Kabanata 1: Chaos

24 2 0
                                    

“Napakapalpak naman kasi ni kupido!”

Kasama ko ngayon ung barkada ko. Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian dito sa batibot nang biglang humagulgol 'etong si Joyce. Paano ba naman kasi? Nahuli 'ung dyowa niya na nambababae.

“Wala ka kasing kadala-dala!” sermon ng kabarkada ko na si Kim. “Pinagsabihan ka na namin na 'wag patulan si Daniel pero ginawa mo pa rin! Eto ngayon ang huli, at ngayon nagsisisi ka na? Wala ka nang magagawa. Nangyari na ang nangyari.”

“May punto ka twin.” kampi naman ng kakambal ni Kim na Kurt, na kapwa kabarkada din. “Kung makapagpalit ka ng kinahuhumalingan akala mo breakfast, lunch, at dinner eh.”

Parehas silang may itsura. Parehas silang matalino. Well, si Kurt matalino sana, punong puno nga lang ng kalokohan ang utak, samahan mo pa ng dumi. Lahat ng lalaki sa barkada namin madumi ang utak. Hay, boys and their thoughts. *iling iling.

Si Kim naman, mahilig manermon. Sigaw dyan, sigaw dito, sigaw doon. Kahit siya Na ang huling nakaalam, siya at siya parin ang manenermon. Di na ko magtataka kung bakit siya ung nabunot ng klase namin na maging presidente at peer counselor.

Sinamaan siya ng tingin ni Joyce bago tanggalin ang salamin at punasan ang luha sa mga mata. Hindi naman siya mukhang nerd. Maganda siya, hindi din ganun ka talino. Mukha lang siyang gangster na babae.

“Speaking of the gago naman.” irap ko nang napansin ko na papalapit si Daniel sa 'min kasama 'ung haliparot niyang siyota na si Clarisse.

“Pare!” akbay ng kabarkada kong si Benedict Kay Daniel na ikinagukat nilang lahat. “Bagong chix ah? Ano 'un? Breakfast, lunch, and dinner ang pagpapalit?” sambit niya nang siniko siya ni Kurt sa tagiliran.

“Ang gaging 'to. Mangnanakaw na nga ng babae, pati linya ko dinamay.” bulong niya na narinig ko naman.

Sa aming walo kasi, ang pinakaplayboy ay sina Benedict at Adrian. Si Benedict, kilalang kilala sa school bilang ang dakilang playboy. Halos lahat yata ng babae sa batch namin nakarelasyon niya na.

Si Adrian naman, patagong playboy. Magugulat ka na lang, iba na ung kasama niya kumpara sa kahapon. Pero, nagagawa pa rin niyang linisin ung pangalan sa di malamang paraan kung paano.

“Ano bang problema mo Benedict? Kita mong may kasama ako diba? Tungkol ba 'to kay Joyce?” pagkasabi ni Daniel nun, napatingin siya kay Joyce na kung kanina, walang ekspresiyon ang mukha, ngayon nakataas ang isang kilay.

“What makes you think na dahil sa kanya 'to?” tanong ng kabarkada kong si Christine. “'Di ka pa ba nakaka move-on kaya ngayon gumamit ka ng panakip butas?”

Lahat kami ngayon ay napa 'ohhhh' sa sinabi ni Christine. Burn, asshole, burn. Nakakunot na ngayon ang noo ni Daniel at Clarisse.

Si Christine naman, maganda, medyo matalino. Siya ung pinsan ni Adrian. Siya naman ung mapambara samin. Siya din ung mabilis tumakas ang luha mula sa mata. Iyakin talaga eh, unlike his cousin.

“Hindi. Hindi ko lang talaga siya type kaya ako nakipagbreak. Masyadong sadista. Nakakasawa!”

“Anong sinabi mong gago ka tungkol sa kaibigan namin?!” akmang susuntukin na siya ng kabarkada kong si Lance pero pinigilan naman siya nila Kurt at Adrian.

Si Lance naman ung pinaka basagulero samin. Laging may pasa sa mukha o di kaya'y sugat sa katawan. Bakit mahilig mang-away? Brokenhearted. Crush kasi niya si Christine, dati pa, actually. Kaso may nag-iisang ex si Christine na hanggang ngayon ay mahal pa niya.

Nung nalaman ni Lance ang nangyari, sumugod siya sa bahay ni ex at walang-awang sinapak, pero di alam ni Christine. Samin lang un, since di alam ni Christine na may gusto sakanya si Lance. Eto namang si Christine ay pusong bato. Ewan ko ba sakanya.

Akmang susugod din si Daniel pero hinawakan ni Clarisse ang braso niya na mukhang takot na takot.

“Ang kapal naman ng mukha mong pagsabihan si Joyce ng ganyan! Atleast siya, kahit mahilig manghampas o mangurot, kaya niya sarili niya! Eh yang babaeng yan? Sigawan lang, takot na!” lumapit si Kim kay Clarisse. Nagulat kami ng nagsabunutan na silang dalawa.

“Sinong takot?! Walanghiya ka!” sigaw ni Clarisse nang lumapit sila Christine sakanila para pigilan.

Lumapit naman si Joyce kay Daniel habang hawak hawak ito nila Lance at Adrian. Sila Kurt at Benedict naman ay tinutulungan sila Kim at Christine, na ngayon ay nakasali na rin sa sabunutan.

Nakita ko na sinampal ni Joyce si Daniel. Isang malakas na sampal. Di pa humaharap si Daniel kay Joyce nang magsalita siya.

“Ipapaapam ko lang sayo, na kahit hindi na tayo, kayang kaya at pwedeng pwede parin kitang saktan. As you said, I'm a sadist, right?" She smirked.

“What makes you think na may karapatan ka pang saktan ako? You are not my girlfriend, Joyce, and you NEVER were.”

Halatang nasaktan at nagulat si Joyce sa sinabi ni Daniel ngunit di Na siya nagpakita ng ekspresiyon. Sasampalin Na sana siya ni Joyce pero lumapit ako at pinigilan siya.

“I'll take it from here.” hinila ko siya papunta sa likod ko at sinulyapan siya pagkasabi ko nun. She just smirked.

Hinarap ko ulit ang gagong Daniel na ngayon ay nakaharap Na din sakin. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa, sa sobrang lapit, ramdam ko ung malalim niyang paghinga.

*PAK

“That's for making Joyce one of your flings.”

*PAK

“For breaking her heart.”

*PAK

“For calling her a sadist.”

*PAK

“For the riot you've caused.”

Halatang gulat na gulat siya sa mga sampal Na ginawa ko. Yan. Ganyan ung reaksiyon ni Joyce nung nakita kang may ibang babae. Suffer the pain, asshole.

Akmang sasampalin ko ulit siya pero may pumigil sakin.

“Stop it, Isabelle.” sabi nung pamilyar na boses sa likod ko. Lumaki ang mga mata ni Lance at Adrian at binitawan si Daniel.

Unti-unti akong lumingon. Gosh, I wish I hadn't. “D-David?” yung crush ko. Shiet.

“Kuya?” sabi ni Daniel sa likod ko.

Magkapatid sila?!

Oh, fuck.

~~~~~

May 4, 2016

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon