Own BoyxBoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon