Late nang natapos ang party. Maagang umuwi si Jai dahil sinundo siya ng mama niya. Kararating lang kasi ng mama niya from Cebu at ngayon lang ulit sila magkakasama kaya hinayaan ko na siyang mauna. Ako naman, pinuntahan ko si Shar sa likod ng library kasi malamang sa malamang, hinihintay niya ako. Hindi ko puwedeng hayaan siya na maghintay. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin pero sa mga oras na ito, responsibilidad ko siya, isa pa, gabi na.
Nakarating na ako sa likod ng library at biglang nakadama ako ng deja vu. Tama, ganito yung panaginip ko kagabi. Sa likod ng library, madilim, si Shar...hinalikan ako. Hindi ito puwede pero hinintay ko pa rin. Maya-maya'y nagpakita na siya. Yung mukha niyang inosente at maamo. Bakit kailangan na magkagusto ako sayo?
Shar: Nash...May gusto akong sabihin sayo.
Hindi na ako makapagsalita. Gusto kong pigilan siya pero wal akong magawa. May sariling utak ang ata ang katawan ko. Bumibilis na ang takbo ng puso ko at tila pinagpapawisan na ako.
Lumapit siya sakin. Yung talagang malapit. NAkatingin lang ako sa mata niya.
Shar: Nash... Gusto kita.
Lalong hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Pero bakit? Bakit ako? Hindi ba dapat si Jai? Yumuko ako. Napatingin sa sahig. Mali, mali ito. Mahal kita Shar pero hindi ko kayang traydorin ang kaibigan ko. Pero mahal ko si Shar, mahal na mahal pero si..
Ako: Jai...
Hinawakan niya ang kamay ko. Iniangat niya ang mukha ko upang magkatama ang mga mata niya.
Shar: Nash, totoong minahal ko si Jai. Talagang minahal ko siya. Pero una kitang minahal. Noon pa man, mahal na kita. Kaso may Mikka ka na, kaya hindi na ako sumingit sa buhay mo. Tapos biglang dumating sa buhay ko si Jai. Akala ko maibabaon ko yung nararamdaman ko kapag minahal ko siya kaso kaibigan ka niya Nash! Kailangan makasama kita. Lalong nahulog ako sayo hanggang sa di ko na maitago sa sarili ko!
Tumulo ang mga luha niya. Nagalit ako sa sarili ko dahil napaiyak ko siya. Ayokong umiyak si Shar.
Ako: Pero hindi ito puwede.
Shar: Nash, hindi ko naman hinihiling na mahalin mo din ako pabalik! Naiintindihan ko naman kung hindi mo ko mahal dahil mahal mo parin si Mikka. Kaya ko lang sinasabi ito ay dahil gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko. Kasi Nash, hindi ko na kayang itago to. Pag tinago ko pa, sasabog na ako!
Hindi Shar! Kung alam mo lang din kung gaano kita kamahal. Pero hindi to puwede dahil mahal ka ni Jai. Ikaw lang ng nakapagpapangiti sa kanya nang ganon at ayaw kong ako ang sumira non. Mahal kita pero, mas mahal ko ang kaibigan ko. Pasensya na, mahalaga sakin si Jai.Huminga ako ng malalim.. tiningnan ko siya sa mata. kahit naluluha, pinilit kong magmukhang normal.
Ako: Tama ka, mahal ko pa nga si Mikka. Sorry ha? Hindi kasi kita gusto. Wala akong nararamdaman ni katiting na pagkagusto sayo. Maaring gusto kita pero bilang kaibigan lamang o kapatid pero hindi na iyon hihigit don. Sana maintindihan mo ako. Mahalin mo na lang si Jai, dahil alam kong mapapasaya ka niya.
Sabay ngiti. Argh! Napakasinungaling ko. Masakit pero ito ang dapat kong gawin. Gagawin ko ang lahat para sa kaibigan ko kahit ako na ang masaktan. magpaparaya ako.
Nalulungkot ako dahil umiiyak si SHar. Masakit talaga para sakin. Umiyak siya ng ilang segundo. Maya-maya'y pinunasan niya ang luha niya at ngumiti sakin.
Shar: Anyway, salamat sa pag-intindi at pakikinig sa'kin, sa kahibangan ko. Natutuwa ako dahil kahit papano, pinapahalagahan mo parin ako bilang kaibigan. Tunay kang kaibigan. Ang suwerte ni Mikka, ni Jai.
Ako: Wag ka ngang mainggit sa kanila. Masuwerte ka din naman! Kasi kaibigan mo ko.
Ngumiti ako sa kanya. Pinipilit kong gawing normal ang lahat. Sa wakas, napangiti din siya.
Ako: Gusto mo bang ihatid na kita?
Shar: Ano to? Nanliligaw ka na ba? HAHAHAHA!
Ako: Kung anu-ano iniisip mo. Halika na nga! Gabi na. Malayo pa naman bahay niyo!
Nagsimula na kaming maglakad. Napaka-awkward ng gabi para samin. Kinabukasan, maaring hindi na kami tulad ng dati na nkakapag biruan pa. Tinitingnan ko si Shar habang naglalakad kami. Ito yung babaeng mahal na mahal ko at mahal ko din pero pinakawalan ko. Hindi naman totoo na guto ko parin si Mikka. Hindi rin totoo na kaibigan lang ang tingin ko sayo. Dahil ang totoo niyan, Shar...mahal kita. Tadhana, bakit ba wrong timing ka? Hindi ko na mababawi yung mga nasabi ko sakanya, hindi ko na siya mababawi.
Nakarating na kami sa bahay nila at nagpaalam sa isa't-isa. Umuwi na rin ako. Pagkarating ko ng bahay, sinalubong ako ni mama.
Ma: Nash bakit??? Anong nangyari?
Alalang alala ang mukha niya. Nagtataka din ako.
Ako: Po?
Ma: Bakit ka umiiyak?
Kinapa ko ang psingi ko. Tumutulo na pala ang mga luha ko. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako. Masakit. Nararamdaman ko ang sakit na kanina ko pa tinatago at ngayon lang lumabas. Masakit. HIndi ko na mapigilan ang luha ko. Kailangan kong ilabas ito. Napayakap ako kay mama.
Ako: Ma... ansakit sakit...
Ma: Ayos lang yan nak. ibuhos mo lang yan. Andito si mama.
Ibinuhos ko na lahat para bukas, hindi na masakit.
------------------------------------------------------------------------------------------
Heeeeeeey!
Thank you guys for reading this story. tong kahibangan ko. hehe!
Neeway, i have a new story. short story lang siya and it's yaoi. don't ya worry, hindi siya tulad ng iniisip niyo. hehe . check Love has changed me (YAOI).
love yah! mwa mwa mwahugs!