Chapter 5

431 11 5
                                    

Writers : fishfillei and useyoursole

 Potato_Banana made the cover so thank you very much, And you guys check out her story at 

Www.wattpad/user/potato_banana

© ORIGINAL STORYLINE.

Be My Own. | Chapter  5

 ~Where the  love is there is life 

“GIIIIIIIRLS! Nandyan na si Prince natiiiin!”

“OMG! PRINCE MANUEEEEEEEL!”

“SHEMS FAFA MANUEL WHY SO GWAFUU?!”

Tilian. ‘Yan ang maririnig mo kung nasa hallway ka tuwing umaga. Sya lang rin ang makikita mong tinitilian tuwing umaga ng limang araw ng pagpasok mo sa school—si Manuel Lim. Gwapo, mabait, mayaman. Kung tatanungin mo, halos nasa kanya na lahat.

“Salamat.” “Hello rin sa inyo.” “Hi.” ‘Yan naman ang mga karaniwan nyang sagot.

“Hi Manuel!” bati ng isang babae. May hawak syang box sa kanang kamay nya at maliit na envelope naman sa kaliwa. “Ako si Erika.” Inabot ng babae sa kanya ang mga dala nito. “Para sa’yo. Sana magustuhan mo…” nahihiyang sabi nito.

“Salamat ah. Syempre magugustuhan ko.” Kasunod ng mga salitang iyon ang isang matamis na ngiti.

“A-AH! TAMA NA!” sigaw ng isang lalaki, pero walang nagawa ito para tumigil ang iba pang lalaki na walang ibang ginawa kundi suntukin, sipain, at saktan sya—hindi lamang sa pisikal na paraan, kundi pati emosyonal.

“Ano, ha?! Lalaban ka pa?” sinipa syang muli ng isang matangkad na lalaki. “Sagot!” isa pang sipa ang natanggap nya ng hindi sya sumagot.

“H-hindi n-na…” hirap na hirap nyang sagot.

“HINDI KO NARINIG! LAKASAN MO PA!” sinuntok sya ng isa pang lalaki sa kanyang tiyan.

“HINDI! HINDI NA ‘KO LALABAN!” malakas ngunit hirap nitong sabi. Ngumisi ang mga lalaki at iniwan syang mag-isa doon.

Umiikot ang paningin nya. Sa gilid ng kanyang singkit na mata ay patuloy na tumutulo ang mga luha.

Tumayo sya kahit hirap na hirap at isinandal ang kanyang kamay sa pader para makakuha ng suporta. Dahan-dahan syang naglakad.

“Jhunel?” napatigil sya ng marinig nya ang boses na ‘yon. Hindi sya makagalaw, at lumakas ang tibok ng puso nya. Biglaan ay nanginig ang mga tuhod nya at naramdaman nyang gusto nyang umiyak ng umiyak.

Nakarinig sya ng mga yapak na palapit sa kanya. Ang ritmo ng pagtama ng sapatos sa semento ang tanging maririnig sa paligid nila. “Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa’yo?”

Isang buwan. Isang buwan nya ring hindi narinig ang boses na ‘yon… Ayaw nya mang aminin ay alam nya sarili nyang na-miss nya ang boses na ‘yun.

“Manuel?” Isang boses ang umistorbo sa kanilang dalawa. Napatingin sya sa direksyon kung sa’n nanggaling ang boses at pakiramdam nya ay bumuhos ang ulan sa itaas nya.

Tss, isip nya, buwiset. Mas gwapo ‘ko d’yan, bakit ba lagi na lang sya ‘yung kasama ni Manuel?

“Ah, Jake !” tumingin si Manuel kay Jhunel at nginitian sya nito. Huminto sa isang saegundo ang tibok ng puso nya, at namula ang magkabila nyang pisngi. “Sige Jhunel, alis na kami. Puntahan mo ‘ko pagkagaling mo sa clinic, baka mapahamak ka pa e.”

Tumango sya. Wala syang balak pumunta sa clinic.

“’Wag na ‘wag mong subukang hindi pumunta sa clinic.” Banta ni Manuel, na para bang nabasa ang isip nya. Tumango sya.

“Tara na, Jake .” Inalok ni Jake ang kamay nya na tinanggap naman ni Manuel. Naglakad sila ng magka-hawak ang kamay palayo sa kanya.

Sana sya na lang ‘yon, sana sya na lang ‘yong kahawak ni Manuel, ‘yong kasama ni Manuel palagi. Nainis sya bigla, at sinuway ang utos ni Manuel na pumunta sa clinic.

Oo, isip nya, siguro nga nagseselos ako—hindi. Nagseselos ako.

Tumayo sya at umalis siya jhunel sa lugar na punagbugbugan sa kanya at umupo na lang siya sa bench sa labas ng School nila

tumingin sya sa langit at biglang napaisip na Dati nung wala pa si Manuel dito sa lugar namen hindi ako nabubugbog, lahat ng babae ay nagkakagusto sa kanya at hindi sya nagkakaganto parang ung puso nya sasabog pang anjan si Manuel 

Sinusubukan nyang hindi umiyak pero hindi nya kaya kinuha nya ang panyo niya at umiyak hagang kaya nya 

-Sana - Sana kung tinanggap ko lang si Manuel hindi ang magkakaganto sabi nya sasarili nya pero hindi na nya mababago ang nakaraan 

At tinanggap nya nalang ang pangkasalukuyan at nagnanais na maging mabuti ang hinaharap para sa kanya 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Written by: Fishfilei and Useyoursole 

--- Oh bumawe si Fishfilei ngayon ahhhhh.............

HAHAHAHA 

May mga bagay na pagsobra ay nakaksama katulad ng pangaasar ko kay ____ sobra na nagagalit na sya hahaha XD

~Useyoursole

Galit na ho ang dalawang bida na si Jhunel at Manuel

Manuel: Jhunel alam mo ba si __aKO____ AT si ___ Fishfilei___ isinulat tayo ng story

Jhunel: Oo nga ehh nakakainis sinasama pa ung iba nating kaklase

Mga kaklase Oo nga ginagawan kami ng story

Ako naman ngaiting maloko si fishfiLei naman ehhhh.... ewan  na muhahahah XD

Be my Own BoyxBoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon