Ang nabunot ko ay si....

194 8 0
                                    

Tahimik at nagpipilit na makatulog ako sa sulok ng klasrum. Napuyat kasi ako kagabi sa kakareview at pag gawa ng assignments/ kakapanuod ng anime. Tinapos ko kasi yung Mirai Nikki at Sword art online. Pinagtitiisan ko muna ang klasrum kasi na-banned na ako sa clinic eh.

Nurse:"Mr. Aguas! Anong akala mo sa clinic? Hotel??!!"

Mahirap makatulog sa klasrum lalo na kapag andaming maingay.

Excited kasi silang malaman kung sino mabubunot nila para sa christmas party namin. Anong nakakaexcite don? Kung hindi mo rin naman mabubunot yung gusto mong regaluhan?

Tsaka bakit kailangan mong magregalo ng material things? Hindi ba nila alam ang tunay na diwa ng pasko? May fixed rate pang nalalaman. Pag magbibigay ka ng regalo, dapat galing sa puso! Kaya ako, kung sino man mabubunot ko, reregaluhan ko ng prayers! Maraming maraming prayers! At least galing sa puso yon.

^________________________^Hindi naman sa kuripot pero, may issue lang sa pagbili ng regalo.

Ma'am:" Okay class, I'll call you one by one then bumunot kayo ng isang papel sa container. Kapag nakabunpt na kayo, keep it as a secret. Walang magpapalitan. Understood?"

Classmate:"Yes ma'am."

At syempre dahil chronological ang pagtawag sa'min, pangalawa ako na bubunot. Haaayss...

Sa dami ng papel na nakaroll, malabong mabunot ko si Shar. Tanggap ko na yon. Kaya ayoko ng bunutan e. 

Nakabunot na ako ng pangalan. Hindi ko na pinatagal ang pagbukas nito. Nakita ko yung pangalan at napangiti ako. Masaya ako sa kung sino ang nabunot ko. 

Natapos nang makabunot ang lahat kaya nag-iingay na naman sila. 

Lunch break na namin. Wala kaming balak kumain ngayon kasi nagda-diet kami. Hindi, wala lang talaga kaming gana. Kaya, tumambay na lang muna kami sa klasrum. 

Jai:"Malas ko sa nabunot ko."

Ako:"Bakit? Sino ba nabunot mo?"

Binigay nya yung papel sakin. Rhea Miguela Mercado. Napatawa ako.

Ako:"Malas ka nga talaga. E choosy yan e!"

Shar:"E mas lalo naman ako."

Jai:"Bakit? Sino ba sayo?"

Shar:"Si Donato."

Jai:"Bakit ka naging malas don? E mayaman yun."

Shar:"Yun nga eh! Mayaman! Hindi ko alam ireregalo ko kasi lahat ng maiisip ko, na sakanya na! Buti sana kung ako reregaluhan nya. e ok pa."

Natawa ako sa kanila. Hindi rin pala masama tong bunutan na'to. Hahaha!

Ako:"Basta ako, masaya ako sa nabunot ko."

Shar at Jai:"SINO???"

Ako:"Hindi ko sasabihin."

Jai:"Damot nito."

Ako:"Ok, hint. Siya yung taong mahal na mahal ko. "

Saka ko sila nginitian. Napaisip sila. Saka sila nagsimulang magbigay ng mga pangalan. At ni isa sa mga sinabi nila, walang tumama. Hay ang saya ko!

Famous last wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon