Dalawang araw na ang nakalipas nang makipagbugbugan kami ni Jai at medyo ayos na ulit mukha namin. Yung sugat nga lang ni Jai sa mukha ang di pa gaanong ok.
Pero ok na yung mga pasa niya ang wala na. Hanep talaga mag-alaga si Shar o!
Naglalakad kami nila Jai at Shar sa hallway nang nakita namin si Mikka kasama sina Alexis. Makakasalubong ata namin. Balak kosiyang kausapin pero mamaya na lang siguro.
Pero nagulat kami kasi Shar, pinuntahan niya si Mikka at mukhang galit pa siya. Sinundan namin siya.
Shar:"Mikka, mag-usap nga tayo."
Mikka:"O Shar, kamusta sina Nash at Jai? Sorry sa nagawa ni Aldrin. Nahihiya talaga ako."
Shar:"Wag ka na ngang magpa inosente. Kunware walang nangyari?"
Mikka:"Huh? Ano ba pinagsasabi mo?"
Shar:"Look, binugbog ng boyfriend mo sina Jai at Nash. Bakit? "
Lumapit na kami ni Jai sa kanila. Halata sa mga mata ni Mikka ang disappointment at loneliness.
Mikka:"Shar, maski ako, hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko nga may tinatago sakin yung boyfriend ko e."
Ako:"Anong ibig mong sabihin?"
Magsasalita na sana siya kaso naiyak na lang ito. Pinatahan siya ni Alexis pero hindi niya ito mapahinto kaya siya na ang nagsalita.
Alexis:" Nag-away kasi sila ni Aldrin nung tinatanong siya ni Mikka kung bakit niya yon nagawa sa inyo. Muntik na rin siyang pagbuhatan nito ng kamay."
Nagulat kami sa nalaman namin. Hindi ako makapaniwala na nagawa iyon ni ALdrin kay Mikka. Lalo lang akong nagalit sa kanya.
Sinubukan na rin ni Shar na patahanin si Mikka. Kung alam ko lang na ganito aabutin ni Mikka, sana hindi ko na siyang hinayaang mapunta sa lalaking yon.
Masama ang pakiramdam ko ngayon. Niyakap ko na lang si Mikka. Gusto kong ako na lang ang sumalo ng mga pasakit niya. Kasalanan ko din naman e. I feel guilty.
Hindi ko siya iningatan nung una kaya napunta siya sa maling tao. Habang yakap ko siya ng mahigpit, bumulong ako sa kanya.
Ako:"I'm sorry. Kasalanan ko lahat to."
Tumigil na sa pag-iyak si Mikka at tumingin sa mata ko.
Mikka:"Wala kang kasalanan, Nash. Don't worry, hindi ko naman pinagsisisihan ito e. Mahal ko si Aldrin and I know mahal niya din ako. We're just facing challenges as couple."
Napangiti ako. Nagbago ka na Mikka. You are a better person now. Bumitaw na ako sa pagkayakap ko. Tumingin ako kay Shar. Hindi ko lam kung totoo ang nakita ko or guni guni ko lang
pero nakita kong may luha sa gilid ng mata niya. Mukhang nagpipigil pero tumingin siya sa iba kaya hindi ko sigurado kung totoo yung nakita ko.
Jai:"Mikka, I know malalampasan niyo yan. Pero sana, huwag mo hayaang saktan ka ni Aldrin. Hahayaan muna namin yung ginawa niya sayo ngayon, pero pag naulit uli to, please, hiwalayan mo na."
Tumango na lang siya