7:

3 0 0
                                    

Lahat kami may kanya kanyang pinag bi-busyhan.

Si Aya sa boyfriend at sa work nya, si Yna naman sa pag da-drive at gabi gabi na pag ba-bar.

Ang Alcante cousins sa Sportsfest, si Zion balak agawin ang championship kaya ayaw magpaistorbo. Hindi pa kami naguusap ng personal, puro simpleng txt lang katulad ngayon

LIONKING:
Training na, ingat sa paguwi sorry hindi kita mahahatid.

Yan, puro ganyan lang ang text nya. Hindi na nga nag gu-good morning e.

Tinago ko yung phone sa bulsa ko, hindi ako nag reply kasi ganun din naman wala akong reply na matatanggap. Mag isa lang ako uuwi ngayon akin ang apartment ngayon.

***

Mag gagabi na ng makauwi ako sa bahay, nag take-out ako ng hapunan ko tinatamad akong magluto. Wala ako sa mood para magluto, gusto ko lang manuod o magbasa para matahimik lang ang mundo ko.

Pag uwi ko ng apartment hindi muna ako nag bihis, sumalampak ako sa sofa habang nanunod ng NBA playoffs. OKC vs. GSW talo golden state warriors 102 - 108. Talo yung manok ko.

Ng makaramdam ako ng lagkit sa katawan ko naligo muna ako at kumain. 6pm na malamang tapos na training ni Zion pero wala parin syang text.

"Nakakabaliw naaa" bumuntong hininga ako. Nagsasalita na ako na ako magisa. Napasabunot ako sa buhok ko.

"Makaalis na nga lang." Nagpalit ako ng maong short itong tshirt na suot ko kumuha ako ng pulang kicks. Binulsa ko ang wallet at phone ko.

Naglakad lakad ako at hindi ko alam kung bakit dinala ako ng paa ko sa Haut. Pero wala akong balak uminom. I-txt ko kaya si Zi? Eh anong sasabihin ko? Nilabas ko ang phone ko.

'Nasa Haut ako'

2 minutes walang reply, bumuntong hininga akong naglakad sa pinakamalapit na park, sa swing ako dumiretso. Maya maya may tumawag sa pangalan ko. Sino yun?

"K!!" Sila Yves yun! Busy sila sa sportsfest ah? Tapos nasa Haut lang sila? Kasama kaya nila si Zion?

"Is that you?!" Sigaw nya mula sa malayo. Bakit kaya? Lumapit sya sa akin.

"Zion called us bakit ka nqsa Haut?" Tinaas baba ko ang balikat ko tapos nag dial sa phone nya.

"Bro? Shes with me" nakatingin sya sakin. "Ok" pinatayo nya ako mula sa swing na inuupuan ko.

"Zi called us, hindi ka daw nya kasi masusundo hahatid ka namin sa condo nya?" Humihingi sya ng assurance kung gusto kong sa condo o apartment.

"Kaya ko naman umuwi magisa Yves" sabi ko habang naglalakad kami papuntang kotse nya.

"You know Zi would kill me if I let you go" sabagay.

"Yow K!" Aiko hugged me ng makarating kami sa sasakyan ni Yves na Montero Sports. Pumasok ako sa backseat si Aiko sa passenger seat at ang driver si Yves.

Bakit ayaw kong sa condo ako ihatid nila Yves? Kailangan kong magpa miss. Hindi yung ako lang ang nakakamiss sa kanya, unfair yun.

"Sige na, kaya kong umakyat." Pinigilan ko silang ihatid ako sa apartment, nasa 4th floor kasi yun. Hinatid na nga nila ako dito eh.

"Ano bro?" Tanong ni Aiko..

"Umakyat kana K." Niyakap nila ako bago umakyat ng 4th floor.

***

My Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon