Chapter 2: Aphrodite
Carrie's PoV
"I think ito na yung room natin." Sabi ko sa kanila habang tinitignan ang number na nakapaskil sa tabi ng pintuan.
"Whose going to knock?" Tanong ni Sena kaya nagkatinginan kami.
"Not me. Poker face mukha ko. Baka magalit lang ang teacher." Ryka. Buti inamin niya -__-
"Baka magdaldal lang ako." Palusot naman ni Dale.
"Mas bawal ako. Masyado akong maganda."
"What a lame excuse, Ariel." At umirap pa ako. Tinignan ko si Sena at agad siyang nagreact.
"No! Hindi me! I'll conyo sa front ni teacher for our first day?!" Angal naman niya that leaves me no choice.
"Hehe, bait mo talagang leader, Carrie." Sabi ni Dale at minassage pa ang balikat ko na parang sasabak ako sa bugbugan. Ugh.
*Opens the door
"Sorry po we're la---" WTF?!
"IKAW?!" Sabay naming sigaw. Ugh! Sa lahat ba naman ng tao, siya pa ang bubungad sa mukha kong dyosa!?
"Anong ginagawa mo dito!?" Si kwago. Oo, yung kwago kahapon sa mall.
"Dito ako nag aaral, bakit, angal ka? Iyo toh?" Pambabara ko at inirapan niya ako. Ha! Daig niya pa ang may red day sa kasungitan niya eh. -__-
"So kayo yung transferees?" Biglang harang ng isang lalaki sa mukha ni kwago. Matangkad siya, gwapo, pero mukhang marami nang nalokong babae. Halata sa mukha.
"Yeah." Bored na sagot ko pero nagulat ako nung hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. Yuck!
"Kadiri ka!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya at nagulat naman siya. "Hoy, mister, kung sino ka man, wag kang manghahalik ng kamay ng babae basta basta! Psh. Di ako malandi tulad mo! Arghh!" At nilagpasan ko na siya. Nakita ko na unahan lang ang may bakanteng mga upuan kaya dun kami naupo. Wala pa palang teacher.
"Ariel, dito ka sa tabi ko--- Ariel?" Hinanap ko agad si Ariel na wala na sa likod ko. At ayun -__- lahat sila may kanya kanya nang buhay pag ibig. Like yuck!
"Hi, miss. Ako nga pala si Drent. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong nung lalaking humalik sa kamay ko kanina kay Ryka pero sinamaan siya ng tingin nito. Uwaah! Go Ryka! Wag mong pansinin yan! Daanan mo lang!
"Bakit?" =__= pinansin niya.
"Para malaman kung bagay ang apelyido ko." Sabay wink pa niya. Sarap dukutin ng mata!
"Pakyu ang pangalan ko. Pakyu." At nilagpasan na siya ni Ryka. OMG! HAHAHA! Barado ka ngayon! Napa smirk ako sa ginawa ni Ryka at tinaasan ng kilay si Drent pagkatingin niya sakin kasi sa direksyon ko pumunta si Ryka.
"Ryka, ang galing mo talaga." At nag thumbs up ako sa kanya at nag apir kami. Hinanap naman ng mata ko si Ariel. Ahh... Kung nandito si Kwago, malamang nandito ang crush niya. Ayun, pinipicturan niya ng stolen.
"Ariel!" Tawag ni Ryka. Kaya agad na lumapit samin si Ariel na ang lapad ng ngiti.
"Bakit? Hihihi!" At kinikilig pa siya ah?
"Maupo na tayo. Nasan sina Sena?" Tanong ko pagkaupo namin at napatingin kami ng sabay sabay sa likod kaya nakita namin ang scene ni Dale at nung pinakabata yata sa grupo nung kwago. May hawak kasi na maliit na piano. Yung pambata. Eh mahilig sa piano yang si Dale kaya nakisingit.
"Ang galing mo! Alam mo rin ba yung sa Fur Elise?" Tanong niya kaya napalingon yung lalaki sa kanya.
"A-ah oo. Ako nga pala si Jethro." At nilahad niya ang kamay niya kay Dale.
"I'm Dale. Transferee dito sa room niyo. Okay lang bang tabi tayo? Mukhang wala ka namang seatmate eh." Sabi niya at tinuro ang upuan. WHAT?! Ipagpapalit niya kami?! Unbelievable!
"Sure."
Sure?! What the--- tatayo na sana ako para hilahin pabalik dito si Dale pero pinaupo ulit ako ni Ryka at tinuro si Sena na maarte sa lalaki.
"Hi, I'm Sena." Sabi niya sa lalaking nagbabasa ng libro sa isang gilid at titig na titig lang siya dito. Ugh! Taob naman tong mga babaeng toh pagdating sa gwapo!
"Uh... Renz." Sabi na lang nung lalaki at ngumiti kay Sena tapos binalik ang tingin sa libro. Si Sena, ayun, nagbeautiful eyes pa.
"Gosh! Ano bang nangyayari sa kanila?" Tanong ni Ariel. Aba! Siya pa may ganang magtanong eh isa rin naman siya sa kanila kanina.
"Wala namang gwapo sa kanila pero kung makapagreact kayo parang ngayon lang kayo nakakita ng ganyang tao. Psh." Inis na sabi ko. Kaso ayos na sana eh, bigla lang umepal ang leader ng Blocks na toh!
"Ano namang kailangan mo?!" Tanong ko sa kanya pero umirap muna siya bago sumagot.
"Gusto ko lang IPAALAM sa iyo, na ako, ang President ng student government. Lahat kaming nandito, BAGO kayo dumating ay kasapi nun kaya siguro naman, maiintindihan mong, KAMI ang namumuno at WAG mo nang subukang banggain ulit kami OR RATHER ako." At nilagpasan na niya ako.
"He's unbelievable!" Sabi ko
"He's hot." Asik naman ni Ryka kaya nandidiring tumingin ako sa kanya.
"It's the first time I heard you say that. Di ko alam kung matutuwa ako o hindi." Pwedeng hindi kasi sa maling tao niya sinabi. -__-
-Lunch time-
We spent our freakin' 4 hours for just hearing their plans for that freakin' event. Like what the fck?! Wala man lang teacher na pumasok! Ni isa!
"Nakakainis!" Asik ko sabay nagpangalumbaba sa table. Nasa loob kami ng cafeteria at kasalukuyang kumakain sila. Wala akong gana.
"Chill, Carrie. May likod ka pa. Wag mong dibdibin." Sabi sakin ni Ariel na katabi ko.
"Ang tanong, may dibdib ka ba?" Biglang singit ni Dale kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Nakakairita kasi!" Sabi ko na naman. Di talaga ako makarecover. Dinala kami sa isang section na wala kaming natututunan!
"I think I should ask tita na lang." Sabi ni Sena. Yeah, tita ni Sena ang Principal.
"Mas mabuti pa nga. Bakit naman kasi dito pa naisipan ni Frank na paaralin tayo!" Reklamo ni Ryka. Frank is our manager.
"Ah! Naalala ko yung sinabi sakin ni Jethro kanina." Biglang sabi ni Dale kaya natuon ang tensyon namin sa kanya. "Kaya yata walang teacher dahil pina establish ni---... Yung lider... Anong pang--- ah! Troy! Nung Troy na para daw sa student government ang Aphrodite. It's a special section. Sa sobrang special, wala nang nagtuturo na teacher kasi para sa matatalino lang yun. And..." Bigla siyang bumulong "Sa may mga connections." At pinagpatuloy niya na ang pagkain niya.
"So kaya tayo nilagay ng tita ni Sena dun? Ahhh." Sabi ni Ariel at napatango tango.
"G-gi-girls, I gotta go! I better go now! Let's see each other later na lang!" Bigla namang kumaripas ng takbo si Sena palabas ng cafeteria kaya nagtaka kami.
"What's her problem?" Tanong ko pero kinulbit ako ni Ryka at tinuro ang glass wall kaya nakita ko sa labas si Sena na nagbe beautiful eyes kay---
"Renz? -__- seriously?" Giit ko at ngumiti lang sila sakin. Pwera kay Ryka.
Oh gosh. I think my band is feeling something they shouldn't feel.
---------------------
BOOM! SABAW!
BINABASA MO ANG
Palace Academy: Lovefire
Teen FictionSa Palace Academy, sikat na sikat ang limang lalaki dahil sa angking kagwapuhan at karisma nila. Hawak nila ang Student Government at batas sila ng eskwelahan. Kumabaga, sila ang HARI ng eskwelahan. Pero biglang dumating ang oras na nakahanap sila n...