KREID 5

38 5 0
                                    

"Kiss, kiss. Bang, bang."

ETHAN's Voice

Heto na! Ayan na ang result!

"So...base on our observation....ang bagong band na matatanggap sa Band Club ay ang....."

Announcement ni Aisha. Tumingin sa mga katabi niya, ang student council officers, di talaga ako makapaniwala na sila ang sikat na banda dito sa campus, ang D°XGRACE. At lalong di ako makapaniwala na kasali sa band ang Felicity na yun. Yung tumalo sakin sa drag race. Hay! Nakakabadtrip. Babae pa talaga.

"ay ang KReiD"

KReiD pala ang pasok--wait! Kami pala yun. Banda namin yun!.....Okay, expected na namin talaga yun eh! Wah! Ang yabang ko talaga pero deserving naman kami at nabighani talaga sila sa kagwapuhan at kagandahan ng boses namin. Hahahahaha!

"This calls for a celebration! Tara sa bar! Maraming chicks dun!" sinapok ni Kiezer si Kurt. "Yan ka na naman! Babaero!"

"Kayo talaga ang D°XGRACE?" ulit ni Daryl. Nagulat siguro.

"Hindi! Hindi kami yun! Sila yun eh! Sila!" sabi nung brutal sa kanila. Gab ata yun. Nakaturo siya dun sa iba pang nag audition.

"Siya?" tinuro ko si Felicity "Kasli ba talaga siya?"

"Uupo ba siya dito kung hindi, duh!" sagot nung Khai

Wala bang naririnig tong Felicity na to? Ang lakas ng boses namin tapos di niya naririnig. Tapos para pa siyang nagsasayaw habang nakaupo at tatango-tango pa. Baliw ba to?

"Bingi ba siya?" nagtatakang tanong ko

"Commom sense" sabi ni Khai sabay taas ng buhok ni Felicity na natatakpan ang tenga. Ah. Kaya pala, may earphone.

"Ano pa bang tinatayo niyo diyan?" Tara! Sa bar na!" panira ni Kurt

"Wait lang, hindi ba kayo sasama?" singit naman ni Kiezer

Aba! Bakit pa kasama sila? Okay lang naman pero dapat hindi kasama yung Felicity

"Bakit mo pa isasama sila? Lalo na yung Felicity?"

"Masama ba kaming sumama?" hala! nabadtrip ko ata si Gab

"Okay lang yan! Libre ko naman kayo kaya pwedeng-pwede kayong sumama!" yabang din nitong si Kurt akala niyo siya manlilibre pero sa huli kami parin magbabayad.

. . . . . . . . . .

* Bar *

Nandito na kami ngayon sa bar. Nakapagbihis na rin kami at hinihintay na lang namin sila. Pa VIP talaga yung mga yun. Anong oras na ba? Ang tagal ha! Nagpaalam muna ako sa kanila para umorder ng beer. Yung hard agad. Pagkabalik ko may nakita na kaagad ako ng babae na kausap sila Ice, Daryl, Kurt at Kiezer. Aba! Lakas maka chicks ng mga to! Huli ko nang marealize king sino ang babaeng kausap nila. Si Elie pala. As expected siya ang pinakaunang dumating. Inubos ko agad ang inorder kong beer at lumapit sa kanila.

"Wow! Is that really you, Elie?! Hahaha! Mas gumanda ka lalo!" puri ni Kurt. Tumango lamang si Elie. Hanggang dito ba naman Elie, snob ka parin?

Nakasuot si Elie na black spaghetti strap blouse na pinatungan niya ng maong na blazer at maong din ang shorts niya with her caterpillar boots na may heels. Kakaiba yun ah. Sangayon ako kay Kurt dahil iba nga si Elie sa suot niya ngayon kasi kapag nasa school, simple outfit lang suot niya pero halatang mahal.

*Whistle*

Bumalik ako sa sarili at napatingin sa sumipol na napagalaman kong si Kurt na nakatingin kay Khai? Si Khai ba to? Naka short siya na red at long back blouse and her red pumps.

LISTENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon