Chapter 1: Leaders

310 10 0
                                    

Chapter 1: Leaders

Carrie's PoV

"Ugh! Manahimik ka nga muna, Dale! Ang ingay mo. Di na ako makapanood ng maayos!" Sigaw ko kay Dale na kanina pa kwento ng kwento tungkol sa byahe namin mula Paris pabalik ng Pilipinas.

"Ang Kj mo talaga! Makinig ka na lang din kasi sakin! Panoorin mo na lang sa youtube yan!" Sigaw niya pabalik at akmang kukunin yung remote pero pinalo ko kaagad ang kamay niya.

"Dun kayo sa kwarto magkwentuhan." Utos ko sabay death glare sa kanila kaya wala silang nagawa kundi sumunod. Silang tatlo lang nina Sena at Ryka ang magkakasama kaya nagtaka kaagad ako. "Ryka, asan si Ariel?" Tanong ko tapos tinignan niya ako gamit ang mata niyang nakakatakot tignan -__- napaka poker face naman kasi.

"Nandun, sa tindahan. Nakita ko, nakapakete na at tig-7.50 lang." At iniwan na ako sa salas. Nakapakete?! Si baby Ariel ko?!

"Hey, don't histerical nga, nagjo-joki joki lang si Ryka. Ikaw naman, masyadong believer!" Sabat ni Sena. -__- buti na lang at nasanay na ako sa kanya kaya naintindihan ko.

"Eh saan ba kasi siya nagpunta?" Tanong ko.

"As usual, stalking sa fafable niya." At pumasok na siya sa kwarto ni Dale. Oh. Hahaha! Di ko kaagad naisip yun ah. Si Ariel kasi, simula bata kami niyan, may crush na siya. Hanggang ngayon gusto pa rin niya at palagi niyang ini-stalk kahit nasa Paris kami. Di ko alam pangalan pero cute nung bata pa siya. May picture kasi si Ariel nun.

Magpapakilala muna ako. I'm Carrie Fera Bayford. Ang leader ng CARDS. Siguro alam niyo na naman kung ano iyon. Nanggaling ako sa Paris at dun ko nakilala ang mga kabanda ko. Well, maraming branch ang tinutugtugan naming bar at bigla kaming nailipat dito sa Philippine branch that's why we're here. Ngayon lang din kami nakapag enroll sa isang elite school. Ang Palace Academy. Lucky us dahil may slots pa. Hindi pa naman kami tapos ang first grading kaya ayos lang. Nagtataka siguro kayo kung bakit ang galing namin magtagalog noh? Simula nang magkasama sama kamin which is 7 years ago, nagstart na kaming tumira sa iisang bahay at napagdesisyunan na tagalog lang kapag nasa bahay. Hello? Nakakasawa din magFrench at English dun.

"Carrie!"

"Anak ng kalabaw! Ano ba yan Ariel! Sabi ko sayo wag kang manggugulat eh!" Saway ko sa kanya at mahinang pinalo sa braso kaya nagpout siya. How cute!

"Ang bad mo talaga. Psh. Samahan mo naman ako sa mall oh!" At lumingkis siya sa braso ko. Parang bata talaga.

"Bakit naman? May kailangan kang bilhin?" Tanong ko pero umiling lang siya. "Eh ano?"

"Nandun si crush. Hihi! May kasama silang girl ng mga tropa niya. Hindi ko masundan ng maayos kasi halatang halata ako sa mall na sumusunod! Hehe, para masaya, sama ka." Sabi niya at nagpuppy eyes pa. Ano pa nga bang magagawa ko?

"Magbibihis lang ako." At tatayo na sana ako pero hinila niya ako pabalik.

"Wag na! Baka di natin maabutan! Maganda naman suot mo eh!" Sabi niya at hinila ako pero hinigit ko ang sarili ko pabalik.

"Hindi ako nakabra! Tss. Di ako pupunta dun ng walang bra." Sabi ko kaya napa-ahh na lang siya. You know, kapag nasa bahay, di na kami nagsusuot ng ganun kasi puro babae naman kami at mainit sa Pilipinas.

-Mall-

"Saan ba dyan ang crush mo? Wala namang gwapo eh!" Bulong ko sa kanya. Nasa isang fasto food chain kami at para kaming baliw na nagtatakip ng mukha gamit ang tissue. May napapatingin tuloy samin.

"Ayun siya oh, nakasuot ng poloshirt."

"Lahat sila naka poloshirt. Anong kulay ng damit?" Tanong ko

Palace Academy: LovefireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon