5:

5 0 0
                                    


Pagdating namin dito sa condo ni Zion, Nagpalit kaagad s'ya ng damit naghubad pa nga ng tshirt sa harap ko. Napanganga ako sa perfect body n'ya, Nag momodel din pala s'ya sa superbods. Kaya pala pinagmalaki n'yang finollow s'ya ni Anne Curtis sa lahat ng Social Media n'ya. Paano ko nalaman? Edi pinagmalaki n'ya kanina.

'your so swerte sa boyfriend mo.' Yan ang saktong words na sinabi n'ya, humangin nga ng sobrang lakas kanina pero kahit ganun hindi nakaka turn off ang gwapo eh.

"Babe." I was shock sa bigla n'yang pagtawag saakin

"AY BOYFRIEND KONG GWAPO!" Inaamoy n'ya yung leeg ko, jusko! Sineseduce ba ako ng boyfriend ko?!! Halos hindi ko mamalayan na nasa tabi ko na pala s'ya kakaisip ko sa kanya.

Natawa s'ya sa sinabi ko, Tawa lang pero hindi humihinto sa pag amoy sa akin, "Zion, 'di pa ako naliligo." Lumayo ako sa kanya, pero sa kakalayo ko napahiga ako sa sofa. Nilapit n'ya ang mukha n'ya sa akin, OMO! Is he going to kiss me. Di'ba kasi may kasabihan na 'Seal with a Kiss'

"Kaycee?" He said, nakaupo na s'ya kaya umayos ako ng upo. Ngayon lang n'ya ako tinawag sa pangalan ko.

"Uhm, I don't know how to start this but babe, I will do whatever you wanted, I will be there when you need me, Just give me time on fixing my last issue, I may not be the perfect guy for you but i promise we will fit." He said and my heart drop. ewan ko parang nakakalungkot lang na hindi kami magiging legal sa ibang tao.

"Ok lang naman di'ba? You can wait naman di'ba?" Ano pa nga bang magagawa ko? Wala akong ibang choice, Nahuhulog na ako sa lalaking 'to.

"If I fall will you catch me?" Tanong ko, ayokong masaktan lalo na't una ko 'to. Ayokong magka trauma na katulad ng sa ibang babae. Ayokong umasa sa wala.

"Of course, I will be and before you fall so hard I want you to know that I've fallen" He said looking at me, Ito na talaga konting push na lang.

"Are you hungry na?" Tanong n'ya at dumiretso sa kusina pero nakikita ko parin naman s'ya pag humarap nga ako para akong nanunuod ng cooking show. hindi ako sumagot kasi nagkalikot na s'ya don..

Nagbukas ako ng twitter sa phone ko nilagay ko sa search bar: Zion Alcante lumabas naman na Private yung account n'ya? Should I follow him o should I wait na s'ya ang mag follow sa akin? Chineck ko sa Instagram naka Private parin! ano ba yan! sa Facebook ang daming pangalan n'ya. I'll wait for him nalang na s'ya ang mag follow at mag-add sa akin. Ayokong manguna.

"By the way babe my cousin Aiko and Yves will share dinner with us, Just a little bonding and celebration I guess?" Nanglaki ang mata ko. As in now na? Wala manlang akong time na magayos. Agad akong tumingin sa salamin, Ang oily ng mukha ko malamang mabaho narin ako kasi wala pa nga akong ligo.

"It's fine." sabi n'ya ng biglaang nasa tabi ko nanaman. "..Kahit magmukha ka pang pagit sa harap nila mas ok 'yun, para hindi ka nila ma-type-an, magugustuhan ka nila kahit ganyan ang itsura mo, kahit sino ka pa matatanggap ka nila." Wow! kanina straight english ngayon naman tagalog.

"Sure ka ha, kamusta yung niluluto mo?" tanong ko, ngumiti s'ya at nag thumbs up. Magandang balita di'ba. First time kong makakain ng luto ng isang Zion freaking alcante.

So I took a photo na kasama s'ya stolen nga lang.

"Tell me about them naman para hindi ako mangapa." Nakaupo kami dito sa couch n'ya.

"Aiko is a good man and Yves is full of jokes, Parehas playboy, Parehas may kalokohan sa katawan. I know you'll like them, They are my best buds" Pinsan na n'ya bestfriend n'ya pa. Swerte naman kasi di'ba? wala akong ka-close sa mga pinsan ko, minsan simpleng kamustahan lang.

My Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon